Chapter 39

469 15 0
                                    

The party started, and I can see that Z is enjoying her day, playing with her daddy.

Her giggles with Azriel makes me smile.

I love seeing them together, playing, enjoying their time and making a lot of memories together.

I know that Azriel is the best gift na natanggap ni Z.

I know how she wanted to see her daddy and spend time with her daddy.

At ngayon, tingnan mo silang dalawa. Masayang masayang nag lalaro at nag tatawanan.

"Okay, time to sing a birthday song for our baby Z" sambit ni Iyah hawak ang mic

Naupo naman sila sa mga upuan habang ako ay lumapit kay Z para alalayan siya sa pag blow ng candle

"Daddy" tawag ni Z kay Azriel.

Agad ko namang nilingon si Azriel na naka tapat sa amin ang cellphone na mukhang kumukuha ng litrato at sumenyas ako sa kaniya na lumapit siya sa amin ni Z.

Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya tsaka binigay kay Zack ang cellphone at lumapit sa amin.

Sabay sabay na kaming kumanta ng birthday song. Nangingibabaw pa ang boses ni Elton at Briella na nakaupo sa mas mababang chair habang may hawak na hotdog.

Nang matapos na ang kanta ay hinipan na ni Z ang kaniyang birthday candle. Pumikit pa ito na akala mo ay may seryosong hiling.

We took a photo with her. Azriel and I kissed Z cheeks at the same time. Napangiti na lang ako ng makita ko ang mga litrato namin.

Pangarap ko lang noon na makilala ni Z ang tatay niya, makasama namin ang tatay niya sa birthday niya at sa kahit na anong okasyon.

Ngayon ay andito na siya. Masaya na kaming kasama si Azriel.

Hindi pa man kami ganoong kalinaw ni Azriel pero ramdam ko kung gaano niya kami kamahal ni Z.

My family even welcome him. Aemi should be here, ang kaso ay hindi pa siya nagigising.

***

"Nurse Tasha, can you go to the rooftop? Doc Williams want to see you" sambit ni ma'am Elizabeth, ang head nurse namin

"Doc Williams po?" I never heard his name. Siguro ay bago siya dito

"Hmm" tango ni Ma'am Elizabeth tsaka tumalikod

"Sis, hindi mo kilala si Doc Williams?" tanong sa akin ni Jerrah, classmate ko noon at nurse na din ngayon

Umiling ako sa kaniya bilang sagot

"Ay sis pogi yung doctor na yun. Bakit hindi mo kilala?"

"Mas pogi pa din tatay ng anak ko" proud na sambit ko

"Hays, pumunta ka na doon at baka importante iyon" sambit ni Jerrah tsaka ako tinalikuran.

Napailing na lang ako tsaka nag simulang maglakad papunta sa elevator.

Nang bumukas iyon ay nagulat ako sa dami ng kulay puting lobo.

Hindi sana ako sasakay ngunit may nabasa ako sa dingding ng elevator na 'exclusive for Atasha' kaya naman sumakay na ako doon.

Pag dating sa rooftop ay humampas sa akin ang malamig na hangin dahil madilim na din.

Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod, naka suot ng puting coat at nakapamulsa.

Waves Of LoveWhere stories live. Discover now