31

974 41 5
                                    



Naging laman ng isip ko lahat ng sinabi niya sa'kin. Paulit-paulit lang iyong mga salita niya sa utak ko hanggang sa makauwi ako.

"I'll court you again. Mahal kita, Julian."

Bago pa ako tuluyang mabaliw ay nakarinig na ako ng mga busina sa likod ko dahil sa pagkatulala ko sa buong biyahe. Binagalan ko na lang at nilapit sa mismong gilid.

"Damn it," I muttered a curse as I stepped onto the brake. Nang huminto ang kotse ay napapikit ako ng husto at napabuga ng hangin.

Gusto kong hindi makaramdam ng kahit ano sa sinabi niya at mas lalong hindi ako maapektuhan. Ayokong maramdaman ulit yung bagay na naramdaman ko pitong taon na yung nakalipas. Ayokong masaktan ulit dahil sa totoo lang, may maliit na parte sa puso ko na patuloy lang na umaasa.

Natatakot ako na baka mahulog ako sa kaniya ng husto at iwan niya rin ako sa oras na may mas humigit sa'kin. Natatakot ako na baka maulit lang ulit yung mga nangyari.

Hindi ko alam kung bakit pero bumibilis ulit yung puso ko simula noong maalala kong kasama ko siya kanina.

"Tangina, sabing naka-move on na'ko e." Iritado kong sambit bago tawagan si Juliette. Matagal bago siya tuluyang nakasagot.

[Problema mo? Nakain ako, pwede ba?] Naiinis niyang tugon sa akin.

"Malala na talaga ako." Nakapikit kong tugon. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, Juliette. Gulong-gulo na'ko, punyeta."

[Ano nga kasing problema mo? Kapag sinabi mong wala, papakainin kita ng hollow blocks.] Banta niya sa'kin. [Seryoso ako, Engineer Verces.]

"Twinkle. That girl is unbelievable," Napasabunot ako sa sarili kong buhok at gusto ko nang iumpog ang sarili kong ulo sa manibela. "She's insanely going through my mind and I can't fucking handle it."

[Bakit, nagkausap ba kayo? May nangyari ba kanina?] Nagtataka niyang tanong.

"Ma..hal..niya parin daw ako.." Hirap na hirap kong sambit. "H-hindi ko alam kung nagbibiro siya...o ano. Puta! Bakit ba kasi ang rupok ko pagdating sa kaniya! I should be mad because she left me, I should be telling to her I won't fall again, pero bakit traydor 'tong puso ko?!"

[Naniwala ka naman sa kaniya?] Tanong niya sa'kin. [Seriously, pull yourself together Julian. Ano nang nangyari sa plano mo? Aatras ka na ba?]

Napahigpit ang hawak ko sa mismong manibela. Sa pagbigkas palang niya ng pangalan ko, alam kong lusaw na lahat ng galit sa puso ko. Nanghihina na ako sa tuwing iisipin kong gusto kong ibalik lahat ng sakit na ipinaranas niya sa'kin.

Gustuhin ko man siyang tanggalin sa mismong sistema ko, pakiramdam ko wala na akong kawala. She inspired me to work hard for the success that I wanted, because I dreamed of having her again when I can already provide what she wanted.

Panay ang hilamos ko sa sariling mukha habang nakatingin sa mismong salamin. Hindi ko maiwasang isipin lahat ng mga pangako ko sa oras na makapagtapos ako.

Naalala kong pinanindigan ko yung pangako kong, haharap ako sa kaniya kung kailan kaya ko na siyang bigyan ng magandang kinabukasan. I never thought I would be this successful, dahil siya lang naman ang naging laman ng isip at puso ko n'on habang patuloy na nagsusumikap.

I wonder if she told me that she loves me now that I can give everything for her? I wonder if everything will be a joke once again if I gave in to her trap?

Iyon naman kasi talaga ang pinangarap ko. Sa oras na maabot ko na lahat ng inaasam ko, talagang itatali ko na siya sa'kin sa ayaw at sa gusto niya. All I ever wanted is a life and a family with her.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Where stories live. Discover now