17

899 52 12
                                    


I flashed a sexy smile. "Good day, I'm Julian Troxx Verces. Representing Engineering, section 12."

Sa pagkasabi kong iyon ay muntik nakong mabulag sa mga flash na nagsilabasan dahil sa pagkuha nila ng litrato. Nahagip ng paningin ko si Mama na ngayon ay tuwang-tuwa na nagrerecord sa'kin at si Ate na nakangisi sa itsura ko.

Sa pag-ikot ko, nakita ko si Twinkle na nakamasid sa may bandang likod at nakangiti lang siya sa'kin. Sinuklian ko ang ngiti niyang iyon at nahalata kong namula ang pisngi niya. Natawa ako bago tumalikod sa may backstage.

Nang Question and Answer portion na, ang naunang tawagin ay ang mga candidates ng Miss Campus.

Ang napakinggan ko lang ay tungkol sa Q and A portion nung model sa fine arts na pinag-uusapan nila Kayne kanina.

"Do you really think it hurts more when girls become desperate for love?"

Tumahimik ang buong studio at ngumiti lang 'yung model na candidate.

"For me, yes it is. I do think girls are the one who are suffering more in a relationship. They are the ones getting periods, being pregnant, carrying the baby, being a good mother to her kids. Girls should never beg for attention, girls should never beg for love. Girls should know their worth. But I think this is applicable for everyone. Never force yourself to accept him/her again even if you'll know it's not worth in the end. Someday, there will be someone who will love you truly."

Ngumiti naman yung emcee sa kaniya. "Nice answer, Candidate no.7. Let me just ask you, what is your ideal guy?"

Kita kong napabuntong-hininga naman 'yung candidate. "I don't think money should be the basis when it comes to love. It's not about how expensive those things you bought for me, but on how you respect me as a woman and how you stand on your principles. In other words, I like men with good principle and perspective in life."

Nagpalakpakan naman 'yung mga judges sa sinabi niya. Sumunod ay kami nang mga lalaki. Ilang minuto lang ang tinagal bago ako tuluyang tawagin.

"Now, I do believe guys in engineering are handsome." Biro nung emcee sa akin at natawa naman ang mga audience. "For you, candidate no. 5. The question for you is, do you believe in love at first sight?"

Ngumiti ako ng matamis at humarap sa kanila.

"Yes, I do believe in love at first sight. Because for me, it's not about how long you court that woman or how many years you fell in love with her. It's about the time that you spent remembering every details about her, treating and seeing her as your wife someday, and understanding her all the time." Tumitig ako kay Twinkle. "I can court you forever, just stay by my side and love me for who I am."

Napatitig din siya sa'kin sa pagkasabi ko. I hope you realize something, Twinkle.

Malakas na palakpak ang inani ko sa sagot ko. Ngumiti lang ako bago tuluyang bumalik ulit sa backstage. Ilang saglit pa, dumating na kami sa final round. Iyon ay ang showing your hobby.

Iba-iba din ang pinakita nila. Mula sa pagkanta, pagdrawing, pag-akting at kung anu-ano pa. Noong tinawag na ang number ko ay hinubad ko na ang checkered jacket ko at lumabas lang ng naka-sando. Nanlaki ang mga mata nila, pati ng kay Twinkle.

Tumugtog na ang sayaw na 'Loveshot' by EXO. Bawat beat ay sinabayan ko kasama na rin ang pagpitik ng bawat galaw. Simpleng movements lang ng kamay sa introduction ang aking ipinakita pero noong dumating na ang chorus, unti kong itinaas ang shirt ko at nagbody-roll.

Kita kong napahiyaw sila at ngumisi lang ako bago magbody-roll muli sa kabilang direksiyon at bahagyang nakataas na ang sando. Sa pagtaas-baba ng kamay ko at pagdulas ng mga paa ko sa sahig ay kusa nang kumanta ang ibang audience.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Where stories live. Discover now