28

822 40 7
                                    




Nananakit pa rin yung ulo ko dahil sa hang-over nung isang gabi. Sa totoo lang, nahihilo pa ako sa dami nung nangyari matapos naming mag-inuman.

Malapit nang magmadaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maawat sina Finn dahil mukhang naglabanan pa sila kung sino pa yung may pinakamadaming bote ng alak na mauubos.

"Hindi ako pwedeng malasing, lagot ako kay lalabs neto!" Inis na sambit ni Finn at pitong alak lang ang nakayanan niya nang hindi masyadong nahihilo.

Magsasampung alak na si Kyro habang bagsak na bagsak naman sa mesa si Theo. Ako naman ay panay lang ang tingin sa kanila at dinadahan lang ang pag-inom dahil alam kong hindi sanay si Mama na maamoy ang alak na nakakapit sa katawan ko.

"Tama na nga," Kinuha ko na yung alak sa mesa at nakita ko namang nanlaki ang mga namumungay na mata ni Kyro habang nakanguso.

"H-hindi pa'ko l-lasing," Saad niya pero napairap kami ng husto ni Finn.

"Sige nga sabihin mo'to," Humarap sa kaniya si Finn. "She sells seashells in the seashore,"

"Si Theo ay hindi tuli kaya tanga si Theo," Bumelat pa siya at mas lalo lang siyang tumawang mag-isa.

Naisipan nang bayaran ni Finn lahat ng naubos at sinimulan na naming buhatin sina Theo papunta sa sasakyan.

Hindi pa man kami nakakapunta sa mismong parking lot pero bigla nalang tumakbo si Theo at nagsuka doon sa may gilid.

Halos mandiri ang reaksiyon ni Finn at hinihintay ko muna si Theo para madala ko na rin siya sa likod.

Nang makapasok kaming lahat ay kami na rin ang nagseatbelt sa dalawa dahil ayaw pa talaga umalis roon.

"Subukan mong sumuka sa sasakyan ko, ibabangga ko 'to sa poste." Mariing sambit ni Finn at kita ko namang napatakip ng bunganga si Kyro.

Mabuti na lang at maayos ang kondisyon ko nang umuwi ako sa bahay. Naligo ako kaagad at nagtootbrush para naman hindi pa mag-alala sa'kin si Mama.

May naiisip na akong gawin ngayong araw. Mukhang maaga pa naman pero hinintay ko munang matapos ang klase.

"This will be your last week as college students, next week will be your graduation." Saad ng professor namin. "On wednesday, you'll see the list of the graduates on the main bulletin board. There will be schedules also for posting the announcement of the last members for the teatre."

"Miss, gagraduate naman ho lahat diba?" Malakas na tanong ni Kyro. "Kung hindi miss, salamat na lang sa lahat godbless."

Nagsitawanan naman ang buong klase. Ako naman ay napailing na lang.

"Parang akala mo hindi nagsuka doon sa bintana nung isang araw," Bubulong-bulong na saad ni Finn sa gilid ko at mahina kaming natawa.

Kaunti na lang naman yung mga students na incomplete. Mabuti na lang at mabilis din naman kaming pinatapos dahil mukhang busy na rin yung mga professor sa grading.

Nagkasama-sama kami ulit sa cafeteria dahil lahat sila ay makakahinga na ng maluwag pagdating sa wednesday. Unting usad na lang ng mga araw at graduation na, pagkatapos n'un ay mag-aaral na para sa boards.

"Sa tingin niyo, gagraduate naman ako ngayong taon diba?" Mahinang tanong ni Angel sa'min habang kumakain kami.

"Bakit parang hindi ka pa sigurado, bruha?" Antipatikong tumingin sa kaniya si Gab. "Dapat kampante ka like gorabels, papasa ako para naman makapagtrabaho na tayo sa abroad at makahanap ng sugar daddy!"

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Where stories live. Discover now