1

2.9K 66 15
                                    

"JULIAN! GUMISING KA NA! ANONG ORAS NA OH?!"

Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata. Napabalikwas ako sa sigaw ni mama. Nakita ko siya sa may gilid ng pintuan, nakapameywang at halatang kanina pa ako hinihintay na magising.

Umupo ako habang hihikab-hikab. Kinusot ko ang mga mata ko. Pero syempre, medyo light lang kasi baka masira yung eyelashes ko. Wala pang isang segundo ay pumipikit-pikit na ulit ang mata ko. Gusto ko pa sanang matulog kaso nga lang ay baka sigawan ulit ako ni mama.

"Bumangon ka na at mag-aalmusal na tayo. Kanina ka pa namin hinihintay, Julian. Aba't e---"

Pinigilan ko siya sa pagtaas ko ng isang kamay. "Julianna kase, ma." Bakit ba kasi napakapang-lalaki ng pangalan ko? Eww lang.

Umirap lamang si mama. "Dalian mo na."

Napatingin ako sa alarm clock na nasa may lamesa. Alas-otso na ng umaga, at alam kong para kay mama eh tanghali na ang oras na ganito. Napatingin ako sa kahoy na bintana namin. Nakita ko na ang mga iilang nagtataho, mga traysikel drayber, pati na mga nagtitinda at sumisigaw ng kung anu-ano sa kalsada. Kalerky, ang aga-aga eh nagpapapawis sila sa labas!

Napatingin ako sa salamin. Unti-unting lumukot ang itsura ko. Makakapal na kilay, mapupungay na mata, hindi payat pero medyo maskulado, may dimple sa kanang pisngi, medyo magulong buhok at may pagka-moreno. Medyo matangkad din ako. Iyan ang itsura na nakikita ko sa salamin.

Hindi na bago sa akin ang matawag na gwapo. May iilan pa ngang nagsasabing hindi tugma ang kilos ko sa itsura ko.Sayang daw ang itsura ko at nagmumukha pa akong modelo. Naiirita ako ng sobra sa tuwing may lumalapit sa akin upang landiin ako. Shutabels lang diba?

Kinuha ko ang liptint na nasa itaas ng tukador. Naglagay ako ng unti sa aking labi, at pati na ang aking pisngi. 

Pagkababa ko mula sa hagdan, naabutan ko si ate na nagtitipa sa kaniyang cellphone habang naghahanda si mama ng ulam sa may lamesa.

Napatingin sa akin si Ate Julia.

"Oh, nariyan na pala ang napakagwapo kong kapatid!" Ngumisi siya.

Ang aga-aga tapos mambibwisit? Inirapan ko na lamang siya at tinulungan si mama sa paghahanda ng plato at kubyertos.

Napaupo ako sa bilugan naming lamesa. Pagkaupo ni mama sa hapag, agad kaming nagdasal.

"Oh, ngayon na pala ang enrollment mo para sa third year, Julian."

Napatingin ako kay mama. Kolehiyo na ako habang si Ate naman ay nurse ng ospital na malapit sa lugar namin. Si Mama naman ay kilala sa galing sa pagtahi ng iba't ibang damit. Minsan ay ako ang inuutusan upang maideliver iyon sapagkat minsan ay isang kanto lang agwat ng mga suki. Engineer ang kinuha kong course kasi pangarap ko iyon simula pagkabata. Keribels lang kahit di match sa ganda ko.

"Anak, napakarami kong mga supplies na kailangan kunin," Pagpapatuloy ni Mama. "Puwede bang ikaw na lang ang pumunta sa office ng paaralan niyo? Natapos ko naman lahat ng requirements. Ibibigay ko nalang doon,"

Ngumiti ako kay Mama. "Sige, ma. Wala naman akong gagawin, eh."

"Ay, bunso." Tawag naman sa akin ni Ate. "Sumabay ka na sa akin kasi may kukunin din ako sa may opisina, eh. Tawagan mo nalang ako pag tapos ka na,"

Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. 

Pagkatapos naming kumain, tumulong na ako kay Ate sa paghuhugas ng pinagkainan.

Habang naghuhugas, napatili ako nang bigla akong natapunan ng tubig. Holybels!

"Ate naman, eh." Panghihimutok ko.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Where stories live. Discover now