30

1K 40 5
                                    



Hindi siya makapagsalita.

Alam kong may gusto pa siyang sabihin kaso ay bigla siyang kinalabit nang siguro isa sa mga management staffs. Bigla naman siyang tumalikod saglit at napagdesisyunan ko na ring umalis.

"So, we'll discuss it furthermore at afternoon—" Lumingon siya sa'kin at naiilang akong tinignan. "I'm sorry for the bother, I can set a schedule for us to catch up things—"

"Ayos lang, Miss Milan. Mukhang busy ka," I smirked at tumalikod na sa kaniya. "Good bye, have a good day."

Nauna na akong maglakad patungo sa mismong lobby atsaka ako dumiretso papalabas. Nakita ko agad si Juliette na prenteng naghihintay sa'kin sa mismong kotse ko.

"Ang tagal mo, ah." Ngumisi siya sa'kin. "Anong pinag-usapan niyo? Saan kayo magkikita? Nako, Julian. Alam kong marupok ka—"

"Nakinig ka sa usapan namin? Akala ko ba umalis ka saglit?" Nagtataka kong tanong at binuksan iyong nakalock na pinto.

"Rinig na rinig ko yung usapan niyo," Natatawa niyang sabi at pumasok na sa loob ng kotse. "Pero teka, ha. May napansin ako sa kaniya, maliban sa nagbago yung katawan niya. Alam mo ba kung ano?"

Tumingin lang ako sa kaniya at sumandal na muna sa may upuan ko.

"Ang blooming niya, ah. Tsaka yung..." Tinignan niya ako ng nakakaloko. "mga labi niya. Parang may nakatikim—"

"Bwisit ka, Juliette." Napipikon kong sabi at tumawa lang siya ng malakas. Napailing naman ako sa kaniya.

"Pero seryoso 'to ha, ano bang pinag-usapan niyo kanina? Kasi, nahalata ko kung bakit hindi niya kinuha yung proposal ko, e." Kinagat niya yung labi niya. "Mukhang nagselos sa inasta ko kanina sa'yo."

I looked at her ridiculously. "Bakit naman siya magseselos? Eh siya nga itong pinagpalit ako sa iba. Nakakatawa iyang biro mo,"

"Julian, babae ako at alam ko kung ano ibig sabihin ng mga titig nila." Humalukipkip siya sa'kin. "Isa pa, kailan ba natin sisimulan iyong plano natin?"

"Tsaka na, we'll just wait for the right time." Saad ko bago bumiyahe patungo sa condo ko.

Iisang building lang kami ni Juliette pero medyo malayo iyong unit niya sa'kin. Hindi ko nga alam kung bakit pa talaga siya narito.

"Kailan ka ba kasi mapapagod kakatago sa kaniya?" Tanong ko habang palakad kami sa mismong loob.

"Kapag napagod na siya kakahanap sa'kin." Simpleng sagot niya at nagpaalam na, mukhang ayaw nang pag-usapan iyon. Sumama lang naman kasi siya sa'kin para sa proyektong 'to pero bukod doon, wala na siyang gagawin pa rito.

Nang umalis siya ay kusa kong narinig na may tumatawag sa'kin. Sinagot ko naman ito kaagad.

[Pre, kamusta siya?] Napangisi ako sa tanong niyang iyon. Halos araw-araw niya akong kinakausap at tinatanong tungkol sa taong pinapabantay niya sa'kin.

"Ayos, may meeting kami kanina pero ako naman yung naghatid-sundo sa kaniya." Pangchichismis ko sa kaniya.

[Good, I owe you a lot pare.] Aniya sa kabilang linya.

Tumango naman ako. "Siguraduhin mong babawi ka sa kaniya dahil kapag pinaiyak mo uli siya, kalimutan mo nang naging magkaibigan tayo."

[Wag ka mag-alala, malapit ko na siyang itali sa'kin.] Natatawa niyang saad bago tuluyang ibaba yung tawag.

Nauna naman na akong pumasok sa condo ko at nagpalit na ng damit. Kaagad kong niluwagan iyong necktie ko at pumasok sa kwarto. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako nang pinupunasan pa yung buhok ko gamit yung isa ko pang tuwalya.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Where stories live. Discover now