Part 10 - Relax! Inhale. Exhale

434 2 0
                                    

Sophia's POV

Asan na kaya ang mga ito?

Nakakailang tawag at text na ako simula kahapon pero hangang ngayon walang sumasagot.

Kung kailan kailangnang kailangan ko sila, tsaka naman sila di ma-contact.

Napa hinga ako ng malalim.

Kailangan ko ng makakausap o mang didistract sa akin. Ayaw ko na isipin kung ano man ginawa ko kahapon.

~~~

"Hello S? Asan ka?" tanong ni Audrey ng sumagot na sa wakas.

At siya pa talaga ang magtatanong kung nasan ako? Eh sila yung hindi sumasagot.

"Anong asan ako? Kayo ang asan! Kahapon ko pa kayo kino-contact pero walang sumasagot! Asan ka? Si Livi? Si Autumn? Anong ng yari nung isang araw? Bat niyo ako iniwan? Dapat sinaman niyo na lang ako!"

"Sandali lang S! Ang dami mong tanong! Hinay hinay lang!"

"Anong hinay hinay lang? Alam niyo ba kung pano ako nag-alala? Ni isa sa inyo wala ako makausap! Pano kung may ng yari sa inyo? Wala man lang ako alam!"

Halos mag hesteria ako, kung ano ano na naisip ko kahapon.

"Relax S! Relax! Inhale. Exhale. Inhale. Exhale."

"Anong ginagawa mo?" pagpuputol ko. Mas lalo lang akong naiirita sakanya dahil sa pinaggagawa niya.

"Pinapakalma ka. Sa boses mo pa lang feeling ko hysterical ka na! Ang mabuti pa punta na lang ako sa inyo o kaya meet tayo kung saan para makapag usap."

"Hindi ako makakalabas. Nandito sina Mommy, mabuti pa pumunta ka na lang dito. Grounded ako at Marami ka pang i-explain sa akin!"

"Nandito sina Tita? Bat di ko alam? Bat di mo sinabi?" Na mas lalong nag pairita sa akin.

"Pano ko masasabi sayo? Sumasagot ka ba sa mga tawag at messages ko? Hindi, diba? Kaya bilisan mo na!"

"Ai, galit ka na niyan? Sige sige! Papunta na po Ma'am!" At binabaan na ako.

~~~

"S, sorry na! Hindi ko naman sinasadya. Hindi naman namin sinasadya. Eh, nagpresenta kasi siya na siya na lang daw mag hahatid sayo pauwi. Hindi naman namin alam na nandito sina Tita!" pagpapaliwanag sa akin ni Audrey. Nakaka ilang sorry na din siya.

Nandito kami ngayon sa may pool at honestly hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ngayon. Kung matutuwa ba dahil okay siya at walang masamang ng yari o kaya naman sakalin dahil sa irita ko sa kanya.

"Just tell me something Drey. Why did you let him?"

Eto talaga pinagtataka ko. Alam kong nag presenta si Brian pero kilala ko ang mga kaibigan ko. Hindi sila papayag kung walang magandang rason.

"S, he cares about you! Nakikita at nararamdaman namin yun. His sincere and a really nice guy. You were in good hands, kaya please huwag ka na magalit!" at nag pout pa talaga siya.

Iba talaga ang karisma ng isang yun. Nung una parents ko, ngayon naman sina Drey.

Napailing na lang ako.

Mahirap mang aminin but his really something.

"Siya nga pala S, ano reaction nina Tita? Nagalit ba sila?"

Nagkibit balikat ako at uminom ng juice.

"Not really nagalit, napagsabihan lang at. . ." - tiningnan ko siya ng masama dahil naalala ko nanaman - "at nagbanta lang naman si Daddy na ibabalik ang bodyguards ko. BUTI na lang HINDI natuloy."

Sa laking gulat ni Drey ay naibuga niya ang iniinom na juice. "WHAT??!!"

Tumango ako at tiningnan siya habang nagpupunas ng tissue sa mukha.

"Mabuti na lang at hindi sineryoso ni Daddy kung hindi patay talaga kayo sa akin!" pagbabanta ko pa.

"OMG! S! Sorry talaga! Sorry!"

"Ok na yun! Basta huwag na ito mauulit ah!"

"Oo naman! Promise!" sabay taas pa ng kamay ang gaga.

Kung hindi ko lang talaga mahal tong babaeng to, nasampal ko na kanina pa.

Medyo brutal lang talaga ako.

"Tapos S? Ano pa sabi nina Tito?"

"Wala naman. Ayun na paulanan din ng papuri si Brian, kesyo ang bait at responsable daw. Dito pa nga pinag lunch kasama mommy at daddy niya."

Kung may ilalaki pa ang mga mata ni Drey ay siguro lumabas na ito sa kanyang mukha. Speechless ang babae na ngayon lang ng yari.

HAHAHAHAHA....

Malakas kong tawa. Ang epic ng reaction niya.

"Drey isara mo yang bibig mo baka may makapasok na insekto!" sabi ko at hinawakan ang baba niya at tinikom ito.

Pagkatapos ng ilang segundo ng naka recover na siya, "S, ok lang yun sayo? Na na meet niya ang parents mo at na meet mo ang parents niya?

Nagkibit balikat ulit ako.

"Actually ok lang naman. Ok naman sina Tito at Tita. Masaya nga eh. Nag kwento sila about nung kabataan nila. Magkakaklase pala sila at naging magkakaibigan." Pagkukwento ko.

Kahit ako na surpresa na nag enjoy ako. Parang bata lang kasi sila kung magkwentuhan.

"So okay lang sayo na maulit ang kahapon? Masaya pala ah. Nag enjoy ka naman!"

Nang narinig ko ang boses na yun ay nanigas ako sa kinauupuan ko.

Unti unti akong lumingon at nakita ang nakangising mukha ni Brian.

THE RECLUSIVE WRITER - ** EDITING**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon