Part 13 - Breathtaking

364 1 0
                                    

Sophia's POV

"Ano ba kasi ang kailangan mo? Umuwi ka na nga! Gabing gabi na." pangungulit ko kay Brian. Kanina pa nakauwi si Audrey habang ang isang to naman ay parang walang balak umuwi. Late na at may pasok pa kami bukas.

"Bakit ba parang gustong gusto mo na ako umuwi? Sabi naman nina Tita ok lang na nandito ako." Pangangatwiran nito.

Umirap ako. Ang kulit ng lahi!!

"11 na po ng gabi. Late na po at may pasok tayo bukas." Sabi ko ng malumanay na parang nag-eexplain sa isang bata.

"Hindi pa naman ganoon ka late. At tsaka alam ko naman na mas late pa minsan umuwi sina Audrey o kaya dito na sila natutulog." May halong pagtatampo pa na sabi.

Seriously?

Urghhhhh.

"Iba sila!"

"Paanong iba?"

"Kaibigan ko sila!"

"Kaibigan mo din naman ako. Kung gusto mo more than friends pa!" ngumisi siya at tinaas baba pa ang kilay.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. Kung sasakalin ba o sasampalin o kaya patayin na lang para matahimik na.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Hindi ba pwedeng binisita lang kita?" tanong niyaa.

"Hindi! So kung wala ka naman kailgangan o sasabihin, umuwi ka na!"

.

.

.

.

"Tsss.. Oo na! Sige na!"

Oo na? Oo na na uuwi siya?

Napangiti ako ng konti.

Hinding hindi siya mananalo sa akin!

.

.

.

"It's about the Foundation Day!"

Huh? Ano nanaman ang pinagsasabi niya? Akala ko ba uuwi na?

"Huh?"

Umiling iling pa ito na parang alam na niya kung ano ang iniisip ko.

"Ang sabi ko kaya ako nandito ay dahil sa paparating na Foundation Day. Humihingi ng tulong si Darius."

Kumunot ang noo ko. "Darius? Darius Clemente?"

"Yup. Since magco-cover din naman tayo ng activities, sumangayon ako na tulungan na din natin sila."
.
.
Tumango ako. "Ok. Ano ba kailangan gawin? I'll help?"

Napasilip ako sa kanya ng wala siyang sinagot at napasimangot. Parang tuliro kasi na hindi ko maintindihan ang itsura niya.

"Brian? Brian? May problema ba?"

"Ah. .. Ahm.." nagkibit balikat siya "wala naman. Hindi lang siguro ako sanay na sumangayon ka na wala munang mga pagsusungit o pangaaway sa akin."

Unti unti kong naramdaman ang pag pula ng aking mukha. Ganoon ba talaga ako?

At dahil sa naasiwa ako, napairap at nagtaray na ako. "Sabi mo kailangan nila ng tulong, since wala naman akong gagawin I agreed. Pero kung kailangan mo muna na awayin kita. . . .."

"Hep hep hep.. Teka muna. Sabi ko hindi lang ako sanay! Ang dami mo na kaagad sinabi. Tsk!"

"Ano ba? Kailangan mo ba ng tulong o hindi? Aalis na ako!" pag babanta ko pa.

"Tss. Oo na. Eto na po." Sabi nito at may sinambit pa na hindi ko na narinig.

"Ano yun?" tanong ko.

"Wala."

Hmpp.

Pinabayaan ko na lang. Mas mapapahaba pa usapan naming dalawa at mag-aaway lang kami.

.

.

"Basically, tatlong events ang naassign sa atin ng Council. Ang concert, booth at ang outreach program."

"Hindi kaya kulangin tayo sa man-power? Kung ang members lang ng Gazette ang magtutulong tulong, feeling ko kukulangin tayo."

"Nasabi ko na rin yan kay Darius, at nag agree siya na pwede daw tayo kumuha ng volunteers at facilitators. May ibang members din ng council na tutulong sa atin."

Tumango ako. "Pwede ko din ba imbitahin sina Olivia, Audrey at Autumn?"

"Oo naman! Itatanong ko din sana kung pwede mo sila kunin as volunteers. Malaki talaga ang maitutulong nila."

"Ok. Sasabihan ko sila."

"Can I suggest something?" tanong ko.

"Sure!"

"Well yung mga kaibigan ko kasing yun may kanya kanyang expertise. Si Autumn, tingin ko dapat sa booth siya. Si Olivia naman sa outreach. At si Audrey sa concert. Although tutulong sila sa lahat ng activities, pwede sila maging co-chairman or sa planning ng bawat event. Si Autumn sa booth kasi magaling siya sa business, she knows the market at magiging innovative and exciting. Si Audrey sa concert dahil marami siyang kakilala na pwedeng mag guest sa concert and it would be unforgettable. Si Olivia naman sa outreach dahil alam ko she would make it grand and thrilling." Iniisip ko pa lang naeexcite na ako. Napatingin ako kay Brian para kunin ang reaksyon niya sa mga sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin.

"Brian?"

Ngumiti siya.

"You know what Sophia?" tanong nito, pero hindi na hinintay ang sagot ko at nagpatuloy "this is the first time that I saw you smile like that and it's. .. I don't know. . . . breathtaking? Please always smile like that. I know it would bring happiness to everyone and especially to me."

THE RECLUSIVE WRITER - ** EDITING**حيث تعيش القصص. اكتشف الآن