Part 15 - Cupid?

198 2 0
                                    

Sophia's POV

Tama nga ba si Livi? Nagseselos ba talaga ako?

Umiling iling ako.

Hindi. Hindi pwede!
Magkaibigan lang naman kami. At isa pa hindi naman ako INLOVE kay Brian para mag selos.
Tama!

Kaya hindi pwededng nag seselos ako dahil HINDI ko siya mahal.
HINDI!

Hindi.
Hindi.

Yan lang ang laman ng aking isipan hangang sa matapos ang aming ginagawa.

Habang nagpapahinga at nag aayos ng gamit ay narinig ko na lang na may tumawag sa akin.

"Miss Sandoval."

Luminga linga ako para mahanap kung sino iyon.

"Ano po yun Sir?" Tanong ko ng mapansin na si Sir Zapanta pala iyon at papalapit sa akin.

"Eto." Sabay abot sa akin ng hawak hawak niyang bote ng tubig. "Uminom ka muna. Mukhang pagod na pagod ka na."

"Thank you po." Sabi ko at uminom kaagad.

Grabe, uhaw na uhaw na talaga ako.
.
.
"Thank you po ulit sir." Sabi ko ng maubos ang tubig.
Sobrang refreshing, nakakadagdag ng energy.

"Your Welcome! Actually ako nga dapat ang mag pasalamat sa inyo. Nag volunteer pa talaga kayo samantalang madami din kayong ginagawa." Pagpapakumbaba niya.

"Wala po yun sir! Masaya po kaming nakakatulong." Sabi ko. At totoo yun! Sobrang fulfilling kaya na sa bawat ginagawa at pinaghihirapan mo ay may matutulungan kang nangangailangan.

Tumango tango na lang si Sir at ngumiti.

Infairness! Sobrang gwapo talaga nitong si Sir. Kaya nga ang daming nagkakagusto sa kanya mapa studyante man o mapa part ng faculty dito sa school. Gwapo + Matalino + Mabait + Mayaman = Ideal Guy.

Kung hindi lang siguro namin siya Professor ay pati ako ay magkakagusto din sa kanya.

Zach's POV

Ang ganda talaga niya!

Yan ang laman ng isip ko habang nakatingin sa kanya.

Kaya lang. . .

Tumingin ako kung saan siya nakatingin at napabuntong hininga.

Kaya lang sa iba naman siya nakatingin.

Sophia Adette Sandoval.

Ano ba ang meron siya? Unang tingin ko pa lang sa kanya ay nakuha na niya ang attention ko. Hindi lang sa dahil maganda siya kundi may something sa kanya. Ewan ko ba. Basta ang sigurado ako ay gusto ko mapalapit sa kanya. Gusto ko malaman lahat ng sekreto niya. Gusto Ko. . . siya. Attracted ako sa kanya.

At Kung sa ibang pagkakataon ay paniguradong niligawan ko na siya, kaya lang sa ngayon alam ko naman na hindi pwede. Hindi lang sa dahil professor niya ako, I Can always give up teaching for that, pero madami pa akong dapat malaman. . .

At isa pa may nauna na sa akin.

Tumingin ulit ako kung saan nakatingin kanina si Sophia.

Tss.

Tingnan mo tong isang to! Ang daming pasikot sikot. Bakit hindi niya na lang aminin na gusto niya si Sophia? Napaka obvious naman.

Kanina pa ako nagmamasid masid at nawala na ako sa bilang kung ilang beses na tiningnan ni Brian si Sophia at si Sophia kay Brian.

Mga nakaw na tingin nga naman.

Kung hindi lang ako nakakaramdam ng konting kirot ay kanina pa ako tumawa. They obviously like each other but just too damn proud or blind to accept it.

Ako pa ba ang magiging Cupid nila?

THE RECLUSIVE WRITER - ** EDITING**Where stories live. Discover now