Part 3 - Deal

498 5 2
                                    

"If you don't do it, it won't get done. And if you don't do it now, you probably won't do it at all. Motivation must defeat procrastination. This is a good time to get started." - Patrick Pinckney

Sophia's POV

"Ayaw mo talaga sa akin, no?" tanong niya at tumingin sa akin ng seryoso.

Now.

Ano ang isasagot ko sa tanong na yan? Kasi kahit ako hindi ko din alam ang sagot.

"Nevermind." Sabi niya. "Alam ko na din ang sagot."

Buti na lang at sa oras na yun dumating ang waiter. Medyo nabawasan ang tensiyon. Pero pagkatapos naming mag order mas lalong naging awkward ang pakiramdam ko. Namuo ang katahimikan at ng hindi ko na natiis ay nag salita na ako.

"May kailangan ka ba? Kasi kung wala, kailangan ko ng umalis. May naghihintay sa akin sa bahay."


Nang hindi siya sumagot ay umamba na akong umalis ulit. Nakakabanas kaya. Hindi man lang sumagot.

"Where are you going?" tanong niya.

"Uuwi na." Ulit ko. "Kung wala ka namang kailangan, aalis na ako. Mahirap makipagusap sa hangin."

"Alam mo naman siguro kung bakit kita dinala dito." sabi pa niya at tumingin sa akin ng makabuluhan.

"Eto nanaman ba?" tanong ko at umupo ulit. "Nagbigay na ako ng sagot, diba? And the answer is still the same. NO!"

"Bakit? Give me a valid reason and I will stop all of this."

"Aminin mo nga. Why do you want me on The Gazette? Let's face it Brian. We both know that we don't like each other. And we also know that you guys don't need me. So, why?" walang paligoy ligoy kong tanong. Totoo naman. We are so polar opposite na hindi kami mag agree sa isang bagay. At kung maging mag ka organization pa kami? It's a disaster waiting to happen. And I'm afraid of the casualties along the way.

Tiningnan niya ako ng mabuti at unti unting ngumisi.

"What makes you think na I don't like you?" tanong niya at ngayon nakapalumbaba na sa harap ko. "Hmmm. Anyway. You're right. We really don't need you. I know that we can accomplish everything without you. It's just that I'm thinking of other people's sentiment especially Miss Santiago."

"Ano naman ang ibig mong sabihin?"

"Simple. Iniisip ko si Miss Santiago at ang bumubuo ng The Gazette. No matter how much they trust me and my skills, feeling ko may kulang pa din. Like a missing piece on a puzzle. And I realized na ikaw yun!"

"Did THE MR. BRIAN VILLAREAL just complimented me?" di ko na mapigilang hindi ngumiti.

That's a first!

"Hmm. . . Don't get used to it. . . . And it was NOT a compliment. I'm merely stating a fact."

"Whatever you say. . . ." natatawa kong sabi. Pikon talaga.

"Pwede ba huwag kang ngumiti diyan! Para ka nang baliw!"

"Bakit naiirita ka na ba?"

"Hindi. Kung ikaw alam mo na ayaw natin ang isa't isa. Ako naman, alam kong alam mo na magaling ka. Tingin mo ba makakapasok ka sa MV kung di ka magaling?"

Natigilan ako.

"Sino naman ang nag sabi na author ako sa MV? Hindi ba pwedeng pumunta lang ako dun para bumisita?" pangangatwiran ko.

"Come on Sophia. Pati ba naman diyan maglolokohan pa tayo? I'm honest enough para i-admit na magaling ka. Kalian mo balak magpakatotoo at aminin yun sa sarili mo at sa lahat?"

"Wala ka na doon!"

Dito papasok yung problema. You and everyone might think that I'm good but I cannot  believe it. After the incident na wala ang confidence ko hindi lang sa pagsusulat kundi sa sarili ko. Araw araw, oras oras, tinatanong ko ang sarili ko. Am I really good enough? Do I deserve all of this?

"I know it doesn't concern me. Pero payo lang. Don't take too long in questioning yourself. Hindi forever ang mga opportunities na dumadating sayo. Don't let it pass."

The reason why he is the EIC of The Gazette. At hindi naging questionable kung bakit ang daming nagkakagusto at humahanga sa kanya. Hindi lang siya gwapo at mayaman, may substance din ang sinasabi. Matalino.


Ano ba tong mga iniisip ko?

Pero in all fairness, may point siya!

In a way pwede ko din siguro gamitin ang time na to para makapag simula ng mag move on. Panay ang sabi kong mag momove on na ako pero hindi ko pa nasisimulan. Eto na siguro yung chance.

"Ok. I will say yes." Pag sangayon ko.

"Talaga?" halata sa mukha ang pag ka gulat.

"Yes! But with one condition."

"Ano naman yun?"

"I'm free to leave anytime I want to."

"Deal!" sabi nito na walang pag-aalinlangan. At nag lahad pa ng kamay to seal the deal.

THE RECLUSIVE WRITER - ** EDITING**Where stories live. Discover now