Part 11 - Peace Officer

422 2 2
                                    

Brian's POV

"S, ok lang yun sayo? Na na meet niya ang parents mo at na meet mo ang parents niya?

Napahinto ako sa paglalakad ng narinig ko ang tanong na yun. Curious sa magiging sagot niya, hinintay ko siyang magsalita ulit.

"Actually ok lang naman. Ok naman sina Tito at Tita. Masaya nga eh. Nag kwento sila about nung kabataan nila. Magkakaklase pala sila at naging magkakaibigan."

Hearing her say those words. ... .

Napangiti ako at napahinga ng malalim.

I made the right decision going here.

"So okay lang sayo na maulit ang kahapon? Masaya pala ah. Nag enjoy ka naman!" Sabi ko at nakangising nag pakita sa kanila.

Hindi ko maiwasang hindi siya tuksuhin.

HAHAHAHA...

Ang cute talaga niya.

Gulat na gulat siya sa bigla kung pag sulpot at dahil dun hindi ko napigilang halikan siya sa pisngi.

Gusto ko pa nga sana patagalin kaya lang ayaw ko naman ma sampal.

Brutal pa naman ang babaeng to.

"Hi Audrey." pagbabati ko pa na parang hindi ko hinalikan ang kaibigan niya.


"HOW DARE YOU!!" sigaw ni Sophia ng naka recover na. "BAKIT KA NG HAHALIK?" sabi pa niya sabay hampas ng napakalakas, na mas nagpatawa lalo sa akin.

"AT BAKIT KA TUMATAWA? MAY NAKAKATAWA BA?

Ang bunganga nito, ang sakit na ng tenga ko.
Halikan ko na lang kaya ulit para tumigil. Huwag na lang, gusto ko pa mabuhay. Isip ko bago tuluyang hawakan ang dalawang kamay ni Sophia at pinulupot ito sa bewang niya. Para tuloy kaming mag-kayakap.

"BITIWAN MO NGA AKO!" sigaw pa niya lalo at nag pumiglas pero hindi siya makawala. Mas malakas kaya ako sa kanya.

"Ayaw ko nga. I'm enjoying this way too much!" sabi ko at mas lalong linapit pa ang katawan niya sa akin. "At bakit ka ba galit na galit? SINO ba ang UNANG ng HALIK? Ako ba? Hindi naman. Naningil lang ako sa ninakaw mo."

At tiningnan ko siya ng masinsinan.

Ang ganda niya talaga. From her long eyelashes to the tip of her nose to those lips that begs to be kiss.

"You look beautiful!" Bulong ko.

Unti unti niyang inangat ang ulo niya at walang kurap kurap na tumingin sa akin. If only we could stay like this forever.

Pinikit ko ang aking mga mata at unti unti siyang pinakawalan.

Luminga linga ako.

"Asan nga pala sina Olivia at Autumn?" tanong ko para maiba ang topic.

"That's . .. ." panimula ni Sophia "That's a really good question!"

"Audrey asan sila?"

Ang tagal bago naka sagot ni Audrey at tinitingnan na siya ng masama ni Sophia.

Oh! Oh!

"Drey hindi ka pa nga abswelto may idadagdag ka na naman?"

"S. .."

"Anong S?"

"Eh hindi ko alam kung asan sila. Promise! Kanina sabi nila uuwi daw muna sila ng bahay."

"Di ibig sabihin magkakasama kayo nung isang araw pa?" unti unti na lumalakas ang boses ni Sophia at halatang na ba-badtrip na siya. "Wala man lang sa inyo naka-isip na sagutin ako?"

"Hindi naman sa ganoon. Eh kasi... ."

"Siguraduhin mo lang na maganda yang rason mo Drey!"

"S naman! Please. Walang ganyanan!"

"Ni hindi man lang kayo naawa sa akin."

"Hindi yun S. Gusto lang naming ng. ... ."

"Gusto niyo lang ng ano?"

Away na talaga to.

Hindi ko alam kung sino ang papanigan.

Halatang naiiyak na si Audrey. Si Sophia naman mukhang galit na pero naiiyak na din.

Tsss..

Mukhang magiging peace officer pa ako nitong dalawa.

"Sophia." Pagtawag ko.

At tiningnan niya ako ng masama, na parang nagsasabi Huwag kang makikialam dito!

Pero sanay na ako sa mga ganyan niya. Hindi na oobra.

"Sophia relax lang! Patapusin mo kasi muna si Audrey. Pano makakapag explain kung pinuputol mo ang bawat sinasabi niya."

THE RECLUSIVE WRITER - ** EDITING**Where stories live. Discover now