Part 7 - Thank You

453 3 0
                                    

"A little "Thank You" that you will say to someone for a "Little Favour" shown to you is a key to unlock the doors that hide unseen "Greater Favours". Learn to say "Thank You" and why not?" - Israelmore Ayivor

Sophia's POV

"Sophia nakikinig ka ba?"

"Uhhhh. .. ." ungol ko.

Ang sakit ng ulo ko.

"Nako. Bakit ka kasi nag lasing?"

"Eto inumin mo." Sabay abot sa akin ng isang gamot at malamig na tubig. "Minsan na nga lang kami umuwi tapos eto pa madadatnan namin. Anak naman."

"Sorry Dad. ... Mom. .." nakapikit kong sabi.

Tama kayo ng hinala.

Nandito ang Mommy at Daddy ko. Dumating sila kagabi nang nakaalis na kami. Balak sana nila akong supresahin kasi matagal tagal na nung huli naming pagkikita. Pero sila pa tuloy ang na supresa.

Hindi ako umiinom. Kaya laking gulat daw nila ng hinatid ako dito na tulog na tulog at lasing na lasing.

"Hija, we have nothing against you drinking pero huwag naman yung malalasing ka. Buti na lang hinatid ka dito ng kaibigan mo kung hindi ano na kaya ang nangyari sayo!" sabi ni Mommy.

"Tama ang Mommy mo! Alam mo ba kung paano kami nag alala kagabi? Buti na lang at hinatid ka dito ni Brian."

"PO???" gulat kong nasabi. Anong hinatid ni Brian? Sino? Nawala ang sakit ng ulo at katawan ko bigla.

"Sinasabi ko na nga ba!" sabi ni Daddy. "Hindi mo nga alam kung pano ka nakauwi kagabi. Alam mo ba kung anong pwedeng nangyari sayo? Pwede kang na kidnap o kaya naman na rape! Alam mo ba yun? Gusto mo bang ibalik ko yang mga bodyguards mo?"

What? Bodyguards? Again? No way!

Magsasalita na sana ako ng sumabat si Mommy.

"Dad tama na muna. Wala na patutunguhan kung pagalitan mo pa yan si Sophia."

Thank you Mommy! Saviour ko talaga siya.

"Pero ngayon Sophia, I want you to go to Brian and personally thank him. Napakabait na bata!"

Scratch that. Hindi ko na pala saviour si Mommy.

Si Brian? Mabait? Kailan pa?

Kinurot ko ang sarili ko.

Ouch. Masakit.

Ibig sabihin totoo ang naririnig ko? Hindi ako naghahalucinate?

Tiningnan ko ang seryosong mukha ng Mommy at Daddy.

Wala akong lusot nito panigurado.

"Mommy. .."

"Hep hep! Walang Mommy Mommy. I want you to say thank you!"

Tumingin ako kay daddy. Humihingi ng tulong.

Pero wala din epekto.

"Hija ano ba problema? Mag tha-thank you ka lang naman sa kanya. Mag kaibigan naman kayo diba? At tandaan mo na hindi ka namin pinalaki na walang appreciation sa mga taong gumagawa sa iyo ng kabutihan. Kaya sige na, mag ayos kana at ihahatid ka ni Mang Olli sa bahay nila Brian."

"Hindi ko naman po alam kung saan sila nakatira."

"Its okay. Alam na din ni Mang Olli ang direction."

THE RECLUSIVE WRITER - ** EDITING**Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz