Chapter Twenty-Five

24.8K 1.3K 748
                                    

Hello, CDisciples! This is the last chapter. Thank you so much for your incredible support for this story! Epilogue will be posted soon. Salamat kaayo!

***

CHAPTER TWENTY-FIVE

Cebu City. More than two weeks ago...

IPINA-DEMOLISH ang munting bahay nila ni Tiyong Prisko nang nagkaroon ng rehabilitation sa lugar nila. Binenta sa mga residente ang lupa para naman hindi na maging squatter's area ang lugar. Kaya nang bumisita si Hugo nang naging CPA na siya, binili niya ang lupa. Hulugan.

Pinatayuan ulit ni Hugo ng munting bahay 'yon. Kasinglaki lang din ng dati pero mas konkreto. Mas maayos ang banyo at kusina. Ginastusan niya rin ang bubong. Hindi niya alam kung saan niya gagamitin...

Pero ngayong kailangan niya munang umalis sa bahay nila ni Krista, dito siya nauwi...

Pagbukas niya ng pinto, iba na ang itsura ng maliit na bahay na mukhang isang kuwarto lang sa laki. Pero sumalubong pa rin ang libo-libong alaala na mayroon si Hugo noong bata siya at noong kasama niya pa ang tiyuhin.

Sinara niya ang pinto, inilapag ang bag sa sahig at umupo sa maliit na kama. Tumingala siya at iginala ang mata sa munting tahanan.

Humugot siya ng malalim na hininga at unti-unting pinakawalan iyon.

Mahal pa rin naman niya si Krista. Pero ang kirot-kirot lang talaga sa dibdib sa tuwing nakikita niya ito. Parang hindi siya makahinga ng maayos. Kaya kailangan niya lang muna siguro 'to. 'Yung mag-isa muna ulit...

Para makilala niya ulit ang sarili niya.

Char.

Natawa siya sa sarili at humiga sa maliit na kama. Siguro dahil nga may hindi pa tama sa utak niya dahil sa pagkakaroon niya ng amnesia, nakatulog agad siya.

At sa panaginip niya, bata ulit si Hugo...

Maliit, patpatin, at medyo madungis.

"Hanggang sa panaginip, tamad ka maligo?"

Nanlaki ang mga mata ni Hugo at luminga-linga. "Lord?!"

Natawa ang boses ng lalaki. "Anong 'Lord'?! Ikaw na bata ka, mahahampas kita ng tsinelas."

Napasinghap si Hugo at napalingon.

"Tiyong!"

Ngumiti ito sa kanya, ginulo ang buhok niya.

Napatingala siya dito. "Tiyong! Bakit ngayon mo lang ako binisita?"

"Ngayon lang ako nagka-time."

Natawa ang batang si Hugo. "Busy ka sa langit?"

Ngumiti ito at umupo sa kung saan. Pagtingin ni Hugo sa kung saan ito nakaupo, sa bubungan pala nila! Nasa bubungan sila ng bahay nila...

"Alam mong panaginip lang 'to at hindi ako totoo. Na-imagine mo lang ako dahil nami-miss mo 'ko," sabi ng tiyuhin niya.

"Eh, bakit bata ulit ako? Hindi ko naman in-imagine na bata ako kapag nagkita ulit tayo."

"Baka kasi sa dulong parte ng isip mo, gusto mong maging bata ulit. 'Yung simple lang ang buhay. Nood-nood lang ng TV. Naglalaro lang sa labas, bibili ng pisong cheeseballs..."

Remember to RememberWhere stories live. Discover now