Chapter Twenty-Three

22K 1.2K 676
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

"KUMAIN KA NA, Sir?"

Napangiti si Krista nang agad na lumingon sa kanya si Hugo. Bahagya pa itong napapitlag habang tinatapon ang basura sa labas ng coffeeshop.

"Krista! H-Hindi ka pa pala nakakaalis."

"Sabi ni Troy, mag-stay ako for today's inventory."

Limang araw na nang magbukas ang Meeting Point at patuloy ang dagsa ng mga tao. At sa mga araw din na 'yon, palagi lang siya sa coffeeshop. Taga-welcome si Krista ng mga customers at taga-observe ng operations.

Siyempre, nandoon din siya para palaging magpapansin kay Hugo. Ayos naman silang mag-asawa. Nag-uusap, nagtatawanan. Pero sa tuwing pagkatapos ng araw, pinipili pa rin ni Hugo na umuwi kung saan ito nagste-stay kasama ang mga kaibigan. Habang si Krista, hinahatid lang nito sa Descanso--ang resort na pinakamalapit at kung saan siya nagste-stay.

"Ah, okay. Nawala ka na kasi kanina nu'ng kumukuha na ng last order. Kaya akala ko, umuwi ka na para makapagpahinga."

Parang gustong pumalakpak ng tainga ni Krista. Ibig sabihin, tinututukan din talaga siya nitong asawa niya. "Uuwi ba naman akong hindi nagpapaalam sa'yo?"

"Tsismis."

Sinundot niya ang dimple nito. "Sa cheeseballs lang tayo, Sir. So, kumain ka na ng dinner?"

"Kumagat lang ako ng sandwich kanina. Busy ako sa cashier, eh."

"Kain tayo pagkatapos ng inventory? Sabay tayo."

"Ahm..." Nag-isip ito sa sandali at inilayo ang tingin sa kanya. "Sige."

"Okay!"

Pumasok na si Krista sa loob ng kitchen kung saan hinahati ni Chad ang tip sa mga tatlong server at dalawang kitchen cook nila. Si Ryan at Troy naman ay nakatutok na para sa inventory.

"Krista, umpisahan na natin 'to. Kapag wala na kami, ikaw na gagawa nito," sabi ni Troy sa kanya.

Lumapit naman agad siya at pinag-aralan kung paano ang tamang inventory. Puwede naman siyang kumuha ng tauhan para doon, pero gustong matuto ni Krista ng bagong bagay at maging hands-on na business owner.

"Hugo, dapat pala maaga tayo bukas," ani Ryan nang silang lima na lang ang natira sa loob ng shop at katatapos lang din ng inventory. "May ipapa-approve ka na new snack para sa menu, hindi ba? Dapat ipatikim mo kay Krista."

Napalingon siya kay Hugo. "Really? You have your own recipe? Ano?"

"Cheeseballs."

Ah, expectedly. Nagtawanan ang tropa. Natawa na din si Krista. "Seryoso ba?"

"Oo. Hindi cheeseballs na tsitsirya. 'Yung totoong cheeseballs talaga," nakangising sabi ni Hugo habang may hawak na isang basong tubig. "Meatballs pero may cheese sa loob at labas. Basta bukas, matitikman niyo," at saka nito ininom ang hawak na tubig.

"I'm excited!" masayang sabi ni Krista. "Masarap siguro 'yan kasi masarap magmahal 'yung magluluto."

Sabay-sabay na napasipol sina Troy, Chad, at Ryan. Medyo nasamid si Hugo sa iniinom nitong tubig.

Napahampas-hampas si Hugo sa dibdib nito. Ubo ng ubo. Nag-aalalang napatayo si Krista at hinimas-himas ang likod nito. "Sorry, Sir..."

Bahagya itong natawa. "I-orient mo naman ako minsan, Miss. Hindi ako prepared, eh." Pumunta ito sa lababo at naghugas ng ilan pang hugasin na natira.

Remember to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon