Chapter Nineteen

17.8K 1K 553
                                    

CHAPTER NINETEEN

Year 2005.

HABANG break time sa part time job ni Hugo sa isang pamosong restaurant, umupo muna siya sa likod ng kitchen at inilabas ang dalang libro at notebook.

Sinimulan niyang gumawa ng reviewer para sa subject niya na Law 502 o "Sales, Agency, Labor, and other Commercial Laws."

Kunot na kunot ang noo niya habang pinapamilyar ang sarili sa mga batas-batas. Mabilis at maraming kayang tandaan si Hugo. Pero kapag mga law subjects na, napapakamot na lang siya sa ulo. Todo-todo dasal siya palagi kay Lord tuwing may quiz.

Kahit ganoon, nagtiyaga si Hugo. Nagpatuloy lang siya sa pagbabasa at pagsusulat sa notebook niya ng mga kailangang tandaan na batas na covered sa final exams.

Pagkatapos ng break time, balik siya sa pagkuha ng mga orders at pagse-serve sa mga table. Nang dumating ang end ng shift niya, agad na nag-ayos si Hugo pauwi.

Pagdating sa tinutuluyang dorm, as usual, siya lang mag-isa. Binuksan niya ang ilaw at ang unang makikita sa loob ng kuwarto ni Hugo ay ang naka-frame na picture nila ni Tiyong Prisko. Kuha pa 'yon nang grumaduate siya ng elementary. At iyon lang ang natatanging larawan na mayroon sila ng namayapang tiyuhin.

Kahit pagod mula sa trabaho, inilabas ni Hugo ang mga libro sa Management Accounting, Production Management, at Marketing Management. Gumawa siya ng assignments doon. Humiram pa siya sa library ng ilang libro na puwedeng ibang source. Hindi kasi siya makakapag-internet shop dahil nagtitipid siya. At least 'yung mga libro sa library, libre pa.

Tiyaga lang talaga kailangan sa paghahanap-hanap ng sagot.

Pero nakakapagod din talaga ang pagtitiyaga at pag-aaral madalas!

"Ayoko na!" aniya at saka ibinato ang mga libro. Pagkatapos ay hinagis niya sa ere ang mga papel kung saan niya sinulat ang assignments na ipapasa sa makalawa.

Malakas siyang bumuga ng hangin. Pumikit. Pagkuwa'y tumayo ulit at isa-isang pinulot ang mga papel at libro sa sahig.

"Tsismis lang! Bawal sumuko. Madami kang pangarap, Hugo," nakangising bulong niya sa sarili.

Ganoon lang siya palagi. Mga one-minute breakdown lang. Hindi puwede matagal dahil time is gold.

Napabuga ulit siya ng hangin at inayos ang mga gamit, "Lord, pahinging strength. Thanks po!"

Nagsimula na ulit siyang magsulat at sinabayan niya na ng aral kung sakaling biglang magpa-quiz ang mga maestrang way klaro sa kinabuhi.

Tahimik na natawa si Hugo. Bakit kaya ganoon ang ibang professors, ano? May sobrang matitino naman. Pero mayroong ding parang nanti-trip lang ng estudyante. Napailing-iling na lang si Hugo. Basta ang mahalaga matapos niya ito.

Dapat makatapos siya ng pag-aaral, makapag-trabaho, makaipon, makapag-travel, tapos ipon ulit. Trabaho at ipon para makapag-asawa at magkapamilya.

Napahikab si Hugo eksaktong natapos ang mga gawain. Sinara niya na ang mga libro, itinabi ang natapos na assignment. Pagkuwa'y napatingin siya sa nakasabit nilang picture ni Tiyong Prisko. Pina-frame niya iyon nang matanggap ang unang sahod niya bilang student assistant noong first year siya.

"Kung nandito ka siguro ngayon, Tiyong, nagkakape ka habang nag-aaral ako. Tapos tamang kuwentuhan lang tayo... Hindi ako maiinip sa pag-aaral kasi laging may tawanan in between.

"Ikaw kasi, ang aga mo 'kong iniwan. Pero ayos lang. Kasama ko naman si Lord. Ikaw ba, Tiyong? Saan ka ba napunta?" biro niya at saka natawa.

But Hugo knew Tiyong Prisko accepted Jesus before he died. Kaya nga magbabago na sana ito.

Remember to RememberWhere stories live. Discover now