Chapter Six

19.3K 1K 410
                                    

CHAPTER SIX

Siquijor, 2016.

ANG BAGAL pala ng oras kapag walang ginagawa! Bored na bored si Krista. Napabangon siya mula sa kama at tinignan ang orasan.

Mag-a-alas dose ng tanghali pa lang! Kalahating araw pa lang ang lumipas sa plano niyang pahinga.

Feeling niya, dahil sanay na sanay ang katawan niyang laging nagta-trabaho kaya ganoon na lang ang pagka-bored niya. Ilang beses niyang pinigil ang sarili na buksan ang email or tumawag sa mga prospect niya. Parang gustong-gusto ng utak niyang magpahinga, pero ang katawan niya umaapela!

"Krista, kalma ka lang," bulong niya sa sarili. Huminga siya ng malalim at humarap sa body mirror. "Kasalanan mo rin 'yan. Hindi ka marunong magpahinga, 'yan tuloy!" Dinuro-duro niya pa ang sarili.

Pinatay na lang niya ang T.V. at aircon. Pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto. Bumaba siya at sumilip sa kuwarto ni Hugo. Mukhang walang tao sa loob. Pumunta siya sa pool area na hindi naman ganoon kalayo mula sa villa nila.

Doon niya nakita ang "target"! Nakahiga si Hugo sa isang poster daybed. Nasa gilid iyon ng pool, malapit sa garden.

Mataas ang sikat ng araw pero may kasamang lilim naman ang daybed kaya hindi na-arawan si Hugo. Masarap din ang ihip ng hangin na nanggagaling mula sa dagat. Hindi din ganoon kaingay sa resort dahil maliit nga lang iyon at pribado.

Dahan-dahan siyang lumapit sa daybed. Tumunghay siya kay Hugo at tulog na tulog ito. Nakaunan ang isang kamay nito sa likod ng ulo, ang isa ay nasa tiyan naman. May nakabukas pang laptop sa tabi nito.

Umupo siya sa gilid ng kama. Ginalaw niya ng touchpad at bumungad ang isang video editing software. Mukhang nakatulugan nito ang pagta-trabaho.

Isinara niya ang laptop nito at itinabi dito ng maayos. Mukhang ang sarap-sarap ng tulog nito dahil hindi man lang naalimpungatan. Payapang-payapa din ang pagtaas-baba ng dibdib nito.

Napangiti na lang si Krista habang tinititigan si Hugo. Ewan niya kung bakit. Itinaas niya ang hintuturo at marahang sinundot-sundot ang pisngi nito—doon banda kung saan lumalabas ang dimple nito.

"Five minutes pa..." mahinang ungol nito, nakapakit pa rin. Parang nananaginip.

She lightly chuckled. Humiga siya sa isang bahagi ng kama. Eksaktong umihip ang preskong simoy ng hangin, amoy dagat pero keri na.

Tumagilid siya nang higa, paharap kay Hugo. Sinundot-sundot niya ulit ang pisngi nito. Umungol na naman ito bilang protesta. Ayaw gumising.

Natagpuan na lang ni Krista ang sariling pinapanood ang mahimbing na pagtulog nito. Hindi niya alam pero mas gusto niya ang pinapanood niya ngayon kaysa kanina. At parang... parang hindi siya maiinip.

Kumilos si Hugo. Tumagilid din nang higa, paharap kay Krista! Mas umikli tuloy ang distansiya sa pagitan nila. Pagkuwa'y gumalaw ang isang braso ni Hugo at humapit sa baywang niya!

Napakurap-kurap si Krista. Pero hindi siya kumilos para alisin ang kamay nito... hindi siya gumalaw... Ayaw niyang gumalaw.

Pinipigil niya ang mapangiti. Parang ang creepy lang na pangatlong araw pa lang nang magkakilala sila ni Hugo, pero heto siya... nagpapahapit sa baywang! Sa kama! Sa publikong lugar pa!

Luminga-linga siya nang bahagya. Walang kahit sino ang nandoon sa area na 'yon ng resort—walang staff o ibang guests. Solo nila ni Hugo ang bahaging iyon.

Remember to RememberWhere stories live. Discover now