Chapter Twenty-One

18.7K 1K 245
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

Year 2019.

"THE initial observation suggests that Mr. Baldemor's memories for the past two months were suppressed for a while. Nagdadaan sa 're-wiring' ang utak niya. Like the amnesia he had before, this is not permanent. For now, let's give him time to rest and explain everything to him slowly." Sinara ni Dr. Yu ang medical record ni Hugo. "If you could wait for days or weeks until he can slowly recover the past two months of his memory, you may do so, Mrs. Baldemor."

"So, maalala niya rin po lahat... eventually?"

"Commonly, yes. If not, you can explain to him and fill the gaps. Two months is shorter than the last three years he forgot before."

Hindi na alam ni Krista kung paano magre-react. That two months were precious for both of them. Their relationship was redeemed. Their marriage was restored. Tapos makakalimutan lang ni Hugo?

Bumalik naman sila sa panahon na kahit si Krista ayaw ng balikan. She does not even want to remember that she considered breaking up with him!

Dahan-dahang nagpakawala ng hangin si Krista pagkalabas niya ng doctor's office. Kailangan niyang kumalma. Masyado nang maraming nangyari sa isang araw...

Napahawak siya sa hindi pa halatang tiyan. "Kalma lang tayo, baby. Sandali lang 'to. This is just a phase... this is just a phase..."

Sa paanong paraan niya ba i-e-explain kay Hugo ang mga nakalipas na dalawang buwan? Paano ba silang mag-u-umpisang mag-usap?

This day was too full for Krista! Hindi pa din niya alam ang gagawin kay Ron! Si Ron na kakilala pala ni Hugo na mula sa inilihim nitong trabaho sa kanya...

Napaupo si Krista sa isang hospital bench na nasa gilid ng hallway. She just wanted to rest. Pero paano naman siya makakatulog kung ang asawa niya, ni ayaw siyang tignan? Halatang-halata na hindi maganda ang nararamdaman nito dahil ang away nila ang huli nitong naaalala!

"Kalma lang, kalma lang..." Krista whispered to herself. Pero naiiyak na siya. Natakpan niya ang mga mata.

Kasalanan niya 'tong lahat, eh! Hindi naman maaksidente si Hugo noon kung hindi siya nag-demand na maghiwalay na sila at kumuha ng annulment. Dahil lang nagkulang siya ng tiwala dito at inuna ang emosyon niya, naging komplikado na lahat!

"Krista?"

Napahikbi siya. Kahit hindi siya mag-angat ng tingin, kilala niya ang boses.

"B-Bakit ka lumabas sa kuwarto mo?" she asked Hugo. Nakatakip pa rin ang mga kamay sa mga mata.

"Pagod ka na..." mahinang sabi nito. "Sabi nila Papa kanina, matagal na oras kang naghintay para magising ako."

Umalis na sina Troy at mga magulang ni Krista kanina pa. Pinilit niyang magpaiwan dahil kakausapin niya pa ang doktor at sa tingin niya, siya dapat ang umayos ng lahat ng ito.

There was this obvious distance between them. Na kung normal na araw lang, tiyak na aabutin siya ni Hugo. Hahawakan, yayakapin...

But now, Krista can feel the wall between them. Hindi naman niya puwedeng sisihin kay Hugo kung magtayo ito ng pader sa pagitan nila. He was hurt, for sure. Buti nga, mabait pa itong makipag-usap sa kanya.

"Magpahinga ka muna," he casually suggested. "Ayos naman na ang pakiramdam ko. Hindi na muna ako magtatanong kung anong nangyari sa dalawang buwan na nagka-amnesia daw ako."

Remember to RememberWhere stories live. Discover now