Chapter Nine

17K 1K 359
                                    

CHAPTER NINE

"CHEESEBALLS!!!" sigaw ni Hugo habang nag-ala-Tarzan na kumapit sa lubid na nakatali sa mataas na puno.

Nag-swing ito, bumitiw doon, at saka ito bumulusok diretso sa ilalim ng malamig na tubig ng Cambugahay Falls.

"Hugo! Hugo! Hugo!" his three friends hyping him up.

Kinukuhanan niya ito ng video dahil ilalagay daw nito iyon sa vlog nito. Maya-maya ay nagsunuran na sina Chad, Ryan, at Troy kay Hugo. Nag-swing din ang mga ito sa lubid, bumitiw, at bumulusok pababa sa tubig.

Then the four monkeys started to do it again. Napailing-iling na lang si Krista.

"Miss!" tawag sa kanya ni Hugo. "Tignan mo 'ko!"

Inalis niya ang tingin sa screen ng camera at tiningala ito. Sabay nag-somersault ito patalon ng falls.

Nagpalakpakan ang lahat ng tao. Lalo na 'yung grupo ng babaeng foreigners. Parang impress na impress kay Hugo.

Lumitaw na ito sa ilalim ng tubig at todo hype pa rin sina Chad dito.

"Sino lang malakas?"

"Hugo!"

"Sino lang nakalimutan ang asawa?"

"Hugo!!!"

Sinabuyan ni Hugo ng tubig ang mga kaibigan. "Water-style jutsu!" sigaw pa nito.

Tawa ng tawa ang magkakaibigan. "Ninja pala!"

"Miss Krista!" kaway ni Hugo sa kanya. "Nakita mo 'yung somersault ko?"

"Nagpapa-impress ka naman sa girls, Sir!" sigaw niya pabalik.

"Hindi, Miss! Sa asawa ko lang!"

Napaismid lang siya pero parang gusto niyang mapangiti. It felt like the first time, again...

"Magsi-swimming na 'ko. Tapos na 'ko mag-video."

Mabilis na umahon si Hugo at nilapitan siya. "Salamat, Miss," at saka kinuha ang camera mula sa kanya.

"Ikaw, talon ka ng talon. Baka mamaya, mabaldog ka at doble-doble na 'yang amnesia mo."

"Opo, mag-iingat po ako palagi. Huwag kang mag-aalala. Alam ko naman 'yung kapasidad ko."

Krista rolled her eyes and just took off her over-sized shirt. Now, she's wearing a two-piece yellow bikini. Makapal ang shoulder straps at dobleng snaps ang lock sa likod. Kaya hindi siya mahuhuburan kahit anong gawin niyang langoy. Her breast are slightly showing a cleavage but both boobs are secured within. High-waist din ang bikini bottom niyang suot at well-covered ang feminine at butt area. It's a swimsuit inspired from the 50s.

"Yasss, Queen!" Hugo hyped her up. "Mapapaaway ako nito pero slay 'em, babe!"

"Krista! Krista! Krista!" Hugo's friends cheered.

"Sino lang maganda?"

"Krista!"

"Sino lang sexy?"

"Krista!"

"Sino lang masungit pero marupok?"

"Krista!"

"Hey!"

"Sino lang crush ko?" nakisali pa si Hugo!

"Krista!!!"

Remember to RememberHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin