Chapter One

39.2K 1.4K 802
                                    

Chapter One

Three years ago...

Siquijor, 2016.

SA TINGIN ni Krista, magugulangan siya ng mga tao kung magpapahalata siyang hindi niya alam kung magkano ang kailangang bayaran para lang makapunta sa resort na tutuluyan niya.

"Miss, saang resort ka?" lapit sa kanya ng isang tricycle driver na babae pagkalabas niya ng port ng Siquijor.

"Sa Descanso," aniya habang hila-hila ang isang maleta. "Fifty pesos lang papunta doon, Ate, hindi ba?"

"Nako, Miss. One hundred pesos iyon. Sa San Juan pa iyon at nasa looban pa."

"Okay, Ate." Agad siyang sumakay sa tricycle. Tinatago ang ngiti. Actually, inaasahan niyang mas mataas sa one hundred ang sisingilin sa kanya. Lalo na't halatang turista siya.

Pero wais siya sa pera. Hindi siya puwedeng magulangan dahil naka-budget ang bakasyon niyang ito. Kaya dapat pang-lokal lang ang masingil sa kanya. May iba kasing kapag alam na turista, doble magpresyo.

"First time niyo dito sa Siquijor, Miss? Ikaw lang mag-isa? May tour na kayo?"

"Yes, Ate," sagot niya, bahagyang nakasigaw dahil umaandar na ang tricycle at maingay ang makina. "May offer sa resort na tour kaya areglado na."

"Ah. Enjoy ka dito, Miss. Maganda dito sa Siquijor."

"Narinig ko nga, Ate."

"Taga-saan ka?" tanong pa nito na parang sanay na sanay makipag-usap sa pasahero kahit napakaingay ng makina habang umaandar.

"Cebu."

"Ang lapit mo lang! Bakit ngayon ka lang bumisita?"

"Ngayon lang po kasi ako nagka-oras." Tumingin siya sa labas at hinayaan na niyang lipad-liparin ng hangin ang buhok niya, kesyo magmukha siyang bruha mamaya.

Pumikit siya at nilanghap ang sariwang hangin na galing sa dagat. Isang linggo siya doon. Ang unang dalawang araw, para sa tour. Ang mga natitirang araw, magpapahinga lang siya.

Walang trabaho. Walang calls na kailangan i-entertain. Walang quota na kailangang habulin. Walang pressure. Wala lahat.

Mula nang maka-graduate siya ng college four years ago at makapagtrabaho, ito ang unang bakasyon niya.

Gusto-gusto niya talaga mag-travel. Matagal na. Nagtrabaho siya ng apat na taon, nag-ipon para sa pagkakataong ito.

Pagkatapos ng Siquijor, sa Bohol naman. Limang araw. Balik ng Cebu, para magpunta sa Camotes Island. Dalawang araw. Sunod ay Bantayan Island. Dalawang araw din.

Sunod ay Siargao. Limang araw. Huli ang Palawan.

Balik trabaho pagkatapos ng lahat ng iyon. At baka abutin na naman siya ng apat na taon bago makapag-bakasyon ulit mula sa trabaho. Though, Krista promised herself she'll work harder, so she can at least travel once a year after this.

"Madalas ka mag-pasyal-pasyal, Miss?"

"Gusto kong maging madalas, 'Te," sagot niya. Na-immune na yata siya sa ingay ng tricycle kaya mas naririnig niya na ito nang malinaw.

"Buti pinapayagan ka ng asawa mo?"

"Sana nga may asawa," natatawang sagot niya.

"Boypren?"

Remember to RememberWhere stories live. Discover now