Chapter Five

21.2K 1.1K 538
                                    

CHAPTER FIVE

Siquijor, 2016.

PATAKBONG lumapit si Krista sa viewing cliff ng resort. Alas-sais pa lang ng umaga at siya pa lang yata ang gising na guest kaya solo niya ang area.

She turned on her camera and started to take pictures of the vast sea water and clouds. Tanaw din mula doon ang Apo Island na puwede yatang puntahan for island hopping.

It's her third day in Siquijor. Wala nang tour kaya naman magre-relax lang siya buong araw sa resort!

Siguro kalahating oras din siyang kumuha ng litrato ng mga tanawin bago nakontento. Isinara niya ang mirrorless camera at isinukbit ang strap sa balikat. Then, she sat down on the viewing spot. Hindi naman mataas ang bangin. At katunayan ay puwedeng babain ang dagat na nasa ibaba niyon.

Nakangiting tumitig lang siya sa kalmadong dagat at bughaw na kalangitan. Sobrang satisfying ng tunog na ginagawa ng mga maliliit na alon. Sumabay ang simoy ng hangin na sadyang presko ngayong umaga.

Kapag siguro mayaman na siya, puwedeng araw-araw ay ganito na lang ang buhay, ano? O kaya kung taga-dito lang siya siguro, kahit bahay kubo lang ang tinitirhan basta't nasa tabi ng dagat, walang stress sigurado!

"Mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga. Tuwing umaga!"

Napalingon siya sa walang tonong kumakanta. Ganoon na lang ang mahina niyang tawa nang makita si Hugo na papunta kung nasaan siya.

Binabanat-banat nito ang mga braso at saka igagalaw ang mga balikat in a circular motion.

"Mukhang maganda po ang gising natin, Sir Hugo." masiglang bati niya dito.

Parang ready na lumandi ang dimples nito. "Ikaw po ang nagpaganda, Miss Krista."

Ang agang harot naman!

Bet!

Nakangiting lumapit ito sa kanya at umupo sa kung saan siya nakaupo. Nilagyan nito ng distansya ang pagkakatabi. Binibigyang respeto ang personal space niya.

"Anong plano mo gawing ngayong araw?" tanong nito sa kanya, pero sa dagat nakatingin.

"Magre-relax lang," sagot niya, nakatanaw na rin ulit siya sa dagat. "Ang tagal kong plinano ang araw na pahinga lang ang gagawin ko. Walang trabaho, walang sasagutin na tawag, walang emails, walang pupuntahan. Kain, tulog, kain, tulog lang!"

Mula nang nakapagtapos siya ng college, diretsong nagta-trabaho si Krista. At hindi siya gumagamit ng vacation leave o kahit pa sick leave! Hanggang sa kaya niyang kumilos, magta-trabaho siya.

"Hindi ka nagpapahinga ng Sunday?"

Umiling siya. "Pagkatapos naming magsimba na pamilya, nakikipag-meet ako sa ilang clients na Sunday lang din ang available time." Dahil bago pa siya sa trabaho, siya ang kailangang mag-adjust sa schedule ng kliyente. Lalo na kapag malalaking kliyente.

"Pahingi naman ng sipag diyan," nakangising sabi ni Hugo. "Siguro, pagtapos ng bakasyon mo na 'to, try mo ring ibakante ang mga Sundays mo. Sa tingin ko, hindi ka mawawalan ng kliyente kung may isang araw kang pahinga. Reward sa isang linggong trabaho. Even our God took a rest."

Nagkibit-balikat siya. "I'll try. Gusto ko rin naman talagang magpahinga ng isang araw sa isang linggo. Kaso minsan talaga, kapag nasa mismong sitwasyon ka na, hindi mo matanggihan. Kahit na tinatamad ako, iniisip ko na lang, pandagdag 'yung kikitain ko para sa pangarap ko kina Mama at Papa. Pati kina Avon at Natasha."

Remember to RememberWhere stories live. Discover now