20- Caught

1.7K 27 7
                                    

20: Caught

-NI-

Ilang linggo na rin simula nang makalabas si Marki sa ospital. Lubos taga ang pasasalamat naming mag-asawa sa paggaling niya at pati sa magandang resulta ng mga ginawang exams sa kanya.

Ngayon nga, gaya ng sinabi ni Paris noon, niyaya nila kami na pumunta sa kanila. Tamang celebration daw sa paggaling ni Marki at dahil na rin may ipapakilala raw siya sa'kin.

"Ni, ako na sa kambal. Dalhin mo nalang yung mga gamit," sabi ni Trey sa'kin.

Umatras ako para bigyan siya ng daan pero wrong move yata. Pareho kasi kami ng hakbang Ang ending tuloy, magkalapit na nang todo yung mga mukha namin. Kasal na kami pero kinikilig pa rin ako. Si Trey din naman kasi, kung makangiti, sobrang nakakaloko. Masyadong makahulugan kahit kelan.

"Hm, Trey," awkward kong salita at umatras na ulit pero nanadya yata siya. Humakbang din siya palapit sa'kin. This time, na-corner na niya ako sa may closet namin. "Trey naman. Isa. Ngingiti-ngiti ka pa dyan?" Pinipilit kong itago yung awkwardness at kilig. Baka abusuhin niya kasi. Kilala ko pa naman 'tong si Trey.

"Ni," tawag niya sa'kin. Nakangiti pa rin siya nang nakakaloko sa'kin. Tapos yung boses niya, ugh, bakit parang naging husky?

"Isa, Trey." Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. "May lakad tayo."

Nginusuan niya ako. "Pag-uwi nalang?"

Para talaga siyang ewan kahit kelan. "Asa ka pa." Sinubukan ko siyang itulak palayo pero bwisit lang, mas malakas siya sa'kin kaya walang effect.

Mas nilapit niya yung mukha niya sa'kin. Damang dama ko na tuloy yung hininga niya, pati na yung freshness ng toothpaste niya. Aish! "Kiss muna."

Napakurap ako sa bigla niyang demand. Buti at nakabawi agad ako. "Kiss ka dyan." Hindi ko alam pero natatawa ako sa kanya... sa amin ngayon

"Ehh!" parang batang maktol niya. " Na-miss kita eh. Hindi na tayo nakakapaglambingan. Nami-miss ko na yung mga ganon."

Tinawanan ko siya. "Ang arte mo. Feeling teenager lang tayo?"

Nakanguso pa rin ang loko. Haha. Hindi bagay. "Teenagers lang ba ang pwedeng lumandi? Tayo ngang kasal yung mas may karapatan eh."

Ang dami kong tawa sa pinaglalaban niya. Nakakainis pero mas natutuwa ako. "Ang dami mong alam, Han."

"Seryoso ako, Ni."

"Tingin mo sa'kin, nagju-joke?"

Nginusuan niya ko. Asar talo talaga lagi sa'kin. "Pag hindi ka pumayag, wala kang magagawa sa gagawin ko."

Napakurap ako sa kanya.

Ngumisi siya. "Sisiguraduhin kong wala kang palag, Ni. Alam kong alam mo na sinasabi ko."

Tinawanan ko siya nang konti at pinandilatan ng tingin. "Kaya mo?"

Muntik akong mapatili nang bigla niya akong hapitin at isandal sa may bandang closet. Mas nilapit niya yung mukha niya sa'kin. Ang init, nakakainis! "Masyado mo ko minamaliit, Ni, eh. Wala ka talagang tiwala sa kaya kong gawin, huh? Gusto mo patunayan ko?"

Umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha ko. Ayoko talaga ng ginaganito ako. Masyado akong walang palag! "T-Trey, a-ano ba?"

Hindi niya ako pinansin. Dahan-dahan na niyang nilapit yung mukha niya sa'kin dahilan para mapapikit na ko. Naramdaman ko yung labi niya na dumampi na sa'kin. Inaamin ko. Na-miss ko na rin to. At pagkatapos ng lahat ng nangyari, parang hinahanap ko na rin ang ganito. Wala na rin naman sigurong masama. Kailangan din namin 'to parehas.

Dealing with Forever [completed]Where stories live. Discover now