25- Hell

1.3K 18 2
                                    

SPG. T-L-K-S-H-D
Haha. Char. Pero seryoso. Hihi.

25: Hell

-NI-

Nakatulog akong umiiyak. Ngayon nama'y nagising pa rin akong umiiyak. Hindi ako nakawala kagabi. Wala akong nagawa. Imbes nakakatulong ako para sa pamilya ko, pakiramdam ko'y mas nilagay ko ang lahat sa alanganin.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Walang ibang tao maliban sa'kin. Maski si Frank ay wala na.

Nilamon ako ng matinding kaba, takot, lungkot, pagkasawi, pagsisisi, at sakit. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat. Hayop talaga 'yung Frank na 'yon.

***

Tinext ko pa rin si Han na may pupuntahan ako. Gusto ko mang ilihim sa kanya ang pakikipagkita ko sa ex ko, hindi ko magawa. May karapatang malaman si Trey, at alam ko namang pababayaan nya ako dahil alam kong may tiwala siya sa'kin. Pumayag naman siya at hindi na nagtanong pa.

Binihisan ko ang mga anak ko at dinala kina Paris. Mas kampante pa rin talaga akong sa best friend ko iiwan ang kambal kaysa kay Thek lang. Isa pa, kahapon pa rin ako inaalok ni Paris na dalhin doon ang dalawa para makalaro ng anak niya.

"Aalis ka, besty?" tanong ni Paris. "Akala ko bonding time natin."

"Nag-text kaya ako sa'yo na iiwan ko lang sila," sabi ko. "May kailangan kasi akong puntahan."

Ngumuso siya. "Wala akong na-receive. Haay. Sige na nga. Kami nalang ang magba-bonding! Magmu-movie marathon nalang kami para behave silang tatlo. Ah tama! May Cinderella 1, 2, at 3 si Chesca tapos Spongebob!"

Tinawanan ko siya. "Kaya mo ba silang tatlo? Wala pala si Chase dito eh."

"Kayang kaya! Wag kang mag-alala. Mababait naman ang mga babies mo eh!" Pinisil niya ang pisngi ng mga anak ko. "Maraming cupcakes at cookies sa ref. Sure akong mga 'yon lang ang kapalit pag tinopak sila."

"Then, good. Makakaalis pala akong walang problema," sambit ko naman.

Kinuha ni Paris ang anak niya kasi biglang umiyak. Inaway kasi ni Marki. Tsk tsk. Ang bad talaga ng baby boy ko kay Chesca. "Haha, don't worry, Mars. Akong bahala sa dalawang 'to. Ah, nga pala, saan ka pupunta? Ano oras balik mo?"

Ayokong sabihing pupuntahan ko ang ex ko. Ano nalang ang sasabihin niya di ba? Iiwan ko ang kambap para makipagkita sa ex ko. Tsk. "Basta. Ite-text nalang kita. Uuwi din naman ako agad."

"Okay."

Hinalikan ko na sina Theana at Marki at nagpaalam. Naghabol pa nga si Marki at ayaw magpaiwan. Mabuti at nauto ni Paris gamit ang cookies. Hay. Kawawang Paris. Di bale. Uuwi naman ako agad.

***

From: *******8756
Babe, don't you dare forget about this day. Tandaan mo ang sinabi ko nung nakaraan. I'm serious about it. May isang salita ako alam mo yan.

Napahigpit ang hawak ko sa celphone ko dahil sa galit. Ayoko talagang puntahan siya. Ayoko talagang makipagkita. Gusto kong layuan at iwasan nalang siya pero hindi ko magawa. I have to for my family. Kilala ko si Frank. May isang salita nga siya. I'm afraid he'll really hurt and ruin my family. Mas ayokong mangyari 'yon kaya kailangan kong gawin 'to.

To: *******8756
Nandito na ko.

Kinakabahan talaga ako sa posibleng mangyari sa pagkikita namin. Gusto ko lang makipag-usap sa kanya, pero hindi ako sigurado na  wala na siyang kundisyong hihingiin. Iyon ang kinakatakot ko. May sademonyo pa naman yung adik na 'yon.

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon