13- Against Her Mom

1.5K 27 6
                                    

13: Against Her Mom

-HAN-

"Ma, wala naman pong kinalaman si Trey. Wala naman pong may gustong mangyari nito eh," depensa sa'kin ni Marley nang ako mga ang unang nakita at sinisi ng nanay niya sa nangyari sa anak namin. Alam ko kung bakit--kasi nga inis na inis siya sa'kin kaya lahat ng kamalasan sa buhay sa'kin niya sinisisi. "Isa pa po, nasa trabaho naman po si Trey."

"Kahit na." Talagang matigas 'tong biyenan ko, ay naman. Wala nang ibang magawa kundi mainis sa'kin. Kung hindi lamg talaga siya nanay ng asawa ko, baka matagal ko nang nakalimutan ang salitang respeto. Pasalamat siya't marunong ako magtiis at makisama.

"Mama naman. May sakit na nga po si Marki tapos ganyan pa rin kayo," sabi pa ng asawa ko. "Kumalma nalang po kayo ngayon at wag manisi ng kahit sino. Magpasalamat nalang tayo at ayos na si Marki."

"Ewan. Bahala kayo." Ayaw talagang magpaawat, nakakainis. Tumayo siya at nilapitan nalang ang natutulog naming anak. Medyo kumalma na siya noon. Bumubulong pa siya at nagpapasalamat na nakaligtas ang apo niya. Mabait din naman siya. Hindi lang talaga sa'kin, pucha.

***

"Marki, takit?" tanong ni Theana sa'kin habang nakaupo kami sa tabi ng tinutulugan niyang kapatid. Sinubukan ko kasing i-explain kanina sa kanya kung bakit kami nandito at kung ano ang nangyari sa kapatid niya.

"Opo, baby," sagot ko. "Kaya mag-pray ka kay Papa Jesus, ah. Para gumaling na agad si Marki. Gusto mo na umuwi at mag-play kayo, di ba?"

Tumangu-tango siya at saka nag-focus sa paglalaro sa teddy bear niya na dinala niya sa ospital.

Bagamat mas tahimik, dama ko pa rin ang presensya ng biyenan ko. Nakaupo siya sa isang maliit na kama sa ospital habang minamasahe ni Thek. Sarap buhay. Rinig ko rin ang mga pagbulong niya na waring mga pagpaparinig at pagpapakita ng pag-ayaw sa'kin.

Ang awkward ng sitwasyon. Wala kasi rito ang asawa ko. Pumunta siya sa may cashier nitong ospital para hingiin ang estimated amount na babayaran namin para naman mapaghandaan ko na. Sana lang at hindi magsalita 'tong nanay niya ngayon kasi baka hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko.

"Mamaa!" bulalas na ni Theana. Nakita na kasi niya ang mommy niya na pumasok dito sa kwarto.

Tumayo ako kasi nagpapalipat ng karga ang anak namin. Pinasa ko sa kanya si Theana. na agad kumapit sa leeg niya nang mahigpit. Na-miss yata masyado.

Napansin kong mukhang hindi maganda ang lagay ni Marley. Nakangiti siya pero matamlay naman, kaya naman hindi na ako mag-atubili na itanong kung ano ang problema.

Iniabot niya sa'kin yung hawak niyang papel na galing siguro dun sa cashier nitong ospital. "Malaki-laki pala ang gagastusin natin, Han."

Binuksan ko 'yon at nakita kong totoo nga. Private hospital kasi 'to kaya medyo may kamahal ang bayad. Wala pa rin naman kaming health cards ngayon na pwedeng magamit para kahit papano e mabawasan ang ibabayad namin sa ospital. Babayaran pa namin 'tong private room, yung para sa doktor, yung mga gamot at swero, pati na yung marami pang tests na gagawin kay Marki. Alam kong mas lalaki pa 'to kasi malamang magtatagal pa kami rito.

"Sorry, Han, hindi ako masyadong makakatulong sa'yo financially, pero wag ka mag-alala, gagawa ako ng paraan. Itutuloy ko yung sa cookies, tapos siguro susubukan ko na ring lapitan si Paris. Maiintindihan naman siguro nila. Ayoko naman kasing mahirapan ka masyado--"

Pinigilan ko na ang pagsasalita niya at hinawakan ko siya sa kamay. "Ssh, wag mo na masyadong isipin 'yan, Ni." Masyado na kasi siyang maraming iniisip at pinoproblema simula pa nung nakaraan sa'kin at ngayon naman sa anak namin. "Kaya ko pa namang bayaran 'to. Sakto lang at kikita naman na ko. Pag kulang, iwi-withraw ko nalang yung ipon natin. Mababalik pa naman yun eh. At para naman kay Marki 'to."

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon