30- Tiny Distress

1.7K 24 1
                                    

Honestly, ngayon lang talaga ako nadala ulit sa sinusulat ko. F na F ko 'tong DWF. Swear. Salamat sa pagbabasa, guys--if you are still there! :)

30: Tiny Distress

-NI-

"Uy, besty, pag laki ng anak mo, sabihin mo ligawan niya si Chesca, ah?" biro ni Paris habang pinapanood na maglaro ang mga anak namin. "Mukhang magiging bagay sila eh!"

Hindi ako umimik. Actually, kanina pa ako ganito, nakikingiti at nakikitango lang kapag may sinasabi niya.

Tatlong araw na simula nang umuwi kami kay Mama. Malungkot at masakit para sa'kin ang mga araw na 'yon, kaya nga naisipan ko ngayon na dumalaw dito para maaliw kahit papano. Ang kaso lang, parang di pa rin ako tinatablahan. Masakit kasi talaga... lalo na't sa tatlong araw na 'yon, hindi man lang gumawa ng paraan si Trey para magkita kami.

"Haay! Marley naman," salita ulit ni Paris na halatang nakikisimpatya siya. "Hindi talaga ako sanay na ganito."

"Ako rin naman eh."

"Pero feeling ko talaga, dapat pinakinggan nuyo muna yung isa't isa. Dapat hindi kayo nagpadala sa mga tao na 'yon kasi naninira lang sila eh," sabi pa niya. "I just thought... alam mo na. Sana masaya pa rin kayo. Kasi alam ko naman na mahal niyo ang isa't isa eh."

Umiling ako. "Hindi ko alam. Mukhang hindi rin naman eh. Nandon nga siya at walang pakialam sa'min eh. Masyado naman niyang na-enjoy na solo na nila yung bahay."

Tinawanan naman ako ni Paris. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Hay! Kita mo, nagseselos ka!"

"Siyempre... Nagseselos ako at nasasaktan." Hay. Siguro ganun din naman ang naramdaman niya nang malaman niya yung nangyari sa'min ni Frank.

"What if mina-manipulate lang nila kayo? Wag kasi kayo masyadong magpadala, besty."

Somehow, alam kong totoo 'yon, pero mas mahirap namang manipulahin ang mga nangyayari.

Nabaling ang tingin ko sa bagong picture frame na naka-display sa sala nila Paris. Picture nilang tatlo 'yon at mukhang bago lang. "Nice. Saan kayo namasyal dyan?"

"Ah! Yan ba? Dinala lang namin si Chesca sa may Art Gallery na bagong bukas. Nakita kasi ni Chase tapos puntahan daw namin. Ayan. Ang sarap mag-picture kasi interactive at parang 3D talaga," masayang kwento niya. "Dapat try... Uh... Sorry."

Nginitian ko siya. "Ayos lang. Pwede namang tayo tayo nalang ng mga bata ang pumunta dyan eh."

"Bright idea, besty! Best friend mommies and their kids bonding? Yay!" Parang bata talaga siya minsan.

Pero hindi ko talaga maiwasang mainggit sa kanilang dalawa ni Chase. Sila, nagsimula sa sobrang labo at sobrang gulong love story pero hero na sila ngayon. Ang saya saya nila at walang pinuproblemang malalaking bagay. Kami ni Trey, nagsimula sa maayos at masaya, tapos heto kami at pasira na. Ngayon palang yata kami binabawian ng tadhana.

"Ngumiti ka na, besty! Pupunta tayo dyan asap kasi malakas maka-good vibes dyan, swear!" sabi pa niya. "Wag ka na ring mag-alala sa asawa mo. Si Chase na ang bahala dun."

***

"Anak?" tawag 'yon ni Mama. Pinasok na niya ako sa kwarto ko para gisingin. "Hindi ka pa ba babangon? Alas otso na, oh. Yung mga anak mo, nakapag-almusal na. Kumain ka na't kagabi ka pa walang kain. Baka bumagsak 'yang katawan mo."

Ayoko pa talagang bumangon. Bukod sa inaantok pa ako, wala akong gana. Tinatamad ako. Gusto kong magkulong nalang dito at magmukmok. "Bababa nalang ako, Ma."

"Hay nako, Marley. Wag ka nang magpaka-isip bata dyan," halos sermon na ni Mama. "Papaliguan ko na yung kambal. Bumangon ka na."

Lumabas si Mama. Wala talaga akong balak sundin siya pero nag-ring yung phone ko. Agad akong bumangon para tignan 'yon. Nagbakasakali akong si Trey na iyon. Akala ko sa wakas ay naalala na niya kami, pero nagkamali ako. Si Daddy Rodrigo kasi yung tumatawag. Sinagot ko agad 'yon.

Dealing with Forever [completed]Where stories live. Discover now