3- People from Yesterday

3.9K 37 1
                                    

 3: People from Yesterday

-HAN-

Ilang buwan na rin nang huli kong nakasama ang buong barkada ko, kaya naman tuwang tuwa ako nang paunlakan nila yung imbitasyon ko. Ngayong araw, barkada day namin. Binisita ako nila Gio, Haris, at Chase na kasama pa yung anak niyang si Chesca na limang buwan na yata. Barkada day kasi wala yung asawa ko ngayon kaya solo namin 'tong bahay. Si Ni, nagpunta naman kay Paris at Best Friend day naman daw sila. Ang daya nga nung dalawang 'yon kasi sa'min talaga iniwan 'tong mga anak namin. Sinigurado talaga nilang magtitino kami at hindi iinom. Ay naman! Minsan talaga, parang walang tiwala sa'min 'yong mga 'yon.

"Pero seryoso, Trey, wala pa ring pangalawa hanggang ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gio. Tinatawa-tawanan pa niya ako. Naikwento ko kasi yung nangyari sa'min ni Marley nung nakaraan. Nailabas ko rin sa kanila yung hinanakit--este panghihinayang ko sa nangyari. Syempre, barkada ko naman 'tong mga 'to. May tiwala kami sa isa't isa kaya open kami sa lahat ng bagay. 

Tinawanan din ako  ni Haris. Itong si Chase, nakikitawa na rin. Ay naman!

"Ts, e ayaw pa niya e. Anong magagawa ko?" Walang gana ko nalang na sagot sabay sandal dito sa sofa.

Tumawa na naman 'tong si Gio. Gago talaga poreber. "Ano ba'ng ginawa mo nung una niyo at mukhang na-trauma?"

"Tange! Natatakot yata siya kasing magkaanak kami ulit. Lam mo naman. Mahirap yung buhay tapos siyempre mahirap din manganak," pagpapaliwanag ko nalang.

Tumangu-tango nalang sila. "E yung mga magulang niyo? Kamusta na? Cold war pa rin ba?"

Ay nako. Isa pa yung mga 'yon eh. Dagdag pahirap sa buhay. Yung nanay ni Marley, ayaw na ayaw sa'kin. Itong nanay ko naman, ayaw din sa balae niya tapos mukhang hindi rin boto kay Marley. Pero ewan ko sa kanila. Wala naman akong pake kung ayaw nila sa'min. Ang mahalaga, ayos kami ng asawa ko. 

"Di ka nakasagot. O de, hindi pa rin nga okay?" Halata namang concern 'tong barkada ko sa'min. 

Umiling ako. "Ewan ko sa kanila, pre."

Nagkwentuhan pa kami. Nakwento yung tungkol dun sa buset na Frank na 'yon pero tinawanan lang nila ako at sinabihang wag pansinin kasi ex na nga lang ni Marley 'yon. Nagkwento rin si Chase na mas gumaganda yung relasyon nila ni Paris, na ang sweet-sweet nila sa isa't isa, tapos sobrang saya raw nila kasi may Chesca sila. Si Gio naman, pambababae poreber ang gustong karirin. Ayaw lumagay sa tahimik kasi sakit lang daw sa ulo ang pag-aasawa. Ewan ko, pero medyo may punto naman siya, pero siyempre, iba pa rin kapag nakasal na. Si Haris, binalikan nung ex niya. Mabuti naman at going strong ang relasyon nila ngayon.

Ngayon, naisip ko tuloy na marami nang nagbago. Mahaba-habang panahon na rin pala ang lumipas. May kanya-kanyang buhay na kami ngayon, kanya-kanyang responsibilidad na hinaharap. Takte, pakiramdam ko tuloy, ang tanda-tanda na naming apat.

"HAHAHA!" Si Gio, biglang humalakhak, kaya naman napatingin kaming tatlo sa tinitignan at tinatawanan niya.

Dealing with Forever [completed]Where stories live. Discover now