24- Demons

1.5K 23 0
                                    

Sorry to keep you waiting, guys. Inuna ko yung Bitterana. Hihi. Btw, nagbabalik na ako sa DWF. Say hi sa Salves ulit! Mobile UD ulit. Hihi.
Sulit to, guys. Do not yahh worry. Hahahaha! ;) Magsisisi ang umiwan dito lols. xoxo

24: Demons

-Han-

To: aaa Ni ♥
Ayii naman Ni. Namimiss mo lng aq ehh! Libre amin! Dali para ipangako ko sayo ang isang maganda mainit na gabi mamaya. Wahaha. ;)

From: aaa Ni ♥
Shet ka Salves. Ang lande mo ah. Haha. Bahala ka. sinabing ung kambal un eh.

To: aaa Ni ♥
Ayos! Marunong na magcelphone ung dalawa. Haha nako ibibili mo na yan Ni. Haha.

From: aaa Ni ♥
Bahala ka. Magtrabaho ka na nga dyan! Buset to.

To: aaa Ni ♥
I love you too. :* Haha. Basta mamayang gabi! ;)

"Mr. Salves," halos maibato ko ang celphone ko sa gulat. Dumating kasi si Mr. Chao, yung head supervisor namin. Ay naman, nahuli pa akong nagse-celphone sa oras ng trabaho.

Nginitian ko siya sabay pasimpleng tago ng phone ko. "Good morning, Sir! B-bakit po? Ah! Yung files pala! Tama. Nandito na po. Natapos ko na po yung pinapagawa niyo! Here, Sir!" Kinuha ko yung files at inabot sa kanya. "One day earlier 'yan, Sir. Matutuwa po ang kliyente. Ah, kung may ipapagawa pa po kayo, sige lang po."

"It seems like you are indeed inspired these days, huh." Natatawang kinuha niya ang mga binigay ko. "Keep it up."

Nakahinga ako nang maluwag nang umalis na siya. Takte, kinabahan ako dun ah. Ngayon na nga lang ulit ako nagsipag nang ganito sa trabaho eh. 

Muling nag-vibrate ang phone ko. Ay naman! Haha. Bubuksan ko sana iyon pero nailang ako sa tingin ng katrabaho ko. "Isa nalang talaga 'to, Matteo, promise!"

Tumawa naman siya at tinukso pa ako sa misis ko bago siya bumalik sa trabaho.

Kinuha ko yung phone ko at tinignan. Asawa ko nga ang nag-text. Hindi niya talaga ako matiis-tiis.

From: aaa Ni ♥
Han... Aalis ako, ah? Binilin ko yung kambal kay besty.  Saglit lng un. Uwi din aq agad. :) loveyou.

Natulala ako sa nabasa ko. Naalala ko rin kasi yung pag-uusap namin nung nakaraan. Narinig kong tinawagan siya ni Frank at kung di ako nagkakamali, magkikita raw sila ngayong linggo. Ang totoo, dahil sa masama ang kutob ko, ayoko sana siyang papuntahin doon, pero pinanghahawakan ko naman ang salitang tiwala. Alam kong wala naman akong dapat ipag-alala. Alam kong mahal niya ako. Ay naman! Ano bang pinag-iiisip ko?

Nag-reply ako sa kanya.

To: aaa Ni ♥
Sige Ni. Ingat ka ah! Sunduin ko kau kna Chase mamyang gabi. Love you more. :*

Hindi ko maintindihan kung bakit pero bigla yata akong kinabahan nang ma-send ko na iyon. Tama kayang pinayagan ko siya? Ay naman! Nawalan tuloy ako ng gana magtrabaho.

"Pst," bigla akong tinawag ni Matteo. May nginuso siya sa bandang kanan. "Ang ganda talaga niya, ano? Tsk tsk. Mabait at gusto ko namang katrabaho si Erika pero shit lang buti at umalis siya. Ang ganda nitong kapalit niya eh."

Nilingon ko kung sino at hindi nga ako nagkamali nang makita ko si Abigail. Nakapasok na siya sa kumpanya namin at heto nga kami, from ex lovers to plain friends and officemates.

"Uh, Abigail, ikaw pala." Binati ko siya nang marating niya kami. Si Matteo naman, todo rin sa pagbati, pagngiti, at pagkindat. Ts. Type niya talaga si Abigail. Parang wala siyang asawa. Tsk tsk.

Dealing with Forever [completed]Where stories live. Discover now