40- Finale

3.3K 30 0
                                    

Finale na... finally! Tapusin ko na 'to, ah? :) Salamat sa lahat!


40: Finale

-NI-

Ting.

Bumukas ang pintuan ng sinakyan kong elevator papunta sa rooftop na sinasabi ni Abigail. Sa pagbukas non ay parang dinala ako sa isang fantasy world. Isang magarbong romantic dinner date ang naghihintay sa'kin. May love song pang tumutugtog tapos ang daming bulaklak at petals sa paligid. Feel na feel ko ang romantic ambiance ng paligid lalong lalo na nang makita ko ang asawa ko na hinihintay ako.

Napangiti ako at naluha. Hindi naman ako nag-e-expect ng ganito eh.

Pakiramdam ko nag-slowmo ang lahat nang lapitan ako ni Trey. May dala-dala siyang bouquet ng bulaklak at iniabot yon sa'kin. Inalalayan niya ako palabas ng elevator tapos ay nilapit niya ang mukha niya sa'kin. "Good evening, Ni. You look wonderful tonight," bulong niya teasingly.

Hinalikan niya ako sa labi at halos bumaba na yon sa leeg ko kaya naman naitulak ko siya bahagya. "Naughty. Akala ko ba dinner date 'to? Di ba dapat uupo tayo at kakain?"

Ngumisi siya, still ganun pa rin kalapit. "Magkakainan nga tayo pero hindi pagkain ang kakainin." He sexily laughed. Ugh. Nakakaturn-on. "Pwedeng nakaupo, nakatayo, nakahiga, o kahit anong gusto natin. Mahaba naman ang gabi eh."

Natatawa ko siyang tinulak. "Loko loko ka talaga."

"Ikaw naman, na-miss lang kita eh." Lumayo na siya at tinigil ang kalandian niya. Jusko, balak pang gumawa ng eksena dito sa rooftop. Baka mamaya covered 'to ng CCTV, ma-eskandalo pa kami. Inalalayan niya ako paupo sa upuan tapos naupo siya sa tapat ko.

Napatingin ako sa mga nakahaing pagkain. Mga paborito ko yung mga 'yon. Ugh ang sarap kumain nalang bigla. "Luto mo?"

Proud siyang sumagot na gawa nga niya. May hirit pang "masarap 'yan" na ikinatawa ko.

"Teka, ano bang drama 'to? May okasyon ba?" tanong ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang meron ngayon eh

Ngumiti siya nang seryoso tapos inabot at hinawakan yung kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. "Marley, gusto kong bumawi. Gusto kong magsimula tayo ulit..."

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Kasabay ng malakas na hangin dito sa itaas ay ang pag-init naman ng pisngi ko.

"Ni, marami rami na yung dumaan sa atin. Gusto ko namang maging masaya na... Ikaw, ako, saka yung mga anak natin," dagdag pa niya. "Tama na yung drama na 'yon. Kalimutan na natin 'yon. Balik tayo sa masaya nating simula... pero sorry pa rin kung nagalit ka sa akin noon. Hindi ko kayo naipaglaban. Naging pabaya ako. Sorry kung nahayaan kong umabot tayo sa ganon... Naiintindihan na kita ngayon. Tamang hindi ako nagduda at magdududa sa pagmamahal mo, Ni... Mahal na mahal kita."

Naiyak ako nang tuluyan. "Pero... di ba ako yung unfair para sa'yo? Wala ka namang ginawang mali kung tutuusin eh. Ako yung mali nang nainis ako sa'yo sa maling dahilan. Dapat sa sarili ko ako galit... Ako yung walang kwenta. Ako yung unfair."

Tumayo siya at niyakap ako mula sa likod ko. Pinakalma niya ako. Bumaba yung kamay niya sa maliit na umbok sa tiyan ko. "Ssh, makakasama sa baby. Tahan na. Tapos na yun eh. Wala kang kasalanan kaya kalimutan mo na 'yon."

"Iyan," tinukoy ko yung baby namin, "paano kung hindi mo anak yan? Paano kung laman ni Frank 'yan? Unfair yun di ba? Masasaktan ka... H-hindi mo matatanggap...

"Marley..." saway niya.

"Totoo naman eh. H-hindi mo naman talaga matatanggap ang anak ng asawa mo sa ibang demonyong lalaki..."

Dealing with Forever [completed]Where stories live. Discover now