9- LQ

2K 32 3
                                    

9: LQ

-NI-

Bothered. Sobrang naba-bother na naman ako sa text message na na-receive ko nung nakaraang araw. Pero as much as I can, pilit kong hindi iniintindi iyon. Dudang duda man ako kung paano niya nalamang hindi kami okay ni Trey, iniisip ko nalang na siguro ay nakahula lang siya o sadyang nang-iinis lang ulit sa'kin.

Kung ano man nga iyon, ayoko munang isipin at problemahin 'yon. Ayoko nang idagdag pa 'yon sa problema ko sa asawa ko. 

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, kasabay ng pag-ikot ko ng katawan ko paharap sa natutulog na asawa ko. Hindi ko alam kung bakit parang ang sama-sama ng loob ko. Siguro, kasi Friday night na ngayon. Siguro umasa ako sa pinangako niya nung nakaraang gabi, na babawi siya sa'kin ngayong gabi kahit gaano siya ka-pagod. Siguro masama lang ang loob ko kasi pakiramdam ko nauubos na ang oras niya para sa'kin.

Minsan, gusto ko nang mainis sa trabaho niya. Hindi naman ganun ka-pisikal talaga 'yon, pero parang pinapatay na siya sa pagod. Sa dami siguro ng mga dapat asikasuhin, marahil. Pero hindi dapat, kasi yung trabaho niyang 'yon naman ang bumubuhay sa'min. Para sa'min parin naman ang lahat ng ito.

Pero kahit na, di ba? Rason ba 'yon para kahit konti e di na niya kami mabigyan ng oras? Hindi dapat eh.

Napatitig ako sa mukha ni Trey. He is handsome. Sobra. Hindi na kataka-taka na maganda't gwapo rin ang mga anak namin dahil iyon ay dahil sa kanya. Isa pa, mabuti siyang tao. Sobrang caring pa niya sa'min. Napaka-sweet din niya. Kayang kaya niyang ipakita na mahal na mahal niya ako at ang mga anak namin. Ang kaso nga lang, masyado siyang busy ngayon sa trabaho.

Sa pagtitig ko pa sa mukha ni Trey at sa pag-iisip na hindi na kami masyadong nagkakalambingan nitong mga nakaraang linggo pa, feeling ko tuloy na-miss ko siya. Oo, nasa iisang bahay kami at magkatabing natutulog sa isang kama, pero parang ang tagal ko nang hindi siya nakakasama. Hinahanap ko yung malambing at showy na asawa ko na lalambingin ako at pakikiligin mula umaga hanggang gabi.

Dahan-dahan kong iniunat ang braso ko para yakapin siya, nang bigla naman siyang umikot at tumalikod mula sa akin. Alam ko namang tulog siya, pero muli ko nalang binaba yung kamay ko, at tumalikod na rin ulit. Matutulog na sana ako, kaso bigla namang umiyak si Theana. Wala akong ibang nagawa kundi tumayo, puntahan, at patahanin ang anak ko.

"Baby, bakit?" tanong ko sa anak kong umiiyak habang inaalo ko siya, pero siya naman, iyak lang nang iyak. Naisip ko nalang na baka naalimpungatan lang siya. Ganito naman siya lagi eh. "Ssh, tahan na baby."

"Dadaa... D-dada," umiiyak niyang banggit sa daddy niya.

Napalingon tuloy ako kay Trey pero tulog pa rin naman siya. 

"Nami-miss mo na rin ba ang daddy mo, ha? Busy si daddy, Theana, e. Pagod siya lagi sa work kaya di na siya maka-play sa inyo ni Marki. Sorry muna baby ha? Next time, sure akong babawi si daddy sa'tin."

Nag-hum ako at tinapik-tapik nang marahan ang hita ng anak ko hanggang sa makatulog na siya ulit. 

Dealing with Forever [completed]Where stories live. Discover now