[TWO] Chap.8: Ang Pagmamahal ng Magulang

Start from the beginning
                                    

"Hahaha! Kawawa naman!" natutuwang sambit ni Gino at manghang-mangha. Pero syempre hindi siya papatalo. "Tingnan natin kung ano naman ang magagawa ko!" Pumikit siya saglit at nag-concentrate. Sabi nga ni Popoy, hindi na kailangang pag-aralan pa ang paggamit ng mga elementong-armas dahil natural na itong malalaman ng taong gagamit nito. 

Pero... iyon ay kung naging mag-kaisa na ang isang tao at  ang espritung taga-bantay ng kalikasan, engkanto man o diwata.

Tumingin si  Gino kay Dahongo na ngayon ay nakasakay kay Itim habang nakikipaglaban sa iba pang halimaw. 

Pwede kaya?

Umiling siya. Hindi. Pakiramdam niya na tinatraydor niya si Popoy. Si Popoy lang ang kanyang elementong-kaisa at apoy ang kanyang elemento at hindi lupa!

Pero... Gusto niyang lumaban. Gusto niyang makatulong. Alam niyang magagamit niya ang elementong-armas ni Dahongo laban kay Gunaw. Kailangan niya ito.

Sa pambihirang pagkakataon, ngumiti sa kanya si Dahongo. Tumango ito na para bang alam nito ang kanyang iniisip.

At sa isang saglit ay nagkaroon siya ng ideya. Ngumiti siya. "Kung di lang kayo patay na... Patay kayo sa akin!" banta ni Gino. "Lumiliyab na Pagsabog!" May malakas na pagsabog mula sa batong kanyon at may nagliliyab na bala na kagaya ng sa isang bazooka ang tumama sa grupo ng iba pang halimaw.  Naglaho ang mga ito sa isang iglap at nagkaroon din ng malalim na butas sa lupa.

"Hoy! Pare, huwag mo namang sirain ng likod bahay namin!" saway ni Jun-Jun.

Hindi narinig ni Gino ang sinabi ni Jun-Jun. Nakatuon ang kanyang atensyon sa umuusok pa niyang kanyon at ang maliit na bagang natira mula sa pagsabog.

Lumiliyab na Pagsabog? Lumiliyab? Umaapoy!

Hindi niya intensyon, pero nasambit niya ang lumiliyab. Ang sasabihin lang niya sana ay 'Sumasabog na Bato' pero nasanay siya sa mga atakeng may apoy kaya nabanggit niya ito... Hindi siya makapaniwala pero gumana ito! 

Sina Dahongo at Itim ay napatunganga din. Hindi nila inaasahan ang nangyari. Ang Inaasahan ni Dahongo ay purong bato lang ang lalabas mula sa kanyong pinahiram niya sa bata dahil galing ito sa elemento ng lupa. Pero may kasamang apoy ang bato mula sa kanyon! Kamangha-mangha!

Saglit na natulala si Gino. Napupuno siya ng emosyon. Nagulat siya pero hindi niya maitago ang saya sa kanyang mukha. Kaya niyang pagsabayin ang lupa at apoy!

Napagtanto niya na nakakagamit siya ng apoy kahit wala si Popoy! 

Hindi.

Hindi pwede. Naisip ni Gino na malaking kasalanan sa kanyang elementong-kaisa ang gumamit ng apoy. Oo, isa itong magandang pagkakataon para malabanan niya si Gunaw kahit wala si Popoy. Magagawa na niyang ipagtanggol ang sarili!

Pero...

Paano na si Popoy? Ganun-ganun na lang? Dahil wala na ang kanyang elementong-kaisa, mas madali na sa kanyang humanap ng iba?

Umiling si Gino. Naguguluhan siya. Hindi niya malaman kung magiging masaya ba siya o magui-guilty.

Unti-unting namuo muli ang mga halimaw. Naaasar na si Jun-Jun. Pagod na pagod na siya at basang-basa ng pawis pero hindi niya maihubad ang jacket na suot dahil sobrang lamig ng kapaligiran sa purgatoryo at dahil din sa presensya ng mga halimaw na multo.

"Jun-Jun!" sigaw ni Marian. 

Ang halimaw na may matatalas na kamay na parang sa isang praying mantis ay muntikan nang saksakin si Jun-Jun sa likod. Pero buti na lang may sumalo sa atake. 

ELEMENTOWhere stories live. Discover now