"Code ICE means lowering the body temperature, right? It means ipapasok sa isang apparatus where the body would freeze. And a body will look like a frozen corpse. Maybe, that's what she's pertaining.. Na mamatay siya at babalik sa buhay ngunit mananatiling mukhang patay for some time." Ako naman ang nagsadiwa ng aking naisip tungkol sa sinabi ni Ice.
Tumango si Sir Harris.
"But why did she think she's going to die? Hindi naman tayo tulad ng Autotrophs." Ani Anteros. Ibinagsak ang tanong na nasa isip ko rin kanina.
Binalingan namin si Ice sa Monitor but to our surprise, Wala si Ice sa silyang inuupuan niya kanina! What the hell?! Where is she?!
"Sht." Malutong na mura ni Sir Harris. "Find her!" Utos niya agad kaya nagmadali kaming lumabas sa silid na iyon at tinungo ang silid kung na saan si Izen. Surely, she's still here. Nakalock ang pinto. Hindi siya makakalabas.
Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ang silya kung saan naroon si Ice kanina. Putol-putol ang lubid na ipinanggapos namin sa kanya kanina. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari iyon. Wala siyang armas! Kinuha ni Sir Harris ang twin dagger niya. Paano niya magagawang putulin ang lubid?
"Orville.." tawag sa akin ni Anteros at nahanap siya ng paningin kong nakatingala sa air vent.. oh. She can escape. Through that..
"She escape the room through the air vent." Balita ko kay Sir Harris mula sa kabilang linya.
Sinuyod namin ang buong mansyon. Maging ang ibang Solar na narito ay pinahanap siya. Wag nga lang nilang sasaktan si Ice dahil lagot sila sakin! Hinanap namin si Ice at sigurado akong narito pa siya sa loob.
Ngunit makalipas ang ilang minutong paghahanap, wala pa rin si Ice. Di pa rin namin siya mahanap.
Wala kaming choice ni Anteros kundi bumalik kay Sir Harris. Naabutan namin siyang pumipindot-pindot sa mga keyboard na naroroon. And the monitors said 'No signal'! What happened here?
"Damn! Torch Flower taught her well." Rinig kong hinaing ni Sir Harris.. he mean.. Ice did this? Narinig ko na dati na estudyante ni Torch Flower si Ice.
Sinubukan naming tulungan si Sir Harris ngunit hindi namin alam ang aming gagawin lalo na't wala kaming alam sa mga ganyan. I once watch Ice trace her phone before. Magaling siya. And Sir Harris too is a tech geek. But watching him like this, di ko maiwasang ikumpara silang dalawa. Mas maraming alam sa teknolohiya si Ice. Maybe because, she's Torch Flower's student.
Lahat kami ay napatigil ng biglang nagblack-out ang mga monitor at may isang natirang naka-on. Pareho kaming tatlong napatingin lamang doon sa nag-iisang monitor na iyon.
In just a blink, biglang may nag-pop out na isang pigura sa monitor.
Desire is calling..
Iyon ang naroon. Nagkatinginan kaming dalawa ni Anteros. She's using Desire's phone..
I saw Sir Harris clicked the enter button. And there she is.. her face was in our view.
Madilim ang paligid. Siguradong na sa labas na siya ng Mansyon. Damn. Nakikita ko rin ang kagubatan sa kanyang likod. Gabi na sa labas.. Ngunit dahil kabilugan ng buwan, nakikita namin si Ice mula sa kabilang linya. She's looking at the camera with that same smiling face. 'yong pagod na mga mata at bahagyang nakangiti ang labi. Ganoon ang kanyang mukha simula ng makita ko siya ngayong araw.
Hindi niya suot ang uniform ng Ertha. Siguradong galing siya sa kwarto ni Ate Desire. Nagpalit siya ng pang-itaas na damit. Simpleng sandong itim ang isinuot niya. Suot niya pa rin naman ang skirt ng Ertha. Nasa sa kanya rin muli ang kanyang twin dagger and we don't know how she took it back. Sa pagkaka-alam ko'y itinago na ito ni Sir Harris kasama ang ilang armas na imbensyon niya. Paano iyon natunton ni Izen?
KAMU SEDANG MEMBACA
Code: ICE (Code Series #1)
Misteri / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
Chapter 43: I'm no longer Ice
Mulai dari awal
