Chapter 19:
Next
ORVILLE
"Asy.. Asy.." nanginginig ang kamay ni Izen habang tinatapik-tapik ang pisngi ni Asy. Asy was so pale but I can still see that she's still breathing..
Gulong-gulo ang isip ko sa mga nangyayari. I doubted Izen again. Pero kahit saang angulo ko ngayon tingnan ang sitwasyon, there's no way that it was Izen who did this to Asy. Kitang-kita ko na kadarating lamang ni Izen kanina dito sa lugar na ito. At sigurado akong hindi pa nakakalayo ang gumawa nito kay Asy. Kaya ba natataranta si Izen kanina upang buksan ang pinto kasi alam niyang narito si Asy at alam niyang kasalukuyang gagawin na rin ng blue rose na 'yon ang masama niyang hangarin sa aming kaibigan?
Inilibot ko ang paningin ko at napansin ko agad na may mga bakas rin ng dugo sa sahig.
"M-Mommy.. Ice-ice.."
Agad napabalik ang tingin ko kay Asy na nasa bisig ni Izen. Nakangiti siya sa amin ngunit halatang-halata ang panghihina at hirap sa paghinga.
"I'm glad that you found me.." pabulong niyang sabi.
"Shh.. Save your strength. Just breath okay? Dadalhin ka namin sa ospital." Ice hush her.
Ice was holding a blue rose. Hanggang ngayon ay bitbit niya pa rin ang asul na rosas na iyon. She also has that card na may printed text na Dorn. Kung tutuusin, sobrang laki ng ebidensiya na iyon para ituro siya bilang si Blue Rose at meron rin siyang mga dugo sa uniporme niya. Pero dahil sa mga kinikilos niya ngayon, hindi ko na siya magawang pagdudahan. She was crying a while ago. Gusto niyang iligtas si Asy. If this is part of her act, I'm doomed. Dahil naniniwala na akong hindi nga siya ang gumawa nito. Hindi ko pa siya nakitang umiyak, ngayon lang. She actually care. Aakalain mo lang talagang wala siyang pakialam sa paligid ngunit hindi. Sa likod ng kanyang malamig na pikikitungo sa aming lahat, isang malambot na puso ang nakatago.
Wala na kaming inaksaya pa ni Izen na oras. Ni hindi ko na magawa siyang kausapin at agad naming sinugod si Asy sa pinakamalapit na ospital. Ibinalita ko na rin kay Sir Harris na natagpuan ko na si Izen at pati na rin si Asy. I even told him to search more in the area dahil sigurado ako kanina na naroon pa ang blue rose na iyon.
Nakasandal ako sa pader habang hinihintay matapos ang operasyon kay Asy. Na sa ER na si Asy habang kami ni Izen ay naghihintay ng balita tungkol sa kanyang kalagayan dito sa lobby ng ospital. Na sa harap ko si Izen at tulala niyang tinititigan ang asul na rosas na hanggang ngayon ay bitbit niya pa rin. Anong meron sa rosas na iyon? Ano ba talagang nangyari sa kanya?
"I'm the first person who saw the bodies." bigla niyang giit. Tila narinig niya ang mga katanungan sa aking isipan. Hindi niya man ako liningon ay alam kong ako ang kausap niya. "I was inside the comfort room, sa mall.. Ng biglang may nagtakip ng ilong ko ng isang panyo. The next thing I knew, I'm in the dark place. At alam mo ba kung alin ang mas nakakapagtaka?" nag-angat siya ng tingin sa akin. "Nalaman ko na lang ay na sa school premises na ako ulit ng Ertha, hawak-hawak ko ang rosas na ito at may isang sulat na nagsasabing, ang bawat petal ng rosas ay katumbas ng isang estudyanteng nawawala."
Napakunot ang aking noo sa kanyang binitawang mga salita. Lalo na't ng balingan kong muli ang rosas na kanyang dala-dala ay may tatlo pang petal.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang isang petal at pinitas. Inihulog niya pa iyon sa sahig habang sinusundan ng kanyang mata ang mabagal nitong pagkahulog sa sahig.
Ng balingan ko ulit ang bulaklak, dalawa na lamang ang petal na naroon.
"Isa na lamang ang natitirang nawawala, Orville." dahan-dahan niyang muling iniangat ang tingin sa akin bago siya muling nagsalita. "Ngunit bakit dalawa pa ang petal na natitira?"
YOU ARE READING
Code: ICE (Code Series #1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
