Chapter 12:
A Walking Wall and A Human Ice
IZEN CARAMEL
"ICE"
"Ertha is nothing without a Harris and a Moran."
"Your mission is the same. To spy."
"Pero isang tao na lang ang kailangan mong manmanan."
"And her name is Desire Carmela Moran Harris."
Hindi ko alam kung bakit ako ang binigyan ng misyon na ito ni Torch Flower. Sa aking pagkakaalam, may dalawa pa siyang estudyante at mas may kakayahan na magmanman sa tulad ni Desire Harris. She's the very vulnerable person kaya nakasisiguro akong sobrang higpit ng proteksyon sa kanya ni Sir Harris.
Ang alam ko'y mas may kakayahan ang dalawang estudyante ni Master kaysa sa akin. Mas naasahan niya kasi ako sa security ng base at web ng Autotrophs kaysa sa pagmamanman. At isa pa, ngayong nasa sa akin ang pinakanahalagang misyon, balakid na ito sa pagpapabagsak ko sa organisasyon. Their eyes will be on me. Mas mahihirapan akong kalabanin ang Autotrophs ng patago.
"Bakit kayo nandito? Bakit ka may sugat? May nagtangka na naman ba sa buhay ni Daddy?" Sunod-sunod na tanong ng kadarating lamang. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi. Super flat lang kasi ng pakasabi niya n'on. Wala talagang emosyon maging ang boses niya.
Kung di ko lang siya nakita noon sa office ni Sir--although hindi ko nakita ang mukha niya--aakalain kong robot siya na may AI.
"U-hm.." Maging si Orville ay tiklop ang bibig. Yon lang ang nasabi niya.
"Answer me--"
"Enough, Carmela."
Napalingon kaming lahat sa pinto and he was, si Sir Harris. May benda ang kanyang kanang braso. Hindi na niya suot ang uniform at simpleng blue shirt and black jeans lang siya. Nakasuot siya ng tsinelas which is very unusual sa aking mata. Bago na rin ang salaming suot niya at tingin ko'y nabasag ang eye glasses niya dahil sa kaganapan kanina.
Lumakad siya papalapit sa akin. Hindi ko maiwasang maalala ang mga emosyon sa kanyang mga mata kanina.
Iwinaglit ko iyon sa isipan ko at sinalubong nalamang ang ngayong malamig na nakatingin sa aking na mata niya.
"Isang simpleng estudyante lamang sila. May nagtangka lang ng magnakaw sa opisina ng Lolo mo at nagkataon rin na pinatawag ko sila doon kaya nadamay sila sa gulo." Si Sir Harris na mismo ang sumagot sa tanong ng kanyang anak.
Hindi naman pinansin ni Desire Moran ang kanyang mata at nanatiling nakatingin sakin. I somehow see myself on her. The way I ignored my father.. The way I look at everyone.. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Pareho ba kami ng pinagdadanan kaya naging ganito kami?
"Hi?" Patanong na bati ni Orville. Bahagya siyang napalunok ng laway. Hindi siya mapakali at feeling ko'y pagnagsalita ang anak ni Sir, magtatago siya agad sa likod ko. Ginawaran man siya ng tingin ngunit di naman ito nagsalita. Para lang siyang pader sa harap namin. Geez.
"Carmela." May halong banta ang pagtawag ni Sir Harris sa kanyang anak.
Napabuntong hininga na lang ang dalaga at umikot ang mata niya.
"Fine." Flat niyang sabi bago siyang tumikhim. "Hi!" Sabay ngiti niya ng napakatamis. "I'm Desite Carmela Harris. Desire na lang ang itawag niyo sa akin ha?" Naglahad pa siya ng kamay sa harap namin. Nagkatinginan tuloy kami ni Orville. Namamalikmata ba kami? Sobrang lapad ng ngiti niya ngayon. Parang biglang nalagyan ng emosyon ang mukha niya. Maging ang boses niya'y sumigla na parang sobrang saya niya.
BINABASA MO ANG
Code: ICE (Code Series #1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
