Chapter 24:
Familiar
IZEN CARAMEL
"ICE"
Nakakapanibago dahil wala ang maingay na si Asy at wala rin si Laynah. Siguro nga, nasanay ako na kasama na sila tuwing kumakain ng lunch.
Kailangan pa rin na magpagaling ni Asy sa Ospital habang si Laynah ay nasa kamay na ng Solar.
I know that Laynah will be safe in the hands of Solar. Unlike the Autotrophs, One wrong move and your dead.. Solar is not like that. Maybe, Solar killed people, but only to protect their selves against the Autotrophs. Kapag alam nilang walang laban ang kanilang katunggali, hindi nila kailangang pumatay.
This is how twisted our world are. Solar and Autotrophs are both killers, pero ipinaglalaban lamang ng Solar ang katarungan at kapayapaan habang ang Autotrophs ay nais lamang ng yaman at patayin ang sino mang gustong humarang.
"You have to eat." Ani Orville at inusog niya sa gawi ko ang isang slice ng chocolate cake na nakalagay sa maliit na plato.
"I'm fine with my Juice." Sabi ko na lang dahil mahihirapan lang akong kumain. I'm using my left hand, goodness. I wanna clap for my dear cousin, sobrang lakas niya dahil nagawa niya ito sa kanang braso ko.
"Susubuan na lang kita kung nahihirapan kang kumain, Ice. You need to eat. Hindi ka kumain ng snack kanina tapos iinom ka lang ng juice ngayong lunch?" Aniya. Hindi na lang ako nagsalita.
Nagslice si Orville na tama lamang para maipasok sa aking bibig at sinubukan niya nga akong subuan. Hindi naman ako gutom ngunit hindi rin naman ako busog kaya kinain ko na lang.
"Good girl." Aniya. Aba, parang nagpapakain lang ng Aso.
"Shut up." Inis kong sabi. Napangisi naman siya. Parang ang saya-saya niya ah.
"You're welcome, Ice" wika niya pa.
Teka nga, kailan niya pa ako sinimulang tawaging Ice? At sinong nagbigay permiso sa kanyang tawagin akong ganon?
"Stop calling me 'Ice'."
"No. I'll call you Ice. Gusto mo man o hindi." Wika niya pa.
"Stubborn." I commented.
"Huh? Ako? Ice, sa ating dalawa, ikaw ang stubborn." Balik niya sakin. Oh really? Siya kaya itong suway ng suway sa rules ng keeper niya.
"Shut up." Wika ko na lang. Sinubuan niya ako ulit.
Nararamdaman ko naman ang mga matang nakatingin sa akin sa paligid.
I can really feel na iba na ang tingin ng lahat sa akin. It's like, naging instant celebrity na talaga ako simula ng araw-araw na akong hinahatid at sinusundo ng isang magarang sasakyan.
It's been a week since that incident happened. Marami na rin ang pagbabago sa Ertha in just a span of a week. Naging tahimik, at walang panganib. Ngunit kasabay rin nito ay ang problema ng Autotrophs.
Halos araw-araw kong naririnig mula kay Trevor na maraming spy ang nad-drop sa Ertha. At tingin ko'y kagagawan ito ng Chairman. He said before na mangunguna na siya sa pagpapabagsak sa Autotrophs. But, no.. tuloy pa rin ang Autotrophs kahit pa mabawasan na ang mga spy dito.
But I wonder, pano nila nalalaman kung sino ang mga spy?
I know, I'm still safe. Walang sino mang Autotrophs ang nakakakilala sa tunay kong pagkatao kundi ang aking Master at ang pamilya Edison lamang. Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang katago ang pagkatao ko, lalo na't hindi naman ako nabibilang sa mga dugong bughaw o maharlika man sa Autotrophs. Torch Flower is one of the higher ups at siya rin ang nagtatago ng lahat ng identity ng nakatataas. Si Senior na pinakapinuno ng Autotrophs, si Sunflower na tagapagmana, ang kambal na tinatawag na hibiscus, sila ang mga pinuno at iisa lamang ang dugo. Ako at si Morning Glory ay parehong hindi nila kapamilya ngunit pareho rin kaming tago ang pagkatao sa sino mang Autotrophs. Tanging si Trevor at Leonardo lamang may alam sa aking pagkatao. Siguro dahil isa akong Edison.
YOU ARE READING
Code: ICE (Code Series #1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
