Chapter 41: Open

Mulai dari awal
                                        

I always saw you as the collateral damage. That you are too innocent to face the world I live in. But the hell? You can hold a weapon?

Hindi ko naisatinig ang gusto kong sabihin lalo na't dumeretso na kami sa library gaya ng nakasanayan.

Tahimik kaming lahat. Busy si Laynah sa pagsagot ng Assignment niya. Si Asy naman ay nagbabasa ulit tungkol sa parts of the body. Napansin kong mahilig si Laynah magbasa ng Science book na ganoon ang mga laman. Magdo-doctor ba siya?

Si Cace, pinaglalaruan niya ang kanyang ballpen at papel. Si Orville naman, nagbabasa siya ng libro. Natatawa nga ako ngunit pinigilan ko. He seems preoccupied. Pano ba naman, pagpasok namin ay History book ang kanyang nakuha and he started reading it upside down. Ako lang ata ang nakapansin dahil hindi pinupuna nila Laynah at Asy.

Hinayaan ko na lang but then, napansin siguro ni Asy ang pagpipigil ko sa tawa kaya sinundan niya ang tingin ko't nakita niya si Orville. Agad na sinipa ni Asy ang paa ni Laynah na nakapwesto sa tabi ni Orville. Napabaling rin tuloy ito kay Asy. Asy eyed Laynah like she's telling Laynah to look at Orville's direction. Naintindihan naman iyon ni Laynah kaya agad niyang inayos ang librong hawak ni Orville. Tila natauhan naman si Orville sa ginawa ni Laynah. Naiiling-iling tuloy ako habang napapaangat ang gilid ng aking mga labi.

Sa gitna ng sabog na sabog kong isipan, nagawa ni Orville ipa-kalimot sa akin ang lahat kahit saglit lang. Kahit hindi niya intensyon.

Nakita niya ang ginawa ko't seryoso lamang siyang napatingin sa akin. Like I'm some puzzle.

💙

Natapos ang lunch time..

Kinakabahan ako..

I felt like it was my first time seeing my father.

Kahit halos araw-araw naman kaming nagkikita sa subject niya.. ganoon pa rin sa pakiramdam.

Or maybe, yes.. this will be my first time I will see my real father. Kasi ito ang una naming magiging pagkikita simula ng malaman ko ang totoo.

Pero hindi sumipot si Sir sa ICT laboratory.. Ang balita ay may inaasikasong problema sa Ertha, hindi ko lang alam kung ano.

I was sad when I heard it. Gusto ko siyang makita bago pa matapos ang araw na ito. Wala akong balak munang sabihin ang nalaman ko. It's too complicated to tell about it. Lalo na't hindi ko rin alam kung paano nangyari 'yon. Kung paano naging ako si Snow, ang anak niyang nawawala. Ang anak niyang akala niya noon ay patay na.

Ang alam ko'y kailangan kong makausap ang aking tunay na ina.. Sun Carmela Moran-Harris. Mama knew her.. Mama knows where to find her.. that's for sure. Maaaring ibinigay ako ni Sun Carmela kay Mama. But I don't get it really.. sinabi ni Sun Carmela noon na parehong hawak ng Autotrophs ang kambal, it means she knew that I'm a member or that organization.. pero bakit tila hindi alam ni Mama? Takang-taka si Mama sa inasal ko bilang isang Blue Rose ng malaman ko mismo ang totoo sa harap niya.

Maybe, she doesn't know who exactly her daughter inside that organization?

Iwinaglit ko iyon sa aking isipan at binigyan pansin na lang ang instructor na nag substitute kay Sir Harris.

Natapos ang buong klase sa araw na ito ng hindi ko man lang nakikita ang pigura ni Sir Harris.. I mean.. D-Daddy.

Nagpasya akong puntahan na lang siya sa kanyang opisina kahit hindi ko alam kung naroon siya o wala.

I just want to see him.

Kahit wala akong maisip kung ano ang sadya ko sa pagpunta ko doon, nanatili pa rin ako sa plano ko.

"Mauna na kayo, may pupuntahan pa ako." Sabi ko kay Asy ng magyaya siyang umuwi na.

Nagpaalam rin si Orville na may pipuntahan, hindi ko nga lang alam kung saan.

I proceed on my plan. Mag-isa akong pumunta sa administration building kung saan matatagpuan ang opisina ni Sir.

Mayroon pa namang mga tao roon dahil kakatapos pa lang naman ng last period sa araw na ito, siguro ay nag-aayos pa ng mga gamit ang ilang staff ng Academy. So, maybe Sir Harris was there too.

Mag-isa akong naglalakad sa corridor, malapit na sana sa opisina ni Sir Harris ng mamataan ko ang dalawang pigura ng lalaking naka-itim.

Nanlaki ang mata ko lalo na't namukhaan kong sila yong mga kasamahan ni Ginger na sumugod rin dito noon!

"Stop!" I shouted ng nagmadali silang tumakbo paalis gamit ang daanan sa kabila ng building. Tumakbo agad ako upang sundan sila ngunit ng malagpasan ko ang opisina ni Sir Harris, agad akong napabalik doon.

Damn no!

I heard a noise inside!

It sounds like a timer!

Gosh! No way! There's a bomb!

💙

Code: ICE (Code Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang