Kabanata 9

8K 451 132
                                    

Kabanata 9:
Arrow

"Para kang nagahasa. Anong nangyari sayo?" tanong niya. I crossed my arms. Tinignan ko muli ang sarili. Napanatag nang makitang wala namang napunit sa bahagi ng damit na may dapat takpan. The chest part is still fine and just the end of my jeans is ripped.

Humakbang ako sa gilid ng sapa para makaahon. Napapangiwi pa sa bawat hakbang dahil sa mga natamo kong sugat na humahapdi.

"I fell in the cliff while I'm fighting with someone." I trailed off when I saw the girl who pulled me and the reason why I'm now here.

She's unconscious but I can see that her chest is still heaving. Humihinga pa, kaya ibigsabihin ay buhay pa. Hindi ako nabahala dahil napag-alaman kung hindi ko naman siya napatay.

She can just climb again so she won't fall in the cliff totally. Nakakapit pa siya sa ugat, pero mas inisip niya pang hilahin ako para makaganti siya sa akin. She's stupid. Bakit hindi niya piniling isalba na lang ang sarili.

"Oh? Mabuti at buhay ka pa." sabi ni... I trailed off. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan ng lalaking ito at ayaw niya na rin namang sinabi.

"Ayaw ko ring makita ka... Popoy." sabi ko at kitang kita ko ang pagguhit ng lukot na linya sa noo niya.

"Popoy?" sa ekspresyon niya parang nalilito siya kung tatawa o magtataka sa tinawag ko sa kanya. Then he suddenly burst in laughing.

"Ayaw mong sabihin sa akin ang pangalan mo. Kaya iyon na lang ang itatawag ko sayo." sagot ko at hindi pa rin siya natatapos sa pagtawa. My brows furrowed and I turned to him again.

"Popoy?" ulit niya at hindi ko alam kung anong meron at muli siyang bumalanghit ng tawa. Narinig ko pa ang pagragasa ng tubig dahil sa pagkilos niya.

Totoo ba talagang tao ang lalaki na ito o isa siyang shokoy dahil sa bawat pagkikita namin ay nasa tubig siya at walang suot na pang-itaas. Baka noong makita lang ako ay nag-anyong tao.

Epekto ba ito ng pagkakalaglag ko sa tubig? Naalog na yata ang ulo ko. Tumingala ako sa pinanggalingan ko at napasinghal ng makita kong gaano kataas ang pinaggalingan ko.

Sobrang taas noon at nakakalula! Sa tingin ko ay mga nasa ilang feet rin iyon! Halos hindi ako makapaniwala na buhay pa ako ngayon.

Damn, I survive that?!

"Popoy. I like it. That's a nice nickname." aniya, bahagya pa ring natatawa.

Hindi ko inaasahan na ako pa ang mapapahiwalay sa kanilang apat. Saan ako magsisimula sa paghahanap sa kanila ngayon? I'm not that good to copy the bird's chirp like Zarco, would they recognize if I chirp?

Siguradong nag-aalala na sa akin ang apat ngayon.

Baka imbes na huni ng love birds ang marinig nila ay mapagkamalan pa akong uwak.

"Alam mo ba ang daan pabalik sa itaas?" nakangisi pa rin si Popoy nang bumaling ako sa kanya. I think he can't get over on the name I gave him. Para siyang aso na nakangisi, tuwang tuwa sa binigay na pangalan ng amo niya.

"Hindi."

"Bakit gusto mong bumalik roon?"

"Naroon ang mga kagrupo ko. Nahiwalay ako sa kanila bigla. I need to find them quickly."

Pinagsalikop ko ang buhok at piniga iyon para maalis ang tubig. I winched when I moved my arm and a pain suddenly crawl on my body. Napalingon ako sa braso ko at nakitang may malaking hiwa roon. It's even bleeding.

Agad akong napahawak roon. I winced when I feel the pain.

"Hindi ka na puwede pang bumalik roon. Bakit hindi mo na lang rin patalunin ang mga kasama mo rito para magkasama sama kayo." I turned to him with my steely eyes.

Raven UniversityWhere stories live. Discover now