Kabanata 23

5.9K 394 116
                                    

Kabanata 23:
Jealous

I was dumbfounded when Lovelace tap my cheeks. Gulat na gulat ako sa kanya.

"Kumain na tayo Khaleerine." aya ni Zarco sa akin. Humalakhak si Lovelace nang hinila ako.

"You think I wouldn't know? Ang dali mo lang kayang basahin. Noong una hinila lang eh, pero noong nahuli ka at nakabalik ng buhay rito dahil binasura niya ang parusa para sayo, doon ko nakompirma." bulong niya sa akin. Napatulala ako. Ngumiti siya sa akin.

Ang inaasahan kong magiging reaksiyon ng isa sa kanila kapag nalaman iyong tungkol sa amin ni Zuriel ay babatuhin ako ng pangiinsulto. Kagaya ng pagiging traydor, peke at mapagpanggap pero itong pinapakita sa akin ni Lovelace ngayon, malayo sa iniisip ko.

She's smiling like she's happy for me. Para bang sinusuportahan pa ako.

Nagkakagulo na ang lahat doon sa mahabang lamesa kung nasaan nakalatag at nakahilera ang mga pagkain. Nakatingin si Zarco sa aming dalawa. Hinihintay kaming lumapit.

"Khaleerine, I am your friend. Alam ko, huwag kang mag-aalala. I won't judge you. You deserve to be happy." napakurap kurap ako sa sinabi ni Lovelace. My heart flutter on it. Hinawakan niya ang braso ko at hinila na papalapit doon sa lamesa.

Tulala pa rin ako at hindi maproseso ang sinabi niya.

"What are you two whispering huh?" si Zarco at bumalik ako sa reyalidad roon. 

"Wala. Just a girl talk." Lovelace smirk on Zarco and wink on him. Napalingon naman sa akin si Zarco at nagkibit balikat lang ako.

Kinuha niya kaming dalawa ni Lovelace ng plato at pinaglagay ng pagkain. Nagpresinta ako na gawin na iyon mag-isa pero hindi niya ako hinayaan.

We went in the table after we get foods. Habang maingat kong nilagay sa katabing upuan ang sandata ni Anais.

"Thank you for letting me use it." I said and smiled. Ngumiti rin sila Klein, Lovelace at Zarco sa sinabi ko.

"Merry Christmas Anais. We miss you so much." I mouthed. Humigpit ang hawak ko sa espada. Sayang, wala siya rito. I really miss her. If we can just lend some time to see her again.... I will grab it.

Nagulat na lang kami ng may bigla-biglang umakbay sa aming lahat.

"This is not a time for drama! C'mon let's drink!" si Glydel na humiyaw pa.

"Hindi pa kumakain ang dalawa. Mamaya na." pagpigil ni Zarco roon. Ngumuso lang si Glydel na nag-aaya. Tumawa roon si Lovelace.

"Saglit lang. Strikto talaga 'to at hindi mo mababale ang gusto. Kakain muna kami." nalukot ang mukha ni Glydel roon pero sumuko rin. Nilubayan kami para ang iba naman ang ayain sa inuman. Nakaikot kaming lahat sa lamesa at sabay sabay na kumain.

Si Zarco at Bernard ang nagluto ng lahat ng ito. Pinagsama sama naming lahat ang mga pagkain na meron kami para lang maisakatuparan ang pagsasalo na ito. We're here in our room. Tumakas lang ang Gemini at Pisces sa mga kwarto nila at pumunta rito.

Sa ingay nga nila kanina, hindi ko alam kung may nakarinig ba sa kanilang mga bantay. But I think Zuriel do something on it. That's why even we scream on the top of our lungs here, we're safe.

Pagkatapos ng kainan ay nagsimula na rin ang inuman. Nasa hilera pa ako ng pagkain para kumuha ng panghimagas nang bigla akong bigyan ng shots ni Glydel.

I can smell the liquor now on her body. Kanina pa siya umiinom kaya mukha nang tipsy ngayon. Her cheeks is flushing a bit too.

"Go Khaleerine! Drink!" she started to cheered. She even influence everyone to cheered me too. Napailing ako. The shot glass is just small so I think it's not bad to have this drink.

Raven UniversityWhere stories live. Discover now