Kabanata 8

8.7K 465 43
                                    

Kabanata 8:
Cliff

"We all just need to stay alive until 6 pm in this forest. Unahan silang makakuha muli ng scroll at iiwasan ang mga mababangis na hayop na aatake sa atin." ani Zarco nang nasa kalagitnaan na kami ng gubat.

Mahigpit naming hawak ang mga sandata habang pinapakiramdaman ang paligid.

I have a keen smell and Lovelace has a keen vision, bukod roon kaming dalawa ang aatake sa mga kalaban na nasa malayo kaya kaming dalawa ang tiga masid sa paligid. Ang tunog ng pagbale ng mga sanga sa pagtapak ng sapatos namin roon ay naghahatid sa akin ng pamilyar na pakiramdam.

It feels nostalgic. Binabalik ako doon sa pagkakataon na humakbang ako papasok rito sa gubat noong unang beses. When I tried to commit suicide. If I can turn back the time, will I retrieve my steps and went back to the road?

Pero bakit parang hindi ako nagsisisi na hindi ako humakbang pabalik at narito ako sa ganitong sitwasyon ngayon?

We have 12 hours to find the scroll. Palinga linga kami sa paligid. Tinitignan ang bawat sulok at parte ng gubat sa maingat na paraan para hanapin ang scroll. Meron lamang sampung scroll na narito, kaso labing dalawang grupo ang nasa loob ng gubat.

It means, just 10 teams will escape and survive the First Death Friday, and two teams will left here and die. At walang may gusto na mapunta sa grupo na maiiwan rito sa loob.

Hinihiling ko na sana makahanap na agad kami ng scroll at nang makapagtago na sa iba pang grupo na nagbabalak agawin sa amin iyon. We choose the careful and safe way than to be violent and kill someone for the scroll. Kami na lang ang iiwas than haunt the other team and force them to give us their scroll.

Tumingala ako sa mga naglalakihan at nakakalulang tangkad ng mga puno sa paligid. May mga uwak na naman na nagpapahinga sa mga naglalakihang sanga. Pinagmamasdan muli kami, gamit ang mga matatalas nilang mata.

Kinikilabutan pa rin ako sa matatalim nilang tingin na para bang babala. May pamahiin na kapag nakakita ng maraming uwak ay isa iyong senyales na may mangyayari masama.

Seeing raven is a bad luck.

But there's a raven all over this forest, and it means there will be danger in every part of it. Walang ligtas na parte. This forest doesn't only means death but hell. Lahat ng patayan ay nagaganap rito.

"Saan tayo mag-uumpisang maghanap? Wala akong kahit na anong ideya kung saan makikita ang scroll." tanong ni Anais na dahan dahan hinahawi ang mga halaman sa paligid.

"Noong unang paligsahan, nakakita ako ng scroll na nasa ilalim ng kumpon ng mga halaman. Nakabaon roon. Aksidente kong nakita dahil nagtago ako sa leon na nasa paligid." ani Zarco. Napatingin tuloy ako sa mga halaman.

Bakit ang dali noong sa kanya? Sa akin ay aksidente ko iyong nakita sa ilalim ng sapa.

"Pero ang tagal na nating naghahanap sa mga parte ng halaman at wala pa rin. Mukhang sa mas mahirap na lugar na nila nilagay ang mga scroll." dagdag niya.

"I find my scroll under the lake. Kung subukan kaya natin roon?" sabi ko at bumaling sa akin si Zarco.

"Malayo pa ang lawa rito Khaleerine. Malapit na iyon sa dulong parte kung nasaan ang tore. Matagal pa bago tayo mapunta roon at mas mapanganib, dahil siguradong makakita na tayo ng ibang grupo sa parteng iyon." sagot sa akin ni Zarco.

I nodded at him because he has a point on it. Malayo pa nga pala iyon.

"Kayo? Sabihin niyo kung paano niyo nahanap ang mga scroll niyo at para may ideya tayo kung saan maghahanap." baling ni Zarco sa tatlo. I saw how body's Klein stiffened.

Raven UniversityWhere stories live. Discover now