Kabanata 38

6.1K 264 32
                                    

Kabanata 38:
War

Hindi pa rin nila magawang maabsorba ang sinasabi ko at nakatulala pa rin sa akin. Binalanse ko ang sariling katawan nang may mangyaring pagyanig muli sa lupa dahil sa panibagong pagsabog hindi kalayuan.

Nakita ko ang pag-angat ng itim na usok sa itaas ng mga puno sa kalagitnaan ng gubat. Nakita kong may mga tumatakbong kawal mula sa gubat balak lumabas, pero bago pa sila makalabas ng tuluyan ay may humahaklit na sa kanila pabalik.

"Khaleerine ayos ka lang ba talaga? Nasaan na si Zuriel?" tanong sa akin ni Klein.

Wala akong maramdamang emosyon na nakaukit sa mukha ko. Blanko ang ekspresyon ko dahil sa dami nang nangyari sa lumipas na gabi. Hinarap ko muli ang dalawa.

"Ayos lang ako Zarco. Handa na akong makipaglaban muli ngayon." saad ko at agad na nilagyan ng palaso ang pana.

Zarco is not still convinced on what I said. Sinusuri niya ang kabuuan ko. Nakatitig sa mga mata ko na para bang mababasa niya roon ang totoong kasagutan kung bakit ako nagkakaganito.

"Naroon pa rin ba sila Manuel sa gitna ng gubat?" tanong ko. Si Klein ay nakamasid na rin sa paligid. Naghahanda kung may sakali mang kalaban na sumugod na lang sa amin rito bigla.

"Sila ang nagpasimula noong pagsabog. Naroon pa rin sila at hinaharangan ang mas maraming bilang ng mga kawal para pigilan na makadating rito para masimulan na natin ang hakbang." sagot ni Klein sa tanong ko.

Zarco is still examining my movement. Hindi sapat ang sinagot ko sa kanya kanina. It seems that he wanted to throw me a lot of questions but he's refraining to do it. Alam naming parehas na hindi ito ang tamang oras para sa komprontasyon tungkol sa isiniwalat ko.

May laban pa kaming kailangang ipanalo. At sa pagkapanalo na iyon nakaalalay ang buhay naming lahat. Kaya kailangan ko ring ipansatabi kung ano ang bumabagabag sa akin ngayon.

"Tayo ang haharap sa mga kawal at mga myembro ng konseho? Then let's start lessing their number now." sabi ko at inayos na ang pagkakasukbit ng sandata sa balikat.

"Let's go. Tayo na lang ang hindi nagsisimula. Kapag nahuli tayo ay mahihirapan ang ibang grupo." si Klein at agad na kaming tumakbo patungo sa direksiyon kung nasaan iyong mga gusali. Agad kong nakita ang isang kawal na papalapit sa puwesto namin. Pinakawalan ko ang arrow mula sa pana at tumama iyon sa paa niya.

Bumagsak siya sa lupa na humihiyaw sa sakit at sapo ang paa. Ako ang nasa gitna ng dalawa. Agad ko nang inaasinta ang mga nasa malayo pa lang na kawal na sumusubok lumapit sa amin para pigilan kami.

Nagpapakawala ako ng mga palaso sa loob ng kisap mata kaya walang tuluyang nakakalapit sa amin ngayon. Malalaki ang hakbang namin.

"Sila Fury at iba pang grupo ay patungo sa tore para pakawalan iyong mga nakulong roon. Kasalukuyan na silang sumusugod ngayon." saad sa akin ni Klein habang tumatakbo kami.

Hindi ako sanay na kaming tatlo lang ang magkakasama. Naalala ko si Lovelace. Lagi pa akong tumitingin sa tabi ko at hinihintay ang tinig niya na marinig pero walang dumadating.

Nakakaramdam ako ng kurot sa puso ko nang mapapagtanto na wala na pala siya rito. Humigpit ang hawak ko sa sandata.

I inhale a breath.

Nang makarating kami sa bulwagan ay doon na kami totoong nasubok sa pakikipaglaban. Lumapit sila Zarco habang ako ay ilang metro ang layo sa kanila para pakawalan ang mga palaso sa mga kalaban. Panay ang pagbaling ko sa iba't-ibang direksiyon para patamaan iyong mga lumalapit sa akin.

Napasinghap pa ako ng may bumato sa akin ng malaking bato. Muntik na akong matamaan noon sa ulo kung hindi lamang akong mabilis na humakbang paatras.

Raven UniversityWhere stories live. Discover now