Kabanata 2

11.5K 526 22
                                    

Kabanata 2:
Escape

Marahas akong pinakawalan ng mga bantay. Bahagya pa akong dumaing dahil sa pagtama ng puwet ko sa matigas na lupa. I look at them with shooting daggers. Tahimik pa rin ang paligid. Ambriel even look dumbfounded on that man's decision. Kahit naman ako gulat roon.

I don't want to die but if they will kill me, I don't have a choice but to fight. Inis na humalukipkip si Ambriel. Hindi na makatingin rito sa baba. I think she doesn't have the guts to do do that anymore because she's embarrassed. Ngumisi ako.

Zuriel look at me with blank expression in his eyes.

"Why did you change your mind?" tanong ng lalaki kay Zuriel

"Don't question me. Just start the game." ani Zuriel at mabilis na nagbawi ng tingin sa akin. Nilahad ng mga tao sa kanya ang upuan at prente siyang umupo roon.

I slowly stood up. Pinagpag ko ang kamay na meron nang bakas ng putik. I still don't know what game they're talking about. Hindi ko rin alam kung bakit narito ang sa tingin kong daang daang tao.

I look at Zuriel. The man presence feels so dark and intimidating. His aura is screaming power and superiority. He's like a great and strong wall that you don't want to bump with. Kahit ako bahagyang tumiklop ng bumagsak ang tingin niya sa akin.

Who is he? Ang mga nasa taas ay parang mga namamahala sa paaralan na ito. May katungkulan rin ba siya? Kagaya rin ba siya ni Ambriel na walang puso at walang pakialam kung pumatay ng tao? This school is not ordinary. Masama ang kutob ko rito.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa pag-apak ko sa gubat na iyon, sana hindi ko na lang ginawa. I seen two person who just died in front of me twice. The first one is horrible, the woman who was killed by an axe by a mystery man riding a horse. Pangalawa, iyong babae na pinugutan ng ulo sa harap naming lahat dahil sa utos ni Ambriel.

Galit pa rin ako pero hindi ako makagalaw ngayon para pakawalan iyon. I can't move, now that a dark ruthless eyes is piercing in my body.

"Hindi natin gusto na pinaghihintay ang hari. Hindi na rin naman kami nakapaghintay na simulan na ang laro. Kaya marapat lamang na simulan na natin ito. Mga bantay, buksan ang lagusan!" sigaw ng lalaki na nagsasalita.

I heard the creepy sound creaking of the metal. We all turned to the metal grid wall that is currently opening now. Ang pader na ganoon ay parang iyong mga nakakalulang harang sa mga abandonang establisyamento at hindi puwedeng pasukan ng mga tao.

May ilang napasinghap ng makita namin ang mga naglalakihang puno, sa tingin ko ay parte iyon ng gubat. So I'm still here in the death forest? Ang lugar ba na ito ay nasa loob ng gubat?

Pero paanong wala akong narinig na kahit ano tungkol sa ganitong lugar na nasa gubat? Ang alam ko lang ang Death Forest ay para sa mga taong nais tapusin ang kanilang buhay.

I recall what the creepy woman said to me on that room. Walang nakakalam ng lugar na ito. Naalala ko rin iyong usapan, na walang kahit sino na tumapak sa gubat at nakabalik. My chest heaved. Marahas akong suminghap.

Hindi kaya katulad ko rin iyong mga ilang nagtangkang magpakamatay sa gubat at napunta sa lugar na ito? I look around but all the faces of the people here seems unfamiliar. Wala akong kakilala o namumukhaan man lang. They are all a stranger.

"Dito magaganap ang taonang palahok ng Raven University. Labing limang minuto bago lumubog ang araw. Kayo ay papasok lahat sa gubat at maghahanap ng scroll na nasa itaas na bahagi ng bundok. Ang scroll ay naglalaman ng mga sandata na maari niyong magamit at ang pangalan ng inyong magiging grupo. Ang bilang ng grupo ay labing dalawa at bubuuin ito ng tig lilimang miyembro. Ang Aries, Taurus, Gemini, Cancer, Leo, Virgo, Libra, Scorpio, Sagittarius, Capricorn, Aquarius at Pisces." lumalim ang gatla ko sa noo dahil sa naririnig.

Anong klaseng palahok ito? Pinagloloko ba nila kaming lahat? Ngumisi ang lalaki.

"There were sixty scrolls in total but you're all 400 here. So it means all of you won't have it." nagkaroon ng ingay dahil sa marahas na singhapan. My nails graze on my skin on clenching my fist.

"You have 12 hours to find the scroll. May tore sa dulo ng kagubatan at may tao roong pagpapasahan niyo ng scroll. Isasara ang gate pagkaisaktong alas sais at papakawalan rin ng ganoong oras ang mga gutom na mababangis na hayop na nasa pangangalaga ni Barachiel." malademonyong ngumisi ang lalaki at umawang ang labi ko.

"Limitado ang oras at limitado rin ang bilang ng scroll. Kung sino man ang hindi makakuha ng scroll at hindi umabot sa takdang oras ay makukulong sa gubat. Ibigsabihin lamang kung sino ang hindi makakuha ng scroll ay mamatay."

My heart pounded. Nanginginig na ang kamao ko sa sobrang pagkuyom noon.

"The only one way to escape the death forest is to have the scroll. That's the only one rule in this game, aside from it everything is not prohibited. Killing is not illegal. If someone already have the scroll you can steal it and kill him or her to be the new owner. The only salvation is to surrender the scroll to the man in the tower and you'll be finally safe." the man added.

Mas lalong lumakas ang marahas na singhapan at pagpapanik ng iba.

"Hindi ibigsabihin na hindi pa alas sais ay walang mabangis na hayop sa loob. Hindi lang tao ang puwedeng pumatay sa inyo. Remember, this is the death forest. Gubat na puno ng iba't-ibang nilalang na puwedeng kumitil sa buhay niyo. Everyone can kill you."

Kumuyom ang kamao ko. Paano nila nagagawang itrato kami na para bang bagay lang at paglaruin sa ganitong karumal dumal na laro? Are they even a human?

"This is the entrance game of the Raven University. Ang matitira ay ang opisyal na mga estudyante para sa taon na ito. It's for you to choose what will be going to shed, blood or tears? Let's start the game." pumwesto na ang mga bantay na may hawak na parang maliit na kanyon at tinapat iyon sa langit.

I look at the orange sky and ask myself if this will be the last time, I will witness a sunset.

"Don't ever think of teaming up. Remember the saying, Beware! Your comrades can turn as your killer today." the man said in his creepy and chilling tone.

Tumindig ang balahibo ko roon. Wala akong kakilala rito pero kakayanin ko ba na pumasok roon ng mag-isa?

"Saigner!" sigaw niya at pinaputok na ang kanyon sa itaas. Ang kulay kahel na langit ay nabahiran na ng itim. It was like an aesthetic painting that got tainted with a black ink. Nakakahalina iyong tignan kanina pero dahil kulay itim, nagbago iyon at nakakatakot na.

Mabilis na tumakbo ang ilan. They were running like someone is chasing them. They are running like they holding their life to it. Pumikit ako ng mariin. Hindi ba't ito naman talaga ang balak ko noong una? Magpakamatay?

Karma ko ba ito? Dahil dinala ako ngayon sa mas mahirap na sitwasyon na kahit kailan hindi ko naiisip na papatunguhan.

"Ang gandang panoorin ng mga nagkukumahog na taong tumakbo sa gubat at magpatayan sa loob." naglakad lang ako ng dahan dahan na parang hindi nababahala sa paligid. Bumigat ang paghakbang ko ng marinig iyon at nag-ngitngit ang ngipin.

Ako ang tanging nahuhuli. Ang lahat ay nakapasok na sa loob. Nasa dulo ako at pinagmamasdan silang parang mga hayop na nagkukumahog. My chest heaved.

I pity them.

"May dalawang minuto lamang sa pagpasok sa loob. Ang mahuhuli sa tinakdang oras ay mapupugutan ng ulo sa harap naming lahat." ani ng lalaki. Nangangati na talaga ang kamay ko at kanina pa ako iritado sa kanya. Ngumisi ako roon at sumulyap sa kanya na nakatingin na rin sa akin.

Lahat ng taong nasa taas ay nakatuon sa akin. Lahat ay malayo na at sa tingin ko ay ako na lang ang nag-iisang hindi pa nakakapasok. I smirk and lift my two middle fingers in the air and wave it.

Kitang kita ko ang gulat na reaksiyon ng mga naroon. Ang iba ay mas lalong sumeryoso, habang ang iba ay tumalim ang tingin sa akin. I look at Zuriel who still have a blank expression.

"Saigner!" sigaw ko. Kalahating segundo na lang ang nasa orasan bago isara ang lagusan.

Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon, pero nakahanap ako ng ideya habang nakatingin sa mga madidilim niyang mata. I will step outside here alive and kicking. Lalabas akong humihinga pa.

Ngayon ay tumitingala ako sa kanilang lahat.

But I will play this fucking game and fight for my life so they can bow down their head on me when the clock strike at dawn.

Tumalikod ako sa kanila at naglakad lang patungo roon. I'm unbothered at the time. Pagkahakbang ko papasok ay saktong pagsara ng tarangkahan. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtama ng metal sa likod ko at ang bahagyang paglipad ng buhok ko ng hangin.

I look at the forest and it immediately give me a chill feeling. Ang maraming tao na kasama ko kanina ay wala na sa paligid. Sinalubong ako ng tahimik at nakakakilabot na presensiya ng gubat. May mga uwak pa ring namamahinga sa mga naglalakihang sanga at nakatunghay sa akin.

Parang pinapanood na naman ako. Hindi kalayuan ay nakita ko pa ang iba na tumatakbo. Wala akong ideya kung paano magsisimula. Ni hindi ko alam kung saan maghahanap ng tanginang scroll.

I just walk in my instinct. Dumiretso ako. Nakakailang hakbang pa lang ng makarinig ako ng malakas na pagsigaw. Lumipad ang mga uwak na nabulahaw roon. Namilog naman ang mata ko at agad na nagtago sa puno.

The loud scream was followed by the wild growl of an animal. My eyes widen. Isang mahabang sigaw ang nangyari at biglang tumahimik ang paligid. My whole body tremble on that. Lumapit ako sa puno at nanghihina na napasandal roon.

Napapikit ng mariin at tumingin sa mga kamay at tuhod kong nangangatal.

"Shit! Nasaan na ang tapang mo ngayon Khaleerine?" saad ko. Kagagawa ko lang ng prinsipyo pero bakit ganito na agad ang inaakto ko?

Kinuyom ko ang kamay at agad na inayos ang tuhod. Sumilip ako sa likod ng puno at agad napasapo sa bibig nang makita ang isang malaking oso hindi kalayuan. The nose of the bear is moving, like he's finding a scent. Nang akmang babaling ang ulo sa akin ay mabilis akong nagtago sa likod ng puno.

I look around to find anything. Iyong bagay na puwede kong ipangdepensa. Kinaawaan ko ang sarili at halos maiyak ng bato lang ang makita. Ilang malalaking bato ang meron sa tabi ko? Mamatay ba ang oso kung ibabato ko ito?

Kahit gaano karami parang hindi pa rin ako mananalo laban roon. So I just hold my breath and make sure that I didn't create any noise. Hanggang sa palayo na ng palayo ang tunog ng oso.

Muling tumahimik ang paligid at nakahinga ako ng maluwag. Sinigurado ko na wala na talagang tao sa paligid bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Kumuha ako ng ilang bato at malaking dahon para paglagyan noon. Kaysa naman wala akong gamiting panlaban. Magtiis muna ako rito.

Saan ba ako makakahanap ng scroll?

Naglalakad ako ng may marinig na kaluskos. Bigla akong naging alerto at lumayo sa mga halaman na gumalaw.

"Shit." I mouthed lowly and get a stone. Mahinang naglalakad papalayo roon. Palakas ng palakas ang kaluskos at patindi rin ng patindi ang kalabog ng puso ko. I hold my breath again.

The plants creates a noise again. Para bang may papalabas na roon. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang duguan na kamay. Dahan dahan na humawi ang halaman at napasapo ako sa bibig ng makita ang isang lalaki na umaagos ang dugo mula sa ulo.

"T-Tulong..." he said almost inaudible. I screw my eyes shut and bit my lower lip harshly. Nasa dulo na ng dila ko ang pagsigaw. Mahigpit lang na pinigilan iyon nang mabigat na huminga ang lalaki at bumagsak sa lupa. Nasulyapan ko ang isang lion na kinakain ang gumagalaw pa na tao.

Before he can even smell and look at my direction, I immediately run away from it. Hindi ko na kailangan pang mag-isip ng kung anong dapat gawin. Tumakbo na ako. Dahil sa bilis noon ay nahulog ang ilang bato na dala dala ko.

I can heard the thrumming sounds of my heartbeat in my ears as I run like my life depends on it. If I will stop, I will die.

Pagak akong tumawa. A laugh that mocking myself. Kanina kinakaawaan ko sila sa pagtakbo ng nagkukumahog papasok, pero sa tingin ko tama iyon dahil kung tatakbo kayo ng marami at makasalubong man ng mga mababangis na hayop, hindi ikaw ang nagiisang puntirya.

Marami kayo at mas mataas ang tsansa na mabuhay. Hindi katulad ko na nag-iisa ngayon at mababa ang porsyento na makaligtas. Lumingon ako sa likod ko at halos makahinga ng maluwag na malayo na ako sa kinaroronan at walang lion na nakasunod.

I just gasped harshly when my feet twisted in one of the vines in the ground. I stumbled on the ground and I whimpered when my back limped in a hard body of a tree

"Shit!" singhal ko. Agad na nabahiran ng buhangin at dumi ang damit. Mabilis akong tumayo. Naalarma dahil nakalikha ako ng ingay at baka may hayop na nakarinig noon. I immediately crawl to hide in a tree and cover myself in a bigger plant. Humilig sa katawan ng puno at tahimik na dumaing para sa likod ko.

"Makipagtulungan ka sa akin. Magtiwala ka hindi kita papatayin." napaayos ako bigla ng upo ng may marinig na tinig. Dinilat ko ang mga mata at nakita ang isang lalaki na dalawang metro ang layo sa akin. May babae siyang kaharap.

"Tratraydorin mo lang ako. Lumayo ka!" sigaw ng babae. Gusto ko siyang suwayin na huwag gumawa ng ingay pero hindi ako nakapagsalita. Mas lalo lamang akong nagtago sa likod ng mga naglalakihang halaman. Tinutukan ng babae ang lalaki ng patalim. I gasped lowly when my gaze dropped on her left hand.

It was a scroll. Nakakuha na siya?

"Ito para maniwala ka sa akin." ani ng lalaki at may kinuha sa gilid niya na nakabalot na tela. Nagulat muli ako ng makita ang isang scroll.

Saan sila nakahanap noon?

"I wouldn't betray you. See I already have a scroll. Kaya sa tingin mo ano bang motibo ko sayo? Parehas tayong may scroll kaya magtulungan na lang tayong makalabas rito." ani ng lalaki. Kinukumbinsi ang babae. The girl look stunned. Biglang lumambot ang tapang na nasa mata niya at dahan dahan na binaba ang patalim.

"S-Sige. Hindi ko rin naman kayang mag-isa ito. Magtulungan tayo." nakahinga ng maluwag ang lalaki roon at ngumiti.

"Salamat. Anong pangalan mo? Simula ngayon ay magkakampi na tayo. Pangako, hindi kita tratraydurin. Ako si Edgar." naglahad ng kamay ang lalaki.

"Ako si Vanessa. Nagtitiwala ako---" nanlaki ang mata ko ng akmang tatanggapin ng babae ang kamay ng lalaki nang mabilis na humugot ang lalaki ng patalim at sinaksak diretso sa dibdib ang babae.

I clamp a palm over my mouth in complete shock.

"A-Ano?"

"Sinabi kong hindi kita tratraydurin pero wala akong sinabing hindi kita papatayin." ngumisi ang lalaki. Nalasahan ko na ang parang metal sa labi ko dahil sa mariin na pagkagat sa labi para lang pigilan ang pagsinghap nang mas lalong ibaon ng lalaki ang patalim.

The girl coughed blood. Binawi ng lalaki ang patalim at naghihingalong bumagsak ang babae sa lupa.

"You're easy to fool. Hindi ka talaga magtatagal sa larong ito." ani ng lalaki. He's evil. May scroll na siya kaya ano pa ang dahilan niya para patayin ang babae?

Nasagot lang ang tanong ko ng ibato niya ang scroll na tumutukoy niya kanina. Doon ko napagtanto na peke iyon at isa lamang kawayan na nakabalot lang ng tela. Ngumisi ang lalaki at mas lalo pa akong nagtago sa mga halaman.

I'm hoping now that he wouldn't see me. Kaya ko namang dumepensa pero dehado ako dahil may patalim siya habang ako ay ilang bato na lang ang naririto. Ngumisi siya at lumapit sa babae. Kinuha sa kamay noon ang scroll.

He stood again and he slowly open the scroll but he screamed when he opened it and he was bitten by a snake. Kahit ako ay nasurprisa sa nakita. Sumigaw ang lalaki at dumadaing na napahawak sa palapulsuhan niyang dumudugo na ngayon.

"Peste!" sigaw niya at mabilis na kinuha ang patalim. He stabbed the snaked on the head that within minute it died. Sigaw siya ng sigaw habang hawak ang sugat.

"Bwisit!"

"We're even. You betrayed me and you have your karma." mahinang sabi ng babae na buhay pa pala. The man look at him sharply.

"Tahimik!" sigaw niya at hindi ko na tinignan pa kung anong ginawa niya sa babae.

I know I am brave, but I'm not use to see horrible killings and death people with full of blood that I'm trembling now. Halos hindi ko magawang buksan ang mata, pero gusto kong makasigurado para sa kaligtasan ko.

Napalunok ako ng makita ang babae na may nakatarak na punyal sa leeg. Ang lalaki ay sinusubukang balutan ang sugat ng tela na dala niya. Biglang bumagal ang paligid at nahigit ko ang hininga pabalik ng makita ang lion sa likod niya.

Mas lalo ko lamamg tinakpan ang bibig. Then I mouthed a prayer. Nag-iwas ako ng tingin at tinuon lang ang mga mata sa kamay ko. The man screamed and I heard the growl of the lion. Sigaw siya ng sigaw hanggang sa makarinig ako ng pagbale, pagunat, pagkagat at mabigat na paghinga.

Bahagya pang napaigtad nang tumalsik malapit sa akin ang dugo. Nanginginig na ako sa takot. I can't breath anymore.

Gabi na at halos hindi ko na makita ang paligid.

Tuluyang lumubog ang araw at hindi pa makapasok ang liwanag ng buwan dahil sa mga naglalakihang puno. It was so dark and that's what I feel right now. I can't breathe in total darkness. Wala akong makitang kahit ano kundi pagrinig lang ng mga nakakakilabot na tunog.

Dito na ba matatapos ang lahat?

I look at the sharp eyes of the lion who's eating the man mercilessly. Nanunuyo ang lalamunan ko habang naririnig ang pagkain niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang bato at hindi gumagalaw. Hindi naman siguro niya ako makikita? Pero paano kung maamoy niya ako lalo na at malapit lang.

I can't stay here. Maingat akong gumalaw sa pinagtataguan. I just stop when I feel something moving on my feet. I creased my forehead and I suck a breath when I saw a snake. My body stilled and before I know it, I hit the head of it with the stone until it stop moving.

Nakalimutan ko na may lion nga pala sa harap. I stop hitting the snake when the lion growled. Ang kumikinang noong mata ay nakatuon na sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I feel like I'm having a heart attack in the violent pounding of my heart.

"Damn it." mura ko ng tumayo at sinunggaban niya ako. Napatili ako.

Bumagsak ako sa lupa at napahiga. Rinig ko pa ang pagbale ng sanga sa likod ko. Tumili ako ng tumalsik sa akin ang dugo nang humiyaw siya. I hit the lion with the hard stone. Kaso hindi ko siya matamaan sa ulo dahil sa pag-iwas mula sa bungaga niya.

Umawang ang labi ko ng banggain niya ang kamay ko at tumalsik ang bato.

"Shit." I cursed. Kumapa muli ako ng bato at pinatama sa kanya. Binato ko siya ng ilan at malakas siyang humiyaw.

Napalayo siya sa akin ng matamaan ko ang isa niyang mata. I whimpered loudly when his nail cut my skin in my arm. Ramdam ko ang hapdi at pagdaloy agad ng dugo noon. Kumapa muli ako ng bato para patuloy siyang batuhin at tumakbo siya palalayo sa akin.

But I froze when I can't hold anything. Wala akong makapang kahit na ano. Suminghap ako. Sinubukan pa sa malayo at baka tumalsik lang ang mga bato. Pero nahigit ko ang hininga ng maalala na nahulog nga pala ang iba noon kanina sa pagtakbo ko.

I mouthed a series of profanities.

"Shit." saad ko ng sumunggab muli sa akin ang lion. Hinawakan ko lang siya sa gilid ng ulo para ilayo sa akin ang pangil niya.

Ang mga uwak ay lumilipad papalayo sa amin dahil sa ingay ng hayop. I whimpered loudly when my wounded arm was hit by his nails again. Napahiyaw ako sa sakit noon. Parang may bumaon na pako sa braso ko. Habang ang isa niyang paa ay kinakalmot ako sa binti. Sinuntok ko iyon at napahiyaw siya.

Pumasada ang kamay ko sa bulsa. I winced when my hand was cut on something. Bumagsak ang tingin ko sa bulsa at kumislap ang bubog na naroon. Then I remember the shattered glass. I get one part of it and I slid it inside my pants.

Biglang nagkaroon ng pag-asa sa akin. Gamit ang isang kamay ay pinigilan ko ang mukha niya. Hinugot ang basag na parte ng baso roon kahit na nahihirapan ako. Muli akong nasugatan sa pagkuha noon.

But when I succeed on bringing it out, I quickly stabbed it on his neck. Pumikit ako ng marin ng dahan dahan na ihiwa iyon sa leeg niya. Humiyaw ang leon at ramdam na ramdam ko ang pagtalsik ng dugo niya sa braso at mukha ko.

Marahas siyang nagpumiglas kaya mas lalo kong binilsan ang kilos. I cut his neck until he's not moving anymore. Nang bumagsak siya sa gilid ko ay nangangatal ang buong katawan. Napatulala ako sa madilim na langit.

Habang ang mainit na hininga ng lion ay tumatama sa braso ko. I was dumbfounded for seconds. I can't believed it. I can't believed I killed a lion.

I don't want to be anyone's killer. Hindi ko gusto ang ginawa pero hindi ito ang oras para mamatay. I quickly stood up before some animals arrive here. Maraming dugo sa paligid at alam kong malakas ang amoy noon. I get the stone and the shattered part of the glass.

Then I run. Tumakbo ako ng tumakbo papalayo roon hanggang sa mapagod ako. Hinihingal ako sa lahat ng nangyari.

Hanggang sa mapahinto ako ng makarinig ng lagaslas ng tubig at ang mahinang tunog ng alon.

Sobrang lagkit ng katawan ko dahil sa dugo na bumabalot rito. Idagdag pa ang sugat ko na humahapdi na. I need to treat this. Hindi ako mamatay sa lion pero mamatay ako sa pagkaubos ng dugo.

I follow the sounds of the water and it lend me into a river. My mouth parted when I saw the sparkling water. Wala nang puno sa lugar na iyon kaya malaya ang sinag ng buwan na tumatama sa tubig.

Inikot ko ang paningin sa paligid. Sinisigurado na walang hayop o tao. Mahirap na kung lalapit ako roon. Wala akong madamang kahit ano kaya sa tingin ko ligtas na lumapit.

Mabilis akong sumakop ng tubig ng makalapit. Even it's dark, I can see the pristine and clear water from the lake. I winced when I wash my wound with water. Dahan dahan akong lumusong para mahugasan ang buong katawan. Wala akong ideya kung anong oras na pero sobrang dilim na ng paligid.

Ang sabi nila ay maghanap ng scroll? Paano namin iyon magagawa kung madilim ang paligid. They're all stupid.

I need to clean myself so the wild animal can't smell the blood scent in my body. Kailangan ko ring magamot ang sugat, hindi ako makakapagdepensa ng mabuti kung may iniinda.

Huminto ako sa paglubog nang hanggang dibdib na ang tubig. Siguro ay sapat na ito. Kung may hayop man o tao na dumating ay maitatago ko ang sarili sa ilalim ng tubig agad agad. I started to wash my body. Binalot ng tela ang sugat sa braso.

Dumadaing ako sa sakit noon. Pinapakalma ng tubig ang katawan ko pero hindi sapat para pawiin ang sakit. My feet was on the ground of the lake.  Nagtaka lang ng may biglang makapa ang paa sa ilalim. Inalam ko kung hayop ba pero bahagyang matigas at magaspang iyon na parang kahoy.

In my curiosity, I plunged myself under water after I tied the cloth in my arm. Mabilis na binalot ng lamig ang katawan ko. Muntik pa akong makalunok ng tubig nang mapasinghap sa gulat ng makita ang scroll na siya palang nakakapa ng paa ko.

Namilog ang mga mata ko. Mabilis na kinuha iyon. My heart is pulsating out of control in shock. Mabilis akong umahon at tinignan ng mabuti ang scroll sa sinag ng buwan.

I am still schock. Hindi makapaniwala sa kung anong nakuha ko.

"Do you know that washing your wound in the water is a wrong move?" I flinched in surprise when I heard a baritone voice.

Napaigtad ako sa gulat.

Nakita ko ang isang lalaki na isang metro ang layo sa akin.

My breathing hitched when my eyes landed on his topless body. Hindi ko naramdaman na lumapit siya sa akin! Wala akong narinig na kahit ano kaya sobra ang gulat ko sa biglaan niyang pagsulpot! Mabilis ko siyang tinutukan ng bubog. Patibong na naman ba 'to?

Akala ko suwerte na ako sa pagkahanap ng scroll na ito pero nagkamali ako. Hindi pala talaga madali.

"Even a human like me can smell the blood. Paano pa ang mga hayop sa paligid? Mamatay ka ng maaga?"

"Who are you? Huwag kang lalapit!" banta ko.

"Don't worry, I'm not an enemy but I'm not an ally also. But whoever I am, I will still look a killer to you anyway. Wala rin palang saysay ang pagpapakilala." ngumisi siya at kita ko ang pagkinang ng ngipin niya na parang perlas sa ilalim ng buwan.

I don't have any idea who's this guy. I haven't seen his face at the bunch of people a while ago. Hindi ko rin siya nakita doon sa grupo ng parang may katungkulan sa paaralan na ito. Kaya sino siya kung ganoon?

Hindi siya kabilang sa mga taong nasa laro na ito. But why is he here?

"I will help you escape here. Kahit hindi mo ako pagkatiwalaan gagawin ko pa rin." narinig ko na ang una niyang pangungusap kanina.

Narinig ko na iyan kanina pero pagtratraydor lang ang nasaksihan ko.

Pero iyong sumunod niyang pangungusap, parang nagpatigil sa akin na huwag isipin na masama ang balak ng lalaking ito.

Raven UniversityWhere stories live. Discover now