Kabanata 5

9.7K 484 95
                                    

Kabanata 5:
Pride

"Pagsasanay? Sinong magtuturo sa atin kung ganoon?"

"Ang nakikita niyo ngayong mga nakahilerang myembro ng konseho sa taas ay siya mismong magtuturo sa inyo sa paggamit ng sandata." ani noong Hasmed at nilahad sila Ambriel sa amin. Nagsalubong ang kilay ko.

"What the hell?" reaksiyon ko at ganoon rin ang ibang kasama ko rito.

"You're kidding me! Paanong sila ang magtuturo sa atin?" si Anais rin at humigpit ang hawak ko sa palasong hawak.

"Don't over react students. Sila talaga ang magtuturo sa inyo kung paano gumamit ng sandata. Pupunta na sa inyo ang bawat maestro at maestra ng bawat grupo." I hissed on it. Totoo ngang pinaglalaruan lang nila kaming lahat.

Sobra na talagang naiipon ang galit ko. I sigh heavily. Malaki ang malademonyong ngisi ni Ambriel ng maglakad siya pababa mula roon sa taas. May pakiramdam akong may masama siyang balak.

She's looking at me while wearing that smirk so I think her bad plan is for me. Dahil sa pagkakaalam ko matindi ang galit niya sa akin.

The feeling is mutual anyway.

"Huwag kayong mag-aalala. Pinagbabawal para sa mga maestro o maestra na manakit ng kahit sinong estudyante. Kapag ginawa nila, kami mismo ang papatay sa kanila." ani noong Hesmed.

"Kung ganoon puwede bang manakit ang estudyante ng maestro o maestra?" tanong ko at nanlaki ang mata nila Lovelace.

"Khaleerine!" saway nila pero seryoso ako sa tanong ko. Si Ambriel ay parang bulkan na roon na malapit ng sumabog sa sobrang pagkapula. Kumislot naman ang labi ni Zuriel. Amusement dance in his eyes and I'm surprised to see that his blank expression vanish.

"Malaya kayong subukan. Walang pumipigil sa inyong gawin iyon. Don't underestimate the member of the higher council. They can kill you in jusr a single snap." banta pa noong Hesmed at pinilig ko ang ulo at nagkibit balikat roon.

Nakababa na ang mga myembro ng konseho at huminto si Ambriel sa tapat namin.

"Ako ang magtuturo sa inyo." ani Ambriel. Nagsalubong ang kilay ni Zarco at Klein. Habang si Anais at Lovelace ay naging seryoso at bumaling sa akin.

Ngumisi ako.

"Nice to meet you Maestra." sarkastiko kong pagbati para asarin siya at kitang kita ko agad ang apekto noon sa pagngitngit ng ngipin niya.

"Pumwesto kayo sa tapat ng puno na iyon. Uunahin kong turuan si Khaleerine." aniya na pilit pinapanatili ang ngisi sa labi. Kahit parang gusto niya ng hilahin ang buhok ko.

Hindi ako nagsalita. I keep my taunting smirk on my lips. Hindi ako natatakot sa kanya.

"Is that ironic that you are teaching us?" I ask as I hold the bow and arrow. I put an arrow on it and lift the bow. Tinapat ko iyon kay Ambriel. Nagkatingin lang siya ng diretso sa akin. Habang sila Anais at Lovelace ay namumutla na para bang aatakihin na sa ginagawa ko.

"I'm doing this for satisfaction. I will just teach you how to use a weapon but don't expect that I will teach everything, because after all who ever is the last human standing on all of you will face me. And I will really satisfied if I will kill my own students. Lalo na ikaw Khaleerine." she said the last sentence in her sweetest tone.

"Really? I will be happy to pierce you using this arrow too when that time comes." ngumisi ako sa kanya at nagtiim bagang siya.

"Put down your bow Khaleerine." si Zarco. Huminga ako ng malalim bago gawin iyon.

Raven UniversityWhere stories live. Discover now