Kabanata 13

7.4K 354 5
                                    

Kabanata 13:
Wolves

"Don't intrigued her now. Let's go." halos hindi ko na marinig ang malakas na pagbusina mula sa taas hudyat na kailangan na naming pumasok sa loob ng gubat.

Huminto sa pagtingin sa akin ang apat at naging seryoso muli. Mukhang naalala na may kailangan pa kaming kaharapin na Death Friday.

"Saluer Libra!" sabay sabay naming sinabi habang ako ay tulala pa rin. I was in a dazed as I run towards the forest. Pilit kong isinasantabi sa isip ko iyong pumapasok sa isip kong rason.

It was so impossible, that I feel like assuming something. Kaya pilit ko iyong hindi tinatanggap sa isip ko.

Imposible na sinabi niya iyon para....

Pinilig ko ang ulo.

Labing isang team na lang ang natitira at lahat ng team ay papasok sa iba't-ibang parte ng gubat, kaya kami lang ang pumasok sa entrada na iyon dahil ang ibang team ay sa iba dumaan.

Agad kaming nahirapan sa pagkilos lalo na at nagsisimula nang dumilim ang lugar. Wala pa namang mababangis na hayop sa bungad pero kailangan pa rin naming mag-ingat.

"Magsisimula na ba tayong ikalat ang sinulid?" tanong ni Anais. We're all wearing a cross body bag that is made in crocodile skin kaya makapal at bahagyang mabait. Naglalaman iyon ng pagkain, tubig, sinulid, at salamin na gagamitin namin.

We also had a flour powder. Sinuhestiyon ko iyon kay Zarco na magagamit namin rito kapag nagdilim na.

Maari kaming maglagay ng mga harina sa mga daan na nalagpasan namin para kung sakaling maapakan ng mga kalaban, makikita namin ang mga hakbang nila kahit sa madilim na paligid. We can trace the enemies footsteps. So we can knew if they're around us.

Dahil naisip ko na madaling malaman ng kalaban ang estratehiya namin sa lubid. They all have weapons so they can cut the thread if they will found out it's a way for us to know if there's an enemy, kaya kailangan naming mag-isip pa ng isang plano at paraan para maiwasan ang kalaban.

"You are so brilliant Khaleerine! Anong ginawa mong kabutihan noon na biniyayaan ka ng ganiyan?" si Lovelace na kumikinang ang mga mata pagkatapos kong sabihin iyong tungkol sa isa pang plano.

Natahimik ako sa tanong niya at ngumiti na lang kalaunan. Mabuti? I wonder if I do something good in my past life. Dahil sa kasalukuyan kong buhay, pakiramdam ko ang dami kong maling nagawa.

I'm not a good daughter. I was a rebel daughter since my sister died. I was my parents head ache in my every issues. Noong huli, naakusahan ako at hindi sila naniwala sa akin kahit na nagpaliwanag ako. I was hurt on that. Naisip ko pa na, anak ba talaga nila ako pero bakit hindi nila ako magawang paniwalaan?

But I realized that I couldn't blame them for not believeng me since I violated all of their rules. Siguro ang tingin nila noong mga panahon na iyon ay nagsisinungaling lang ako para iligtas ang sarili.

How ironic is it? Kung kailan ako nagsisinungaling doon nila ako pinaniwalaan, pero iyong huling beses na kung saan doon na ako nagsabi ng totoo, hindi sila naniwala sa akin. Siguro napagod na sila sa pakikinig sa mga salita ko. That they see all my words as a lie and nothing is true on all of it.

I smiled bitterly.

Kamusta na sila ngayon? Are they still grieving? Ganoon din pa kalala ang pagdadalamhati nila sa akin katulad noong namatay si Ate?

I don't think so.

Ako na ang sumagot sa sariling katanungan.

"Khaleerine!" napakurap kurap ako ng malakas na tawagin ni Zarco ang pangalan ko. I gasped.

I was preoccupied that I forgot where am I.

"Are you okay?" nag-aalal na sabi ni Lovelace at nakabalik ako sa kasalukuyan. Tumango ako.

"Ano iyong sinasabi niyo?" tanong ko at hinilot ang sentido. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

"Zarco said we can put a flour here now. Masyado na tayong nakalayo sa entrada. Kahit hindi tao ang tumapak rito ay puwedeng hayop na walang kamuwang muwang ang aapak rito. Para malaman natin kung may mabangis na hayop na susugod sa atin." si Anais. Tumango ako roon.

"Kaninong harina ang gagamitin natin?" tanong ni Lovelace.

"Sa akin na lang muna." si Klein na nagpresinta. He poured the floor in the ground. Kinalat niya iyon. Pagkatapos naming gawin iyon ay nagpatuloy kami sa paglalakad.

Sinusulit na namin ang katiting na natitirang liwanag para tumingin tingin sa paligid. Lahat kami ay walang ideya ngayon kung saan maghahanap ng scroll dahil sobrang dilim na ng lugar kapag tuluyan nang nag gabi. We can't see anything on the tree branches aside from the ravens that is rested on it.

Nagmamasid na naman sa amin gamit ang matalim at misteryoso nilang mga mata. Kung araw nga ay nakakapanindig balahibo na ang presensiya ng gubat ay mas lalo na kapag gabi. It giving me a feeling that someone can attack us any minute, kaya ganoon ka ingat ang pagpapakiramdam ko sa paligid.

"I still wonder why Zuriel said it to you. Hindi ba't parang tinulungan niya tayo?" si Klein. I suddenly straightened my back when he open that topic. Iyon ang pinakaiiwasan ko.

Ayoko na sanang pag-usapan pa iyon pero sa tingin ko wala na talaga akong kawala pa.

"I'm thinking if he's just concern on us because he's the higher rank who's assigned on us." si Anais.

"Imposible iyon. He's the highest rank. Lahat sila ay gusto lang tayong paglaruan. Pare-parehas silang walang puso at walang awa kaya bakit niya tayo tutulungan?" Zarco's brows were furrowed while he's saying those words.

Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko ng marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya.

Walang puso at walang awa?

Iyon rin ang tingin ko sa kanilang lahat noong una. But I don't know why I can't see Zuriel as that anymore. Whenever I look at his eyes even it was so dark and intense, I can't see anything bad on it.

He's not a good person I know, but I saw him as a person who won't sinned that bad. Nagkakasala siya katulad ko pero hindi siya sobrang samang tao. Napayuko ako sa iniisip.

I feel guilty suddenly on thinking this way. I feel like I'm not just betraying my comrades but also betraying my own principles. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin kung malaman nilang ang tingin ko sa kalaban ay mabait at hindi masamang tao?

What would they think of me if they would found out that I'm talking to Zuriel comfortably like we're friends. Like we're... close.

How would they react if they found out that I can't see him as an enemy anymore! Iyon ang katotohanan na napagtanto ko kagabi lang.

Katulad ng dati, hindi muli ako nakatulog kagabi sa pag-iisip muli ng mangyayari ngayon.

Inisip ko kung saan ba ang patutunguhan ng lahat ng plano ko. What if we'll succeed, kaya ko bang kaharapin si Zuriel kagaya ng banta ko sa kanya noong una?

I know I said I won't kill no matter what, but I threatened him that I will hurt him to get the sweet escape we all wanting here.

Pero iisipin ko pa lang na tutukan ko siya ng pana ay nanghihina na ako at hindi ko na kakayanin pa. Parang hindi ako makahinga nang naisip ko iyon kaya agad kong tinigil.

Galit ako sa kanya noong una dahil sa puwesto niya rito sa unibersidad. I hate him because he's one of those higher council who are seeing us as a toy and not a human. Naguumapaw pa nga iyon pero sa bawat paglipas ng araw parang unti-unti iyong natutunaw.

Sa bawat pagkakataon na magkakausap kami, everytime my eyes darted on him, everytime I hear his voice and I everytime I will see him, my hate is subsiding. At ngayon, parang hindi ko na mahanap pa ang galit sa kanya.

That hate in my chest suddenly vanish and it was replaced by something light that is overwhelming me.

"I think it was slipped on his mouth. Ano bang nangyari noong makausap mo siya Khaleerine?" I suddenly jump when Zarco turned to me. I was stunned on his question.

"S-Sinabi ko lang na hinahanap ko iyong palaso ko na nawala. We just talk why I am there. Papaalis na ako ng sabihin niya iyon sa akin."

"Papaalis? Kung ganoon hindi nadulas si Zuriel. What would it slipped on his mouth if he knew that Khaleerine will leave. Parang sinadya niyang sabihin." inosenteng saad ni Anais.

My chest heaved on that. Parang mas lalo lamang silang naintriga roon sa narinig mula sa kanya. Nanlalamig na ako. Para bang isa akong krilminal na iniimbestigahan ngayon at kaunti na lang ay mahuhuli na ako at masasakdal sa kasalanang nagawa.

"Kung ganoon bakit niya iyon sinabi? Why he let us know that? Tayo lang ang nakakaalam na gabi ito gaganapin." si Klein.

Tumagal ang titig sa akin ni Lovelace at Klein na naiilang na ako kaya bumagsak na lang ang tingin ko sa palaso.

"Imposible iyong mangyari. There's no room for it here. But you have an extreme beauty that can conquer everything. Kaya may posibilidad." si Lovelace na halos tunawin ako sa titig niya sa akin.

"Forget that. We have principles here. Kung tama man ang mga hinila niyo na may gusto nga siya kay Khaleerine. It's useless." my eyes widen when Zarco mentioned a word who I can't accept in my mind as Zuriel's reason.

Gusto?

It make my system shake on saying that word on my mind. I can't believe it. Hindi rin ako naniniwala na iyon ang dahilan ni Zuriel.

Pero kung hindi iyon, ano pa ba ang puwedeng dahilan di ba?

Wala akong maisip.

"Khaleerine is smart! She won't be fooled by that man. Sa ating lima na narito, siya ang may pinaka matibay at pirmi ang prinsipyo na makakalaya tayo."

I don't know why my chest suddenly feels heavy when Zarco said it. Dinagdagan pa ni Klein.

"I think he just likes Khaleerine for his needs. Gusto niya lang kuhanin si Khaleerine, for his own benefit, you know manly needs. Kung may gusto nga talaga siya hindi seryoso at iyon lang."

"Kaya hindi talaga maloloko si Khaleerine ng lalaki na iyon. He's just making a trap for you to fall Khaleerine. Sinabi niya lang ito sayo para mabago niya ang tingin mo sa kanya."

Hindi pa ba?

I think without Zuriel trying to fool me, my impression on him will automatically changed. He's different on my eyes now.

Biglang sumikip ang dibdib ko sa lahat ng sinasabi nila.

"Forget it. I'm thinking about the possibility that he has that motive too that's why he told it to me. Hindi niya ako maloloko. Huwag na tayong magsayang ng oras na pag-usapan pa iyan. Magpatuloy na tayo."

There's a kick of bitterness in the end of my tongue when those words slipped on my mouth. I inhaled a breath. Ako na ang naunang maglakad para malagpasan silang lahat.

I'm not comfortable in that topic anymore.

They follow me eventually. Nawala ang usapan tungkol roon at nakahinga ako ng maluwag. The sun was totally out now and the moon is shining brightly. We are lucky that it was full moon tonight, kaya malakas ang ilaw na binibigay noon at maliwanag ang paligid.

"Move on your position, Libra." ani Zarco. Mabilis kaming umayos. Katulad ng napag-usapan na posisyon ay kaming tatlong babae ay nasa gitna at ang nasa unahan ay si Zarco habang nasa likod si Klein.

Sa magkabilang gilid ay kami nilang dalawa ni Lovelace. Nasa kanan ako habang nasa kaliwa siya. Kami muling dalawa ang nagmamasid at nakikiramdam sa paligid. Si Anais ang nasa gitna.

"We can start spreading the thread now." ani Zarco.

"Ako at si Anais ang gagawa noon." aniya at hinayaan namin silang dalawa. Iniikot nila ang sinulid sa mga puno na madadanan habang kaming tatlo ay nanatiling nagbabantay.

Hindi namin puwedeng ibaling sa iba ang atensiyon namin kahit saglit lamang dahil puwede kaming mapahamak sa kaunting pagkakamali.

The breeze of air is cold that it add creeps on the presence of the forest. Bahagya akong kinalibutan roon. The cold and eerie feeling is sending me a bad luck feeling again. I just keep avoiding on thinking about anything dark.

Ayoko na muling maulit iyong nahiwalay ako sa kanila. Bukod sa mahihirapan kami ay ayoko na silang pag-aalalahanin pa.

They done on spreading the threads in the trees body. Kaya naman nagpatuloy na kami sa paglalakad habang hawak nila ang lubid.

"Saan tayo maghahanap ng scroll?" tanong ni Anais.

"Sa tingin ko tinatago nila ang scroll sa mga lugar kung saan hindi iyon madaling makita. Sa mga matatalahib at tagong lugar. Like an abandoned well where you find the scroll last time." saad ko.

"May punto si Khaleerine, pero saang tagong lugar tayo maghahanap lalo na at maraming parte rito sa gubat ang tago." sabi ni Klein.

"Uunahin natin sa mga parte kung saan may mga kumpol ng halaman at talahib. I heard that the Cancer and Gemini find their scroll on the bunch of plants. Baka makakita rin tayo roon."

"But I think if some teams already find their scroll on that specific part, kung doon muli nila nilagay ang scroll ay parang madali na para sa kanila na makahanap ng scroll hindi ba? And those higher council hate to make this game easy. Gusto nilang mahirapan tayo kaya siguradong iniba na nila ang puwesto kung saan nakalagay ang mga scroll ngayon. Mas mahirap na." I nodded a bit on what Anais said.

"But there's no wrong on trying too." si Klein naman.

"Sabagay pero mali iyon kung magsasayang tayo ng oras pero walang mapapala hindi ba?" si Anais muli na malumanay naman iyong sinabi pero nagtaaas ng kilay si Klein. Nahinto lang ang pag-uusap nila ng gumalaw ang lubid na hawak ni Anais.

Lovelace and Anais gasped. Habang kaming tatlo ay naging alerto. Pinakiramdaman ko ang paligid, pero sobrang tahimik naman na wala akong makarinig kahit huni ng mga kuliglig sa paligid.

I suddenly feel something weird.

Something's off. Parang may mali sa paligid.

"Cut the thread Anais." ani Zarco sa sobrang hinang tinig. Ginawa iyon ni Anais at malalaki agad ang hakbang namin habang lumalayo. Nag-iingat na hindi gumawa ng kahit anong ingay.

We found a bunch of tall plants. Doon kami lahat nagtago.

"Ako lang ba ang nakakapansin na parang may mali sa paligid?" tanong ko sa mahinang tinig.

"The breeze of air feels weird. Para ngang may nangyayaring mali." sagot ni Lovelace sa sobrang hina ring tinig.

Tumahimik na kaming lahat ng makita na mas lumakas ngayon ang paggalaw ng mga sinulid. We even hold our breath too. Mas lalo kaming nagtago sa mga halaman.

Narinig namin ang lagaslas ng mga dahon. We heard a growled too and I was so stunned to see a sharp glowing eyes in the dark. Sa mga mata pa lang na nakikita ko, alam kong mabangis na hayop na agad iyon. I bit my lower lip to stifle my gasped in shock.

Tama ba ang nakikita ko?

"Oh my god.. Is that a wolf? Tama ba ang nakikita ko? Are they existing here?" si Anais na katulad ko ay gulat na gulat rin sa nakikita ngayon. Klein muttered a cursed under his breath. Habang si Zarco ay mas lalong rumiin ang ekspresyon.

"No, it's just a wild dog. Pero iyong lahi nila parang malapit na ring kamag-anak ng lobo." sagot ni Zarco at napamura na rin.

Kumuyom ang kamao ko. Bakit may mga ganito ngayon dito kung noong nakaraan ay wala naman?

"Paano tayo makakapatay ng ganiyang aso kung ganitong sandata lamang ang hawak natin? They are fast and smart! They haunt everything." ani Lovelace.

Kaya pala sobrang tahimik ng paligid dahil may mga ganitong hayop sa loob. Para bang lahat ay takot at nag-iingat na hindi mahuli ng mga aso na iyon.

"Fuck! It seems that they added a twist in this fucking game. Sa tingin ba nila ay hindi pa sapat ang lion na narito sa loob at naglagay pa sila ng mga hayop na ganiyan!" si Klein.

"Damn it. Parang wala tayong laban kahit gumamit ng lubid para malaman kung may kalaban. Mahahanap at mahahanap nila tayo dahil sa talas ng pang-amoy nila." sabi ko.

All of our expression become hard.

"Maghanda kayo." utos ni Zarco sa maliit na tinig at kumuha na ako ng palaso at itinutok sa mga aso na iyon kung sakaling makita kami.

My eyes squinted when the one dog sniff the thread. Nakatitig lang ako sa kanya ng biglang manlaki ang mata ko ng may mapagtanto.

"Inaaamoy nila ang sinulid para masundan nila ang amoy natin!" mariin kong sinabi sa mahinang tinang.

Marahas silang napasinghap roon.

"Anong gagawin n-natin?" Anais voice shake. I know she's starting to be scared now. I remain compose and serious.

"Kaya niyo bang umakyat ng puno? May lubid kang dala Zarco hindi ba? We will climb in the tree, Lovelace and I will attack them from the top." I said.

"Iyon ang pinakaligtas na gawin ngayon, dahil kung magtatagal tayo rito, mahahanap na nila tayo dahil sa amoy natin."

"Fuck, hindi ko naisip na mangyayari 'to! If I just know we won't use the thread!" si Zarco na tunog nagsisisi.

"It's not your fault Zarco. Kung walang sinulid tayong ginamit. Hindi natin malalaman na paparating na sila. Who knows what happen to us now?" I said.

"Move. Amin na iyong lubid. Ipapana ko iyon sa taas ng puno para may pag-akyatan tayo. Hindi tayo puwedeng magtagal." saad ko. Maingat na nilabas ni Zarco ang lubid na walang nililikhang ingay.

We even stop moving when I heard the dogs growled, and one of them look at our direction. Malakas na rin ang pintig ng puso ko.

Nang maitali ang lubid sa pana ay tumingala ako. Naghahanap ako ng akmang parte kung saan iyon ipapatama. I shouldn't create any noise too or we're doomed.

I inhale a breath when I saw a branch of a tree. I think it's the right place to shot the arrow. I inhale a breath as I angled the arrow on that direction. Pigil ko ang hininga ng pakawalan iyon at tinitignan kong wala ba akong magagawang ingay.

Relief flood through me when the arrow landed and it didn't create any noise. Hinila iyon ni Zarco. Sinisigurado na hindi iyon mababale.

"Mauuna ang mga babaeng aakyat." ani Zarco.

"Hindi mauna kayong tatlo ni Anais. Sa huli kami ni Lovelace at babantayan sila habang umaakyat kayo." sabi ko at tumango na sa akin si Zarco kahit parang nag-aalinlangan pa siyang sundin iyon pero hindi niya na pinahaba pa ang usapan.

The first one who climb the tree is Anais. Inalalayan siya ni Klein. It seems that she's not used on climbing kaya nahihirapan siya. Nang makaapak na siya sa malaking sanga ay sumunod na sila Klein at Zarco.

Pinasunod ko si Lovelace. When it was my opportunity to climb, I suddenly stop moving when one of the dog walk towards my direction. Nakaakyat na silang lahat at ako na lang ang hindi. Hindi muna ako gumalaw.

I am muttering curses in my mind. Pero nakaasinta na ang pana ko kung sakali.

The dog look at the bunch of plants, kung saan nasa likod ako. I sucked a breath.

"Khaleerine.." tawag sa akin ni Zarco.

"Climb now. I will attack him." si Lovelace. Hinawakan ko na ang lubid ngayon. Nasa likod ako ng puno habang nasa harap ang aso. Sinimulan ko ng humakbang. I'm holding the rope tightly. Hindi rin pala talagang madaling umakyat.

I was climbing silently when my foot accidentally slipped on the tree's body. Natanggal ang balat ng puno na gumawa iyon ng ingay. Nanlaki ang mata ko.

All of the dogs turned to me now. They all growled, hindi lang sumilip ang mga ngipin nila kundi kitang kita ko na.

"Shit!" I cursed and I hastily climb the tree when all of the dogs run to me.

"Hilahin niyo!" si Lovelace na nagsalita na rin. She throw a dart on the dogs who's running to me. Nakakailang hakbang pa lang ako! Napasinghap ako ng subukan akong abutin ng isang aso. I lift my foot so he won't bite it.

Hinila ako nila Zarco para makaakyat na rin. But one dog jump that he bite my shirt, napunit iyon sa pagkagat niya. Sinipa ko iyon para makalayo sa akin. He cried in pain. Nakabitaw siya pero may tumalon muling dalawa. He bite my bag and pulled it.

Siniko ko ang isang aso habang ang isa ay pilit akong inaabot.

Tumaas bigla ang tensiyon sa amin. Napasigaw si Anais sa takot at napamura sila Klein!

"Fuck!" sigaw ko at nagpumiglas. Hindi ko magamit ang pana dahil sinusubukan nila akong kagatin. Napigtas ang bag at namilog ang mga mata ko nang bumagsak iyon sa lupa.

"Khaleerine!" nag-aalang sinabi ng tatlo. Si Lovelace ay patuloy sa pagtapon ng mga darts sa mga aso. Sinipa ko muli iyong isang aso na nagtangkang kumagat.

I love dogs that I'm hesitating to hurt them, pero alam ko sa sarili ko na hindi sila normal na aso. Ang lahi ng mga ito ay para ng lobo. They are native in forest, na ganito na lang silang mabangis at imposibleng paamuhin.

Mas lalong tumaas ang tensiyon at kaba ng lahat. Nakarinig ako ng tunog ng pagpigtas at nanlaki ang mata ko. Fear bled in Zarco's face. Nakita ko ang lubid na malapit ng mapigtas.

Tumatahol ang mga aso na nasa likod ko. Sinipa ko iyong isang sinubukang tumalon. Malapit na akong makaakyat.

"Abutin mo ang kamay ko!" si Zarco at nilahad sa akin ang kamay niya. I tried to reach it, but I'm still a bit far from him. Habol ko ang hininga dahil hinihila ng mga aso sa baba ang lubid at kaunti na lang ay mapipigtas na talaga iyon.

Hindi ko maabot ang kamay ni Zarco. I am reaching his hand when the dogs suddenly cried. Mas lalong bumaba si Zarco at kasabay ng pag-abot ko sa kamay niya ay ang pag pigtas ng lubid.

Napasinghap kaming dalawa at napaiyak si Anais sa tuwa nang umabot si Zarco na hawakan ako.

The dogs were crying and I don't know why. Zarco lift me up and pulled me beside him. Napasapo ako sa dibdib ng makaupo sa puno.

"Are you okay?" tanong ni Zarco sa akin. I am still chasing my breath when my eyes landed below. My forehead creased when some of the dogs are laying now in the ground.

May mga tama ng pana.

Habang ang iba ay tumakbo na papalayo.

"Anong nangyari? Sinong umatake noon?" hindi ko nasagot ang tanong ni Zarco sa pagtataka.

Lovelace seems surprise too as she look at the dogs below.

"H-Hindi ko alam. Bigla na lang may dumating na mga palaso na ang puntirya ay mga aso. Galing ang pana sa kanang bahagi."

We all look at the right side pero dahil sa dilim wala kaming makitang kahit ano.

"Sinong gumawa noon?" I was confused too. Who would help us in this kind of place?

"Shit! Anais!" natigil ang pag-iisip namin ng malakas na sumigaw si Klein. Then we heard a breaking sound. Para bang marupok na kahoy na nababale.

My eyes widen when I notice that the branch were Anais is sitting is starting to break. Ako ang pinakamalapit sa kanya. She gasped harshly.

"Anais!" tawag ko at sinubukan abutin siya ng mga kamay ko para maisalba per huli na ang lahat.

Nabale ang sanga at parang biglang huminto ang buong paligid. Anais fall and I just saw that there's a cliff below us.

"Khaleerine!" she screamed with fear.

"Anais!" sigaw naming lahat nang makitang nahulog siya roon at nilamon siya ng dilim. My chest heaved as my body shuddered. Natahimik kaming lahat sa nangyari.

"S-Si Anais!" nabasag ang tinig ni Lovelace habang marahas kong sinuntok ang puno.

"Damn it!" I screw my eyes shut! Hindi ko siya naabutan! Hinilamos ko ang mukha sa frustration. Napatulala si Lovelace. Habang si Zarco ay kumuyom ang kamao.

"Calm down libra. Mahahanap natin si Anais!" si Klein ng mapansin na nagsisimula na kaming magpanik. Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ni Zarco at napatulala siya.

"A-Anong problema Zarco." he looks in a dazed and he slowly raised his gaze. His eyes are glistening with so much emotion.

"There's no love birds at night." he said in a weak tone.

"If Anais will chirp it will be weird to heard a sound of a love bird at night. Pagdududahan siya at maaring malaman ng kalaban na..." he trailed off and cursed. His knuckles balled into fist. Napatulala rin kaming tatlo.

We all paused on that. Sabay sabay na sumagi sa mga mata namin ang takot para kay Anais.

We forgot to talk about it. Bigla akong hindi makahinga.

"A-Ano nang paraan ang gagawin niya para mahanap t-tayo?" nanginginig na sinabi ni Lovelace at kumikislap ang mga mata. Para bang nawalan ng pag-asa.

Raven UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon