Chapter 48: First Official Date

67 5 5
                                    

Chapter 48: First Official Date

Zoi's POV

"Are you upset?" napalingon ako kay Death nang bigla siyang magtanong.

"Hindi naman" mahinang sabi ko.

"Do you like Xanxus?" diretsang tanong niya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Do I like Xanxus? Really, Death? Do I have to like him to feel sorry for him?" medyo inis na sabi ko. Ano ba naman kasi yung tanong niya?

Bigla siyang ngumiti habang sa daan pa rin nakatingin kaya napataas na ang isang kilay ko.

"What's funny?" tanong ko.

"Nothing" nagpipigil ng tawa na sagot niya.

"Death, seryoso ako. Anong nakakatawa?" seryosong tanong ko.

Sinulyapan niya ako saglit pero bumalik din ng tingin sa daan. "This side of you is new to me. I didn't expect you know how to be a bit cold"

"And that's funny because...?"

"It's not funny. It's amusing" pagtatama niya.

Napailing nalang ako at umayos na ng upo. Parang may sakit pa rin ata tong si Death. Kakaiba ang kinikilos niya.

"Fine. I'm sorry, okay?" biglang imik niya na naman kaya napalingon na naman ako sa kanya.

"What?"

"You're just so cute when you're irritated" nakangising sabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero biglang uminit ang mga pisngi ko imbis na sumagot sa kanya.

"Anyway, are you full? 'Cause I'm still hungry" pag-iiba niya ng usapan. Thank God iniba niya ang usapan!!

"Busog ka sana kung pinatapos mo yung dinner natin bago mo binadtrip si Xanxus" komento ko.

"Are you talking back at me?!" Death sounded angry kaya agad akong napatingin sa kanya. Magkasalubong na ang mga kilay niya. Oh shoot.

"S-sabi ko nga gutom pa ako eh" pagsagot ko nalang sa tanong niya kanina.

"Good. I'll make you dinner" nakangiti na agad siya nang sabihin niya yan. Weird. Ang bilis magbago ng mood niya.

Nanahimik nalang ako sa tabi niya. Baka may masabi na naman akong makapagpabago ng mood niya eh.

~~~

"Anything you want?" casual na tanong ni Death pagkapasok namin sa unit nila.

"Whatever you want" simpleng sabi ko. "Where's Soul?" takang tanong ko nang mapansin kong walang tao sa buong unit nila.

"He's probably still at your apartment or with the angels" simpleng sagot niya. "Make yourself comfortable, I'll be in the kitchen if you need me" mabilis na sabi niya habang tuloy tuloy patungong kusina.

Naupo nalang muna ako sa sofa. It's weird being here without Soul. I mean, if you think about it, he's always been the only one inviting me to come over.

"You can open the TV if you're bored" sigaw ni Death mula sa kusina.

"Thanks" sagot ko nalang.

Nakakailang mag-isa dito kasama si Death! Bakit ganito? Dahil ba nung huli akong nandito ay nahalikan niya ako??

"Oh, shoot" bulong ko sabay hinga nang malalim. Bumilis kasi bigla ang tibok ng puso ko sa naalala ko.

Hinanap ko nalang yung remote control para mabuksan nga yung napakalaking flat screen tv nila.

EmptyWhere stories live. Discover now