Chapter 21: Don't Listen

238 9 9
                                    

Chapter 21: Don't Listen

Zoi's POV

"We'll talk to Stein first thing in the morning. Rest" yan ang utos ni Erol sakin bago siya matulog kanina pagkarating namin sa kwarto namin.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakatulog rin siya. Agad akong lumabas ng kwarto saka isa isang pumasok sa mga kwarto ng ibang guardians para kumuha ng mga kumot at unan.

Ibinaba ko lahat ng yun sa sala kung saan nakakalat lahat sila at mahimbing na natutulog. Inuna kong kumutan yung iba.

Medyo napangiti ako nang makita sila Yugy at Tenj na magkapatong ang ulo, nakasandal ang ulo ni Yugy sa balikat ni Tenj tapos nakasandal naman ang ulo ni Tenj sa ulo ni Yugy. Kinumutan ko na sila.

Talagang natawa na ako nang makita ko sila Gray at Caleb! Paanong hindi? Eh nakayakap ba naman si Gray kay Caleb habang may yakap yakap na maliit na stufftoy si Caleb. Kapag nagising sila nang ganyang posisyon tiyak na magwawala pareho yan. May awkwardness kasi sa kanila kahit na mabait si Caleb, ewan ko kung bakit basta may awkwardness talaga, kaya nga laging nagsusungit si Gray kay Caleb eh. Kinumutan ko na rin sila.

Sa di kalayuan naman nakasandal si Light. Ang peaceful ng mukha niya kapag natutulog, kinumutan ko na rin siya saka umupo malapit sa kanya.

The Real Vongola Heir is entering Shi Academy soon. Look forward to it and welcome the Tenth Generation Vongola Boss Xanxus Dreyar!

Nayakap ko nalang ang mga tuhod ko.

Real Vongola Heir...

And what does that make me and Zeus? Fake heirs? How? Why??

I badly wanna wake up my guardians and talk to them, to at least lessen the uneasy feeling inside of me, pero hindi ko kaya. May problema na silang iniisip, problema nila Caleb at Lightning, ayoko nang dumagdag. Kailangan kong magpakatatag.

"I don't want to lose any of you, I can't lose any of you" mahinang sabi ko habang nakatingin sa mga guardians ko.

Habang nakatingin sa kanila, sunod sunod na mga bagay ang pumasok sa utak ko.

Tulad nalang ng pwede nila akong iwan kung hindi nga talaga ako ang tagapagmana ng Vongola. Pwedeng magalit sila sakin.

Kung yung Xanxus nga ang tagapagmana ng Vongola, kukunin niya ba silang anim sakin??

Paano kung ayawan siya nila Caleb? Paano kung magstay nga sila sakin? Paano nalang sila? Anong mangyayari samin??

Anong gagawin ng ibang mga estudyante ng Shi samin? Aware ako kung gaano nila kaayaw samin, pero di lang nila kami magalaw kasi nga Vongola ang dinadala naming pangalan. Paano ko poprotektahan ang mga guardians ko kung hindi nga ako ang Tenth boss?

Paano na yung mga pangako ko sa kanila??

"Argh" nagulo ko nalang ang buhok ko.

*beep *beep

"Huh?" may bumubusina sa labas ng apartment.

*beep *beeeeeep

Baka magising sila Lightning! Jusmiyo, sigurado akong magwawala to kapag nagising sila sa ingay nung busina nang ganitong oras.

Tumayo na ako para labasin yung maingay na nagbubusina.

"Excuse me, pwedeng wag po kayong mai--" natigilan ako nang makitang si Midnight yung nakamotor sa labas ng apartment. Ngumiti siya sakin. Usual style pa rin niya ang suot niya, balot na balot.

"Midnight? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nag-iingay? Baka magising yung mga guardians at bisita namin, mainitin pa man din ulo nung iba sa kanila" sabi ko sa kanya.

EmptyWhere stories live. Discover now