Chapter 14: Misunderstanding

188 7 9
                                    

Chapter 14: Misunderstanding

Zoi's POV

"Don't worry about it. I know her" simpleng sabi ni Light pagkainom niya ng tubig. Tapos bumalik na siya sa pagkain na para bang walang nangyari.

"Sino siya Light?" tanong ko.

"Why don't you eat first before asking too many questions, Rodriguez?" tanong ni Erol sa tabi ko.

"Nah, its fine, Levin. Everyone's gonna find out about it anyway. She's my little sister. Remember the recording I always play to fall asleep? That's her, Rain, Rain Danforth, the youngest among the four children of the Danforth family" paliwanag ni Light na ikinatigil ng lahat.

Katahimikan.....

"Ang dyosa niya ha" basag ko sa katahimikan nila. Ngumiti si Light, isang masiglang ngiti bago tumawa.

"It runs in the blood, Zoi" ngayon ko lang nakita si Light na sobrang sigla ng ngiti. As in, yung putla niya parang nawala at naging glow.

"San banda?" side comment ni Erol dito sa tabi ko.

"Ano yun tol? May sinasabi ka?" maangas na tanong ni Light pero di naman siya naiinis, pabiro lang yung tono niya.

"Ah, wala" ngumiti nang mapang-asar si Erol kay Light.

"Talaga bang maganda yung kapatid ni Light, Zoi?" tanong ni Yugy.

"Oo. Mala-dyosa nga eh! Matutulala ka nalang talaga" sagot ko. "Diba, Erol?" mukha kasing nakita na ni Erol si Rain eh.

"Ah, oo. Sobrang ganda. Hindi nagmana sa kuya" nakangiting sabi naman ni Erol.

"Baka naman kaugali ni Lightning? Sayang ang ganda kung masungit" komento naman ni Gray.

Umiling ako. "Ang bait kaya! Sobra"

"Magalang pa, hindi bastos kausap yun" dagdag ni Erol.

"Ahh, hindi talaga nagmana kay Light. Kapatid mo ba talaga yun?" tanong din ni Caleb.

"Kapatid ko yun no! Gusto niyong mamatay ngayon dyan sa kinauupuan niyo?!?" bulyaw ni Light na ikinatawa naming lahat. "But the truth is... Saming magkakapatid, si Rain talaga yung naiiba. Siya lang yung masiyahin, siya lang yung punong puno ng buhay. Minsan nga napapaisip kaming tatlo kung kapatid nga ba talaga namin siya eh. Pero in the end, kapatid talaga namin siya" paliwanag ni Light.

"So, mala-dyosa talaga Zo?" tanong ulit ni Yugy para mawala yung medyo ibang atmosphere ni Light.

"Oo nga" natatawang sabi ko.

"I wanna meet her" sabay sabay na sigaw nila Yugy, Gray, at Caleb.

"And what makes you think I'd let you?" galit na sigaw ni Light. Bigla kong naalala si Zeus nang sumigaw siyang ganun. Kaya ang ending, tumatawa silang lahat habang nagagalit si Light pero tulala lang ako dito. "Isa pa ayaw ni Rain sa mga isip bata at basagulero" pagkasabi ni Light nun, napa'ay' nalang sila kaya natawa si Erol sa kanila.

Infairness kay Erol ah, di man siya mukhang interesado sa kapatid ni Light, atleast nakikisali siya sa biruan nung mga baliw.

"Teka, ba't nananahimik si Tenj?" tanong ko. Kasi siya lang pala yung di nakikisali aa kulitan nila. As in tahimik lang siya dun at kain ng kain.

"Lamon ng lamon si Tanda eh" natatawang sagot ni Yugy.

"Shhhh! Wag kayong maingay! Sabi nung nurse sa clinic nung pinacheck up ako ng coach sa boxing club, kailangan ko daw kumain ng kumain para bumalik agad lakas ko at makapagtrain agad ako. Kaya wag kayong magulo. Wala akong oras sa mga babae! Wala akong interes sa kapatid ni Lightning" mahaba at mabilis na sabi ni Tenj samin.

EmptyWhere stories live. Discover now