Kabanata 1

304 7 2
                                    

Kabanata 1

*tok tok tok*

"Katherine?" Marahang sabi ng taong nasa labas ng pinto ko.

*tok tok tok*

"Uhm... Katherine? Si Colleen to," sabi niya. "Paki-buksan yung pinto. Please."

*tok tok tok*

"Hindi naman puwedeng habangbuhay ka na magkulong diyan sa kuwarto mo at umiyak nang umiyak. Katherine, kailangan mong mag-move on," dahan-dahan niyang binubulong sa pintuan ko. "At ang unang step sa pag mu-move on ay pagbuksan mo ko ng pinto."

Binuksan ko na. Pagod na ko sa sermon niyang dinaig pa si Father sa pagka-deep.

Sinalubong ako ng yakap niya.

"Jusko! Mugtong-mugto na mata mo kakamuk-mok mo diyan!" Talak niya.

Naupo kami sa kama ko at sinermunan pa ako ng mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel. Hay.

"Cry me a river, build a bridge," ika niya. "and get over it." Paborito niya yang sabihin tuwing naiyak ako. Di ko alam kung nakaka-tulong pa iyang kasabihan niya na iyan eh.

*riiiingggg! riiiingggg!*

Tumunog bigla ang telepono ko.

Kyle Ledesma is calling you

Iyan ang nakalagay.

"Huwag mong sagutin. Matapos ka niyang ipagpalit sa bruhitang si Stingky-"

"Stacy nga yun..." Tinama ko siya.

"Bruhitang si Stacy, tatawag siya sayo ngayon?! Para saan? Para mag-sorry?! Mukha niya kamo! Manigas siya!" Talak niya. "At para rin mabilis ang pagmu-move on mo sa damohong yan!"

Tama siya, naisip ko. Dapat iwasan ko muna si Kyle para mapadali ang pagmu-move on ko.

"Sige." Sabi ko. "Matutulog na ako. Mauna ka na bukas sa school kapag male-late na ako. Good night."

"Sige. Iloveyou! Goodnight!" Sabi niya na parang nagiba agad ang mood niya.

Ngumisi nalang ako. Pagod na pagod na akooo!

• • • • • • • •

Krrrriiiiinggg! Krrrriiiiinggg!

Tunog ng alarm clock ko. Juskooo! Inaantok pa ako. Maka-idlip nga muna!

"Katherine! Gising!" Sigaw ni Colleen.

Tok tok tok

At ayun. Di pa nakakapikit ang mapupungay kong mata sa antok at kakaiyak kagabi, sumigaw at kumatok na si Colleen.

Sabi ko pag-bukas ko ng pinto, "Bakit ba-"

Pinutol niya kaagad ang sinabi ko. At pabulong siyang sumagot na parang natataranta, "Kasi ano, yung ano, si ano..."

"Ano?!" Bulaslas ko.

"Si Kyle nandiyan! Sa baba!"

Natigilan ako. Nasa baba ang huling taong gusto kong makita ngayong araw na to. Ay. Gulo ata hanap nito.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko siya doon. Guwapo to. Matalino. Kaso, demonyito ata eh. Kaloka.

"Katherine-"

"Kung magsosorry ka, sorry din kasi di ko pa kayang tanggapin yan." Untag ko bago niya pa matapos ang sasabihin niya.

Napatikom ang bibig niya. Nag mukhang anghel ata siya ngayon. Ganyan tayo eh. Kapag hihingi ng tawad, magiging mas holy ka pa kesa kay Lord. Kapag gagawa ng mali, mas masama pa kay Satanas. Hmp.

"So, puwede ka nang umalis?" Sabi ko para maputol ang katahimikan ng kapatid ni Satanas. Kaagad na akong umakyat sa hagdan.

"Katherine!" Tawag niya sakin mula sa baba. "Sorry."

"Yeah. Araw-araw mo nang sinasabi sakin iyan! Di ka ba napapagod sa paghabol sa taong sinaktan mo at di ka na mahal ngayon?" Namuo na ang luha sa mga mata ko.

Alam na alam ko sa sarili ko ma mahal ko pa siya. Hindi ko alam kung galit ang nararamdaman ko. Panghihinayang? OO. Tuwing makikita ko siya kasama ng babae niya, nasasaktan ako. Alam ko at alam ng Diyos na mahal ko parin siya.

Take note: MAHAL NA MAHAL.

"Kyle, please. Wag muna ngayon." Humikbi na ako. "Pagod na pagod na ko. Tama na."

Doon, pumasok na talaga ako sa kuwarto ko at sinaraduhan ang buong mundo gamit ang peste kong pinto.

Kailangan ko parin pumasok. Psh.

First LoveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα