Kabanata 38

52 1 0
                                    

Kabanata 38

Nang makapasok na kami sa kuwarto, nagsalita na agad ako, "Ako na muna maliligo. After ko, ikaw na. Okay?"

"Okay."

Pumasok na 'ko sa banyo. Argh. Ang dami ko pang po-problemahin dahil sa kalokohan ni Colleen na pagsamahin kami ni Keith. Bwisit talaga.

Saan matutulog ang mokong? Mainit sa couch dahil summer at isa pa, nasa itaas 'nun yung aircon so hindi masiyadong abot. Hindi rin puwede sa sahig at baka ma-pulmoniya. Wala akong foldable bed. Paano?

May tuwalya kaya 'yun? Sana mayroon siya. Damit? May backpack namang dala so most probably, may dala siya. Unan? Waaah! Don't say na babawasan niya ang mga precious pillows ko?! Juskooo! Kung alam lang ni Colleen 'tong ginawa niya!

Pagkaligo at pagkabihis ko, lumabas na ako ng banyo. Nakita kong nakaupo siya doon sa gilid ng kama. May tinititigang picture. Hala? Baka 'yun yung picture namin! Pinaframe ko 'yun eh! Baka isipin niya head over heels pa rin ako sa kaniya! Well, hindi ba? Pero nakakahiya!

Lumapit ako at kinuha yung picture. Iyon nga 'yung picture namin! Eto 'yung kinuha noong audition ng banda. Yung nakatingin siya sa'kin.

"Hoy! Masama ang nangingielam ng gamit!" sabi ko at dinuroduro ko pa siya.

Ngumiti siya. "Pina-frane mo pa pala iyan?" tanong niya. Nagpout siya bigla. "Bakit nasa loob siya ng drawer? Grabe ka."

Oo, nilagay ko talaga 'yun sa loob ng drawer dahil una, baka may makakita pa, at pangalawa, ayokong makita.

"Eh, ano naman sa'yo kung itago ko sa drawer?" tanong ko sa kaniya.

"Picture natin iyan, itatago mo lang?"

Inirapan ko lang siya. "Sa susunod, magpapaalam ka muna bago mo galawin ang gamit ko," kalmado kong sabi at naupo sa tabi niya. Hindi naman yung tabing-tabi. May distansiya rin.

"Ito 'yung kambal mo di ba?" tanong niya habang nakatitig sa family picture namin dati.

"Oo," malungkot kong sagot. "Before 'nung diagnosis pa iyan."

"Anong age kayo siya namatay?"

"Twelve years old."

"After 'nun kayo iniwan ng tatay mo or before?"

"One year before."

Naramdaman ko nalang na tumutulo na luha ko.

Napansin naman niya agad na naiyak na ako. "Uy, 'wag kang umiyak. Alam mo, ngayon, kasama na siya ni God. Masaya na doon. Wala na 'yung sakit niya. Di ba? Let's just be happy for her," pagpapatahan niya.

"Kung sana ganoon na lang kadaling makalimot."

"May balita ka ba kung nasaan na papa mo?" tanong niya.

"Wala. Ni hindi ko ng alam kung buhay pa siya eh. Pero siyempre umaasa ako na one day, babalik siya. But until now, that day still didn't exists," sabi ko. Tumawa siya. Tinignan ko siya nang masama.

"Ang ganda ng kambal mo," sabi niya. "Kung buhay 'to, liligawan ko 'to." Huminto muna siya tapos tumingin sa'kin. "Pero mas maganda ka pa rin," sabay kindat.

WTF?

"Ewan ko sa'yo. Maligo ka na," sabi ko at tinago ko na yung mga picture. "May tuwalya ka ba?"

Pinakita niya yung tuwalya niya. Whew, buti may dala siya.

After five minutes, lumabas na siya. Buti naisip niyang dapat sa banyo siya magbihis. Nakalimutan ko kasi sabihin eh! Buti hindi tatanga-tanga 'to, kung hindi, ay nako, paktay na tayo!

"De Guzman, bababa muna ako. Nagugutom ako," sabi ko at lumabas na.

Nagulat ako nang sumigaw siya mula sa loob ng kuwarto, "It's Keith! Not De Guzman!"

Baliw.

Bumaba na ako at nagtimpla ng gatas. Ewan ko, hindi na naman ako infant o bata pero gusto ko pa rin uminom ng gatas.

"Hoy, bakla," bulong ng isang boses. Lumingon ako. Si Art.

"Hm? Why?" tanong ko.

"Kamusta?" tanong niya.

Bumuntong hininga ako. "Buwisit eh. Bakit ganoon ba? Ex ko talaga? I mean puwede naman ikaw ang kasama ko sa kuwarto, or si Sed. Di ba? Hindi awkward. Hindi ko naman hiniling sa mga santo na pagsamahin kami sa kuwarto eh."

Tumawa siya kaya tinignan ko siya ng masama. "Hindi ka pa nakaka-move on," sabi niya habang nailing-iling pa.

Tinignan ko si Art sa mata. "Oo, hindi pa naman talag ako nakaka-move on eh. Saklap di ba? Saklap kasi hanggang ngayon, mahal ko pa siya."

Tumigil si Art.

"Ako rin naman eh, hindi pa nakaka-move on."

Humarap ako para makita kung sino nagsabi 'nun. Si Keith. Pahiya ako. Narinig niya yung sinabi ko! Kyaaah!

"At sa tingin ko, hindi masaklap 'yun," pagpapatuloy niya pa. Nakita kong basa yung mata niya. Naiyak ata. Ang drama naman.

Nilagok ko na yung gatas ko at umakyat na. Nakasunod lang siya.

"Katherine," tawag niya pagkaakyat ko.

Katherine. Hindi Venice.

"Inaantok na 'ko. Matulog na tayo," sabi ko at nahiga na 'ko sa kama ko. Nahiga na rin siya sa couch. Nakatingin pa rin sa'kin. Tumalikod ako at doon na bumuhos luha ko. Tinakpan ko bibig ko para hindi marinig yung paghikbi ko. Narinug ko na nahagulgol na rin siya.

Parehas na mahirap 'to para sa'min. Mahirap kasi magkasama ka dito sa iisang kuwarto, mahirap kasi ex niya ko at ex ko siya, mahirap kasi hindi pa rin kami nakaka-move on.

"Sorry," bulong niya mula sa likuran ko. Tumango na lang ako.

Hindi pa naman talaga ako inaantok eh. Gusto ko lang itigil kung ano ang sasabihin niya kasi alam kong lalo lang akong maiiyak doon.

Humarap na ako sa kaniya. Hindi pa rin siya makatulog. Pinunasan ko na yung luha ko. Naupo ako sa kama at tinanong siya, "Mainit? Naiinitan ka na ba?"

Tumango siya at tumingin sa'kin. Mugto yung mga mata niya. The eyes I've fell for.

Paano ba 'to? Naiinitan na siya.

"Look, Keith, alam kong awkward pa tayo, pero mas awkward naman kung nakatitig ka lang sa'kin buong gabi kasi hindi ka makatulog sa init. Wag mong mamasamain, pero, um, dito ka na lang sa kama," sabi ko.

"H-huh? Paano ka?" tanong niya.

"M-malaki naman 't-tong kama, dito ka nalang sa isang side, tapos dito ako," nahihiya kong sabi.

Tumayo siya at nag-lipbite pa na parang nag-iisip. Shemay naman! Sa harap ko daw mag-lipbite?!

"Okay." Pumunta na siya sa kabilang side at nahiga. Nahiga na rin ako. Parehas kaming nakatingin sa ceiling. Tumingin siya sa'kin at umiwas ulit. "Thanks," bulong niya.

"No problem," sagot ko sabay ngiti.

Napangiti din siya. "Pucha, 'wag kang ngumiti! Nakakatunaw!" sigaw niya.

A-ano daw? N-nakakatunaw? Shemay.

Tumawa ako. "Namumula ka."

"Tseh! Matulog ka na nga, Katherine."

Napabuntong hininga ako. "You used to," bulong ko. "call me Venice." Tumingin ako nang malungkot sa kaniya at linihis agad yung tingin ko.

"I-I'm so sorry," bulong niya pabalik. "I never thought it could hurt-"

Pinutol ko agad siya, "N-no it's okay. Good night," sabi ko at tumalikod na 'ko. Pinikit ko na ang mata ko at natulog.

--
A/n:
Omaygahd, hai guysh. Uulitin ko lang po ha? Hindi ko po binase yung storya ko sa kahita kaninong buhay, maski sa'kin! Coincidence nalang po kung may kapangalan or true to life na event na nabanggit sa storya! Please understand!

And again, paki-share po yung story sa mga prends niyo! Or kahit relatives or kahit sino pa 'yan! More votes! Yeyy. ILYSM!

xx

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon