Kabanata 28

47 1 1
                                    

Kabanata 28

"Ma!" bati ko kay mommy. Three months ko din siya hindi nakita eh!

"Titaaa!" bati ni Colleen na kasama namin ngayon.

"Kath! Colleen! Oh bakit ka-" napatigil siya ng makita niya si Keith. Di ko maiwasan na 'wag kabahan. Strikta ang mama ko. "Keith? Hello! Kamusta na mommy mo?! Buti napadalaw ka hijo! Ay. Pasok, pasok!"

Hay. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Buti naman. Ito ang perks kasi childhood friend ko si Keith.

"Kamusta ka na? Mama mo?" eager na tanong ni mama.

"Okay lang naman po si mama, Tita Che."

"Ikakamusta mo 'ko ha?"

Ayun. nagkwentuhan lang sila nang nagkwentuhan. Na-out of place na nga ako eh. Seriously, mommy? -__-

"Ay teka. Kath, ano na nangyari sa demonyong si Kyle?" tanong ni mama. Hay.

"Ma!" pag-saway ko. "Okay na po kami. Nakausap ko na siya."

"Nako. Yung bwisit na yun!" tumingin siya kay Keith, "Alam mo, sana ikaw nalang ang boyfriend ng anak ko."

WTH MA?!

"Maaa!" pag-saway ko ulit.

"Why? Gusto ko si Keith para sa'yo."

Nakita kong naka-ngisi si Keith. After ng ilang segundo nag-salita na siya, "'Yun na nga po yung pinunta namin dito, Tita Che. Gusto ko po sanang ligawan si Venice."

"Talaga?!" tuwang-tuwang tanong ni mama. "It's good to know! Yippie!"

Childish mama. -__-

"Sige na, Ma. Kain na tayooo," sabi ko.

"Buti nakaluto na 'ko. Keith, tara kumain?"

''Ah, sige po," ngumiti si Keith. Yish. Ang gwapo parin.

Habang naglalakad kami papunta sa dining room, pinitik ni Keith yung mga daliri niya sa tapat ng mukha ko.

"Hoy! Ano ba?" sigaw ko.

"Makatitig ka kasi eh. Gwapo ko ba masyado?" tanong niya with a crooked smile.

"Sira."

"Tip ko sa'yo: 'wag masyadong tumitig sa'kin. Baka maging dahilan 'yun ng pagkatunaw mo," sabi niya na parang nag-i-state ng isang napakahalagang fact. Oh well. 'Yan ang ugali niya eh. 'Yan siya. At masaya ako kapag ganyan siya.

"Bwisit ka."

"Iloveyoutoo," kinindatan niya ako.

--

"Sige na, Ma! Uuwi na po kami!" sigaw ko.

"Kailangan sumigaw?" sarcastic na tanong ni Mama. Mama, ples. -__-

"Hay. Sige na ma. Uuwi na kami."

"Bye titaaa!" sabay na paalam ni Keith at Colleen.

"Sige, sige. Ingat kayo," sabi ni Mama. "Keith ha? Yung pinagusapan natin." Nagusap kasi sila kanina eh. "Ipinagkakatiwala ko sa'yo anak ko. Bahala ka na diyan."

"Opo. Sige po, Tita!"

"Hoy, Katherine, magpahatid nalang kayo kay Kuya Driver. Gamitin niyo nalang yung kotse dyan sa labas. Gagabihin kayo. Nagbilin na rin ako kanina kay Kuya eh."

"Copy, ma."

Tinawag ko na si Kuya at nagpadrive na. Nasa shotgun seat si Colleen habang kami ni Keith sa likod.

Pagkaupo namin sa loob, pinatong ni Keith yung ulo niya sa balikat ko. "Antok na 'ko, Venice."

"Matulog ka nalang muna. Ipapadaan nalang kita sa bahay niyo," sagot ko.

"Okay. Iloveyou."

Ngumiti ako, "Tse. Shut up and sleep."

"If you say so."

--

"Keith! Katherine! Ready na kayo?" tanong ni ate France. "Kayo na next."

"Opo," sagot namin.

"Ready. Set. Fire!" sigaw ni ate France na parang director signal na dapat na kaming pumunta sa stage.

Umakyat na kami at umupo sa mataas na stool. Ako mag-gigitara ngayon. Si Keith unang kakanta.

"Kamukha mo si Paraluman

Noong tayo ay bata pa.

Ang galing galing-galing mong sumayaw,

Mapa Boogie man o Cha-cha.

Ngunit ang paborito ay pagsayaw mo ng El Bimbo

Nakakaindak, nakakabaliw, nakakatindig balahibo."

Ako naman.

"Pagkagaling sa eskwela ay didiretso na sainyo

At buong maghapon ay tinuturuan mo ako."

Ayan nanaman yang mga nanunusok na tingin ni Keith sa'kin. Na-concious ako bigla. Hay.

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay malay

Na tinuruan mo ang puso ko na umibig nang tunay.

Lalalala~"

Nagulat ako nang tumayo siya sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap ko. Ano na ba nangyayari?

"Keith?" tanong ko. Tumingin ako sa mga nanonood. Natili sila.

"You can now stop being my 'future girlfriend', Venice," sabi niya. Gamit niya parin yung microphone kaya rinig ng lahat ang sinasabi niya.

"What the he-" pinigilan kong mag-curse.

"Will you be my 'current girlfriend'?" tanong niya. Muntik na akong nahulig sa stool dahil sa tanong niya. Jusme.

"Jusme. Syempre!" sabi ko.

"O-M-G!" The hell, Keith. Parang beki. -__- Kinuha niya yung kamay ko, humarap siya sa mga tao, "The way I figure it, everyone gets a miracle. I could have seen it rain frogs. I could have stepped foot on Mars. I could have been eaten by a whale. I could have married the queen of England or survived months at the sea. But my miracle was different. My miracle was this: my girlfriend is Katherine Venice Reyes."

"Credits: Paper Towns by John Green," dugtong ko.

Tumawa lang siya at pabirong ginulo buhok ko.

Tumawa ako, "Overtime, Mr. De Guzman."

--

"Keith, paki-abot nga nung cellphone ko sa kwartooo," utos ko kay Keith.

"Ehhh? Inaantok na po ako," nagmaktol pa siya. Masungit nga siya ngayon eh. Parang na-menopause ng sampung beses. -__-

"Kunin mo nalang, tapos matulog ka na sa kwarto. Please."

"Okay," naka-pokerface parin siyang pumasok sa kwarto at paglabas, inabot niya sa'kin yung phone ko.

"Yey. Thanks! Tatawagan ko lang si Mommy. Tulog ka na!" sabi ko habang nakangiti.

Tumawa siya nang kaunti at pumasok na sa kwarto.

Binalita ko lang kay mama na sinagot ko na si Keith. Nagulat siya pero okay lang naman. Masaya pa rin siya.

Pagkatapos namin magusap, pumasok na 'ko sa kwarto ko. Nakita ko si Keith, nakahiga sa kama ko. Yapos-yapos niya yung teddy bear ko, si Bearto. Ang cute! Gustuhin ko mang picturan, nangibabaw yung antok ko. Nahiga nalang ako sa couch. Ay kapagod!

I easily fell into oblivion.

First LoveWhere stories live. Discover now