Kabanata 42

36 1 0
                                    

Kabanata 42

"Teka, susunduin ko na kayo diyan," sagot ni Casper na kausap ngayon ni Colleen sa cellphone niya. Wow lang, siya may number na ni Casper, ako wala pa. -__-

Inabot kasi kami ng ulan sa isang raket namin. Sira pa yung kotse ko kaya commute kami. Eh wala naman kaming makitang kahit anong public vehicle dahil liblib yung venue. Paano?

"Yey! Thank you, Pert!" Colleen exclaimed. Pert? Paano naging name ni Casper ang 'Pert'? Da hell. Mga naiisip nitong bespren ko eh.

"Hoy! Anong Pert? Si Casper iyan di ba?" tanong ko nang matapos ang phone call nila.

"Casper. Caspert. Pert. Duh," mataray niyang sagot. As if naman alam ko di ba?!

*beep! beep!*

Then may kotse ng nasa haral namin. Si Sedrick? Kala ko ba si Pert- este Casper?! Si Sedrick to eh.

"H-ha? Kala ko si Casper?" tanong ko kay Colleen

"Sakay na!" sigaw ni Sedrick mula sa loob ng kotse niya. "Mauulanan kayo oh!"

"Ay! Teka, abangan mo si Casper! Baka hanapin tayo dito! Sasakay na ko kay Sedrick!" sabi ni Colleen tapos sumakay na kay Sedrick.

Hala?! Hindi fair!

"Ang dayaaa!" sigaw ko pero humarurot na si lokong Sedrick. Iwanan daw ba ako dito?! Marape o mahold-up pa ako dito eh! Bus stop kaya to sa isang liblib na lugar! Di ba nila alam yung risks?!

Maya-maya, may bumulong mula sa likod ko. "Hold-up to. Wag kang sisigaw. Akin na pera mo," sabi ni koya. Tumingin ako sa may bandang bewang ko, may kutsilyong nakatutok. WAAAAH! Speaking of hold-up!

Wala akong nagawa kung hindi ibigay yung wallet kong dala. Huhuhu! May three thousand din doon! Pero sa mga panahong ganito, wala kang magagawa kung hindi maging masunurin. Nakasiksik din doon yung pphone kong Lenovo! Buti iniwan ko nalang sa bahay yung Iphone ko!

"Wala nang iba?" tanong ni kuya. Umiling ako. "Wag kang magsusumbong!" sabi nito bago tumakbo palayo.

Ang galing lang nila Sedrick at Colleen. Grabe. Eto ako, money-less, phone-less, car-less, nasa bus stop sa isang liblib na lugar na walang katao-tao. Kapag minamalas ka nga naman! Nanginginig yung kamay ko sa takot na baka may sumugod pang isa na kikidnapin naman ako. Or mas malala, rape-in pa ko. Puta talaga. Kung ganoon, di ko na mapapatawad si Colleen!

Bigla kong nalala si Casper. Nasaan na ba siya?! Putangina naman oh! Kung kailan ko siya kailangan eh!

Tumulo na yung luha ko. Naupo ako sa bench ng bus stop. Hindi ko na kaya yung takot ko.

"Katherine!" sigaw ng isang boses. Naramdaman ko na lang na may jacket na lumapat sa balikat ko. Niyakap niya ako. "Okay na. Sorry. Andito na ko. Sorry, nalate ako." Si Casper.

Akala ko hindi na siya darating eh.

Bumuhos na luha ko. "Natatakot ako," bulong ko. "Nahold-up ako."

"Ha?! Tara na. Halika," inakay niya ako papunta sa kotse niya. "Shhh, nandito na 'ko. Uuwi na kita sa inyo."

"Ayoko. Ayoko pang makita si Colleen. Mabubwisit lang ako," sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

Galit talaga ako kay Colleen ngayon. Natrauma ako eh. Natakot ako. Nangyari iyon dahil iniwan niya ako.

"Sa bahay ko?" tanong niya. Tumango ako. Well, kapitbahay lang naman namin siya.

Nagdrive na siya. Pagkarating namin doon pinaupo niya ako sa couch.

"Coffee? Hot chocolate? Milk?" tanong niya.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon