Kabanata 36

61 0 0
                                    

Kabanata 36

"Masakit?" pang-asar na tanong ni Colleen pagkadating namin sa bahay.

Tinignan ko siya ng masama. Alam na kasi nila ni Sed at Art 'yung tungkol sa usapan namin ni Keith.

"Tch. Affected much ka kasi! Ang tahimik mo kanina pa!" pangbawi niya. "Okay ka lang ba talaga? I mean, may pagsisisi ba diyan sa puso mo dahil pinakawalan mo siya at pinakawalan ka niya?"

Napatigil ako. Meron nga ba?

"Oo, nagsisisi ako dahil hindi ko siya tinanggap at pinakawalan ulit siya. But as I said, kung para kami sa isa't-isa, para kami sa isa't isa. Pagtatagpuin at pagtatagpuin kami ng tadhana," seryoso kong sagot.

"Oh well," sabi ni Colleen.

"Magpapahinga na muna ako. Bye," sabi ko at nagtungo na sa hagdan.

Papaakyat ako nang, "Kath! Katherine!" may tumawag mula sa labas.

Agad 'yun pinagbuksan ni Colleen ng gate.

"Colin? A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Oo, siya yung nakasabay namin ni Keith sa jeep noong isang beses.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong niya pagkapasok niya sa bahay.

Tumango ako at bumaba sa hagdan. Pinaupo ko muna siya at nagtimpla ng juice. Pagkatimpla ko, bumalik na ako sa sala, kung nasaan siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Uhm, nabalitaan ko na kasi yung paghihiwalay niyo ni Keith," sabi niya na parang kinakabahan.

Wow, how quickly news spread. -____-

Tumango ko.

"Sorry," sabi niya. I tilted my head na parang tinatanong kung bakit. "Ako yung nagbigay kay Keith nung dare niya na ligawan ka then hiwalayan ka. Sorry. Its unpleasant to know that I'm one of the reason of your tragically sad heartbreak."

Napangiti ako sa mga words niya. Pero nabawi agad yun dahil doon sa confession niya. "Okay lang yun. Tapos na yun eh." Tumungo ako. Baki ba ako ganito? Kahit hindi okay, sinasabi ko, 'Okay lang'.

"Nandito lang ko kapag kailangan mo ko, ha? Sorry ulit, Miss Reyes," sabi niya.

"Katherine lang."

"Okay. Sige, uuna na ko." Tumayo na siya at naglakad papunta sa pinto. Nakabagsak pa rin yung balikat niya na parang nalulungkot talaga.

Pagkalabas niya, umakyat na ako. Pinunasan ko yung luha sa mata ko na hindi ko alam na mayroon pala.

Pagpasok ko sa kuwarto ko, naalala ko na naman siya. Yung lahat ng tungkol sa kaniya.

Yung araw na sabi niya, siya magpupuyod sa buhok ko, noong dito siya natulog dahil may lagnat siya, at naging night-of-the-accidental-kiss, at iba pang bagay na naaabot ng memorya ko tungkol sa kaniya. Its easier to forgive than to forget.

Keith, bakit ba ganito kalala ang epekto mo sa'kin

Nagdecide ko na itext si Sedrick.

To: Sedrick

Sed? Starbucks tayo, pretty pleaseee.

Agad naman siyang nagreply:

From: Sedrick

Sige, tara. After 20 minutes, kita tayo sa SM Megamall.

To: Sedrick

Yayy! Thankie, Sed!

--

After twenty minutes, nag commute na ako papunta sa SM. Pagkarating ko sa SB, nandoon na siya, nakangiti sa'kin.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon