Kabanata 26

78 3 2
                                    

[[A/n: skuukzky AYAN NA PO. NAG-UPDATE NA.]]

Kabanata 26

Im sorry, Venice.

Bakit ba siya nag-sorry sa'kin. Like, WTH.

I'm sorry, Venice.

May ginawa ba siyang masama? Bakit ba?

Kinaway-kaway ni Sedrick sa harapan ng mukha ko yung kamay niya, "Hoy! Kath, lutang ka na naman! May problema ka ba, Erp?"

"H-ha? W-wala po."

"Hay. Okay po. Sasabihin mo lang kung may problema ka."

"Thankie, Erp," ngumiti ako.

"No problem. Anything para sa maganda kong kaibigan."

"Hala? Kadiri ka Erp," nagkunwari akong nandidiri. "Cheesy mo!"

"Buti nga sinabihan pa kitang maganda eh! Para at least bagay pa rin tayo kahit kaunti lang!"

"Sedrick anong connect 'non? Bagay tayo? Ewww!" tumawa ako.

"Opo. Kasi, maganda ka, tapos ako, gwapo. Syempre yung maganda ka, joke lang 'yun. Ang pinaka-fact ay yung gwapo ako. Logic, Kath. Logic."

Aba't dinamay pa ng mokong ang logic. Sus, di niya nga alam ibig sabihin 'nun eh!

"WTH, Sedrick!" tumawa ako nang tumawa. Automatic na hinampas ko yung braso niya. "Bwisit ka."

Ngumiti siya, "At least napatawa kita. Si Keith lang nakakapag-patawa sa'yo eh. Congratulate me. It is actually good to know that aside from Keith, someone else can still be the cause of your happiness."

Natamaan ako sa sinabi ni Sedrick. Hindi ko na napapansin ang ibang tao nang dumating ulit si Keith sa buhay ko.

"Hala? Fafa Sed naman!" tumawa ako kaso sinamaan niya ako ng tingin. "Ahh. 'Sus, selos ka lang, Erp!"

Ngumiti siya, "It's okay. Gusto ko lang mapa-realize sa'yo na hindi lang isang tao ang dapat gawin mong center ng buhay mo. Kasi darating ang araw, iiwanan ka rin ng mga taong sobrang halaga sa'yo. Hindi lahat ng tao nasa tabi mo forever."

"Tama na, Sed. Anong nakain mo? Masyado ka atang emotional at dramatic."

"Sana kapag iniwanan ka ni Keith o kung sino pa man, sana wag kang magbabago. Sana kaya mo pa ring tumawa at magbiro. Sana hindi masira buhay mo, kagaya nung muntik nang mangyari noong iniwan ka ni Kyle."

"Sedrick," hinawakan ko kamay niya, "Sana 'wag niyo akong iwanan ni Colleen ha?"

Oo. Kasi kung nagkataon, wala akong magiging sandigan. Yung kapatid ko, wala na. Si mama nasa Muntinlupa City habang ako nandito sa Quezon City. Si papa, iniwanan na kami.

"I'll try, Kath."

"Thanks."

--
"May problema ba, Venice?" tanong ni Keith habang naglalakad kami palabas ng campus. Uwian na.

Bakit lahat ng tao tinatanong kung may problema ako? Hmm.

"H-ha? Wala," sagot ko.

Well actually, nabother ako sa pinasasabi ni Sedrick kanina. Ang wierd. Minsan lang mag-seryoso 'yun eh.

"Hala? Sure ka ha?"

"Opooo," nagpout ako. Ang arte ko talaga. -.-

"Basta kapag may problema ka, sasabihin mo lang ha?"

"Sige po," sagot ko. Jusko. Nakakaloka mga tao ngayon. -__-

Bakit ba ganito to? Napapag-isip tuloy ako kung may tinatago talaga si Keith sa'kin. Kung meron, ano kaya 'yun?

Nang makalabas kami ng gate ng campus, hinila niya ako papalapit sa kanya. Hala? >.<

Niyakap niya ako, "Basta lagi mo lang iisipin at maniwala ka lang na mahal kita. Kahit anong mangyari. Mahal na mahal kita. Alam kong hindi pa tayo kaya hindi ko ine-expect na sagutin mo ko dito. Pero, I love you so much, Venice," hinalikan niya yung ulo ko.

"Yes, Mahal. I love you, too."

--

"Ate France! May kakantahin na po kami ni Keith sa Fridayyy!" sigaw ko. 'Bat ba 'ko nasigaw? Hala? Baka makapagkamalan akong takas mental.

"Ah! Really?! Yeah, practice lang kayo. I trust you two. I can't watch you rehearse na! But, kaya niyo 'yan!" nagthumbs-up siya. Okii. Yes, wala masyadong pressure habang nag-rerehearse kami!

"Thank you po!"

--

*tok tok tok*

Hindi ko pa sinasagot, sinilip na ni Colleen yung ulo niya papasok sa kwarto ko.

"May dalaw ka!" sigaw niya.

Si Keith na naman to. Hindi naman sa nagsasawa ako 'no! Wala lang. Naba-bother pa rin ako sa sinabi ni Sedrick. Huehuehue.

"Opo, bababa na," sagot ko.

"Siya na an umakyat para sa'yo, Loves."

"Colleen," nagpoker face ako. "Ang corny ng 'Loves' na 'yan. -__-"

"Shuri po!" nag ala-Chichay na naman siya. "Andito na si Loverboy!"

Pumasok na si Keith. May dala siyang bulaklak. White roses. Yeeyy. :D

Inabot niya sa'kin at automatic ko yun na inabot. "Kuha lang ako ng vase," sabi ko sabay tayo kasi naka-upo ako sa kama ko.

Hindi ako nakapag-hakbang pa kasi hinila niya yung kamay ko. Muntikan na ako ma-out balance 'dun ah!

"HOY!" pagsaway ko sakanya. "Walang hilahan!"

Tumawa siya, "Ayaw mo 'nun? Mafa-fall ka sa'kin, Mahal." Kumindat siya.

"Ewan ko sa'yo," pinipigilan ko yung tawa ko. Bakit ba? Ang playful niya ngayon ah.

"Sus. Kilig ka naman?"

"Hala?!" naramdaman kong naginit pisngi ko. Agad kong tinakpan 'yun gamit kamay ko. "Hindi ahh!"

"Sus, tinakpan mo nga pisngi mo eh. Oh siya! Kuha na ng vase. Masyado ka nang nag-gwapuhan sa'kin! Baka tumulo na laway mo d'yan!"

"Siraulooo!" sinabunutan ko siya nang pabiro. Baliw talaga 'to!

Kinuha ko na yung vase at nilagyan ng tubig saka nilagay yung white roses. Ang ganda. Nilagay ko yun sa CR ko. Hayy. Naiinlove ako sa bulaklak. -_-

"Lovesss!" narinig ko si Keith mula sa kama ko.

Pagkalabas ko, "Loves? 'Di ba Mahal tawag mo sa'kin?"

Ngumiti siya ng nakakaloko, "Narinig ko kasi na Loves tawag sa'yo ni Colleen. Nainggit lang ako."

Lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Naramdaman ko yung kamay niya na pumulupot sa beywang ko.

"I wish I could freeze this moment. Right here. Right now. And live in it forever," bulong niya.

"Hunger Games, eh? You're sooo lucky I love Peeta Mellark."

"So love mo rin ako, Mahal?"

"Shumpre."

"As a friend?" sabi niya na parang alam niya na hanggang 'dun lang talaga tingin ko sa kanya.

"Hala? Hindi. I really love you na," konyo kong sagot.

"Yieee. Kileg ako, Mahal. Pero ang konyo mo magsalitaaa! Ewwie!" nagkunwari siyang nandidiri.

"At least mahal mo," sagot na nakapagpa-ngiti sa kanya.

"Ikaw naman nagpapakilig sa'kin ngayon," ngumiti siya ng pa-cool.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon